Mga Pahayag

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Lubos

ang
Mga Pahayag Sang- Hindi Hindi
pagsang-
ayon gaanong sang-ayon
ayon
sang-ayon

1. Ang pangingibang
bansa ay karaniwan na
sa mga Pilipino.

2. May positibong
epekto sa katatagan ng
pamilya ang
migrasyon.

3. Nakaaangat sa
katayuan ng pamilya
ang migrasyon.

4. Matatag ang
komunikasyon ng
pamilya dahil sa
migrasyon.

5. Gumagaya ang anak


sa magulang na
mangibangbansa.

6. Responsable ang
anak na ang magulang
ay nasa abroad.

7. Nararapat na
makapagtrabaho ang
Pilipino sa ibang bansa.

8. Lubos ang
pagkakahubog ng anak
na nasa abroad ang
magulang.

9. Naipagmamalaki
ang kultura ng Pilipino
sa ibang bansa.

10. Ang migrasyon


ang tumutugon sa pag-
asenso ng Pilipino.
1. Ano ang karaniwang dahilan ng
migrasyon o pagpunta sa ibang bansa ng
mga Pilipino?
2. Ano ang tanging nag-uugnay sa mga
miyembro ng pamilya na nagkalayo at
ano ang nagpapatatag sa kanilang
ugnayan?
3. Ano-ano ang mga sakripisyo ng
bawat miyembro ng pamilyang
ipinakikita sa komersyal?
4. Ano-ano ang mga positibong epekto
ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
5. Ano-ano ang negatibong epekto ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino?

1. Nailalahad ang mga


hakbang na ginagawa
kaugnay ng pagpili ng
kurso o negosyo.
2. Nauunawaan ang
kahalagahan ng
paghahanda sa pagpili
ng kurso o negosyo.
3. Nakapagbabahagi ng
mga hakbang na
ginagawa sa pagpili ng
kurso o negosyo.

1. Ano ang dahilan ng pagtungo ni Don


Juan sa Reyno de los Cristales? Naging
madali ba ang kanyang ginawang
paglalakbay patungo rito?
2. Bakit masasabing may ginintuang
puso ang matanda sa akda? Mayroon
pa bang mga taong katulad niya sa
kasalukuyan?
3. Kung saka-sakaling makasasalubong
ka ni Don Juan at hingan ka niya ng
tulong, ano ang ibibigay mo sa kanya
bukod sa pagkain at bakit ito ang iyong
ibibigay?
1. Ano-ano ang mga naranasan ni Don
Juan sa kanyang ginawang paghahanap sa
Reyno de los Cristales? Naging madali ba
para sa kanyang ang ginawang
paglalakbay? Bakit?
2. Ano ang sinisimbolo ng kapirasong
tela o barong ibinigay ng ermitanyo kay
Don Juan? Bakit kaya mahalaga ang mga
ito para sa mga ermitanyo?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang
posibleng mangyari kay Don Juan kung
hindi siya tinulungan ng dalawang
ermitanyo? Bakit?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataong magpayo sa isang taong
gusto nang smunko sa buhay dahil sa mga
pagsubok na kanyang nararanasan, ano
ang sasabihin mo sa kanya?
Isa sa mahalagang pagbabago sa mundo ng paggawa ay ang pagkakaroon ng tinatawag na lean and mean o flat
na istruktura ng organisasyon. Sa ganitong istruktura ng organisasyon, nababawasan ang bilang ng mga
namamahala at nadaragdagan naman ang bilang ng mga manggagawa. Isa sa mahalagang implikasyon nito ang
pagkakaroon ng mas mataas na pangangailangan sa mga manggagawang may mataas na kasanayan. Ang
kinakailangang skilled workers o manggagawa sa ngayon ay hinahanapan ng sumusunod na kasanayahan:
pangunahin o batayang kasanayan (Basic Skills), kasanayan sa teknolohiya, Organizational Skills at mga
tinatawag na Company Specific Skills.

Basic Skills: Kabilang dito ang mga pangunahing akademikong kasanayan tulad ng pagbasa, pagsulat at
pagtutuos. Mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil sa ang mga manggagawa sa ngayon ay kinakailangang
gumamit ng impormasyon sa computer terminals, forms, charts, instructions, manuals at iba pang
impormasyong nakalathala o naka-display. Mahalaga ang kasanayan sa pagtutuos o computational skills sa
pagsasaayos at paghahanda ng mga datos para sa pagsusuri at paglutas ng mga suliranin. Ang pagsulat ay
mahalagang bahagi ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa loob at labas ng organisasyon. Higit sa lahat
mahalaga ang kasanayang ito sa pagbubuo ng isang maaasahan at permanenteng data base.

Technical Skills: Ang computer skills ay maaaring maging isang pangunahing kailangan o baseline
requirements sa maraming trabaho sa hinaharap. Ang mga manggagawa sa ngayon ay gumagamit ng patuloy na
nagbabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan, pagkuha at paggamit ng impormasyon at sa industriya o
produksiyon. Bunga ito ng pagpili ng industriyang gamitin ang makabagong teknolohiya upang pataasin ang
kahusayan at pabilisin ang produksiyon at pagandahin ang kalidad ng produkto. Hangad din ng maraming
industriya sa ngayon na makaangat sa mga karibal na industriya sa pamamagitan ng kakaiba at mas
makabagong paraan ng pagbibigay ng serbisyo. Dahil nga tumataas ang kasanayang kailangan habang patuloy
na nagbabago at nagiging mas mataas ang teknolohiya, kailangan din ang patuloy na pagsasanay ng mga
manggagawa. Kaya nga sa bawat upgrade ng mga teknolohiya, kailangan din ang upgrade sa kasanayan ng mga
manggagawa. Karaniwang tinutustusan ang mga pagsasanay na ito ng mga industriya, ngunit ang bagong
pananaw sa paggawa ay nagdidikta na tungkulin ng bawat manggagawa ang patuloy na paglago ng kanyang
kasanayan.
Organizational Skills: Ang mga pagbabago sa istruktura at pamamahala ng mga organisasyon gayon din ang
mga pagbabago sa ugnayan sa pagitan ng manggagawa at mga tagatangkilik o customer, ay nangangailangan
din ng mga karagdagang kasanayan sa mga manggagawa. Kabilang na rito ang kasanayan sa
pakikipagtalastasan, pagsusuri at pagsisiyasat, paglutas ng mga suliranin at pagkamalikhain. Kailangan din ang
kakayahan sa pakikipagkasundo at panghihikayat at pamamahala ng sarili. Sa nagbabagong istruktura ng
organisasyon ang mga manggagawa o mga empleyado na wala sa posisyong namamahala o nangangasiwa ay
nakikibahagi sa mga pagpupulong upang pag-usapan ang mga suliranin kaugnay ng gawain kung kaya’t
mahalaga ang mga kasanayan at kakayahang nabanggit.

Company Specific Skills: Dahil sa patuloy na tumataas at nagbabagong teknolohiya, nagbabagong merkado at
dumaraming katunggali, ang mga kompanya o industriya ay napipilitang gumawa ng sariling mga inobasyon,
pagbutihin at gawing napapanahon ang mga produkto at serbisyo at magbigay ng tuon sa patuloy na
pagpapaunlad ng proseso ng paggawa. Bunga nito ay patuloy din ang pagsasanay ng mga empleyado at
manggawa upang matugunan ang mga hinihinging kasanayan na angkop at partikular lamang sa mga inobasyon
na ginagawa ng kompanya o industriya.

Pinag-aralan ni Professor Michael Driver ng Graduate School for Business ng University of Southern California
ang career development ng mga mamamayan doon. Sa kanyang naging pag-aaral, natukoy niya at nailawaran
ang iba’t ibang uri ng career paths. Nagkakaibaiba ang mga career paths na ito ayon sa sumusunod na kraytirya:
bilang ng naging trabaho, posisyon o pagbabago sa buhay; direksyon na tinatahak ng karera; at ang pagitan ng
panahon ng mga pagpapalit o pagbabago sa karera. Ang mga career paths na natukoy ay ang steady state, linear,
transitory at spiral.

Ang steady state – ito ay ang career path na nangangailangan ng panghabambuhay na pananatili sa isang
trabaho lamang at patuloy na paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng medisina,
pagdedentista, pag-iinhinyero at pag-aabogado ay madalas na matukoy bilang mga steady state na career path.

Ang linear – ito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding patuloy na
pagtaas ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng ibang manggagawa sa kompanya at kinikita.
Ang mga managers at mga politiko ay karaniwang tumatahak sa linear na career path. . Ang transitory – ito ay
nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang sumusunod sa transitory career path ay karaniwang naghahanap ng
sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang. Hindi rin sila naghahangad ng pag-
angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain.

Ang spiral – ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o pitong taon. Ang
direksyon nito ay madalas nagsisimula nang pahalang o lateral o pababa. Ang isang business executive na
nagpasyang magturo, ang abogadong naging doktor ng medisina, o ang isang dentista na muling nag-aral para
maging nurse ay masasabing tumatahak sa spiral career path.

You might also like