Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ACTIVITY 1
Name:_______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Globalisasyon (Globalisasyon – Web)
Learning Targets: Naibibigay ag kahulugan ng Globalisasyon
References Title:Abejo, J.N. O., et, al. (2017).Mga Kontemporaryong Isyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.:
Mga Pangunahing Ideya

Globalisasyon ang tawag sa Malaya at malawakang pakikipag ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing
pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya, at pangkultural.

Ang kasaysayan ng Globalisasyon


-Nakatulong sa pagsisimula ng Globalisasyon sa kasaysayan ang Silk Road- ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng china.
-Tinatayang isa sa mga nag paigiting ng kasaysayan ng globalisasyon ay ang pananakop ni Alexander the Great. Siya
ang nagdala ng kultura ng Ancient Greek sa Timog-Kanlurang Asya , North Africa, at Southern Europe.
-Pananakop at pagtatatag ng mga bansang Europeo ng mga kolonya sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
- Nang magkaroon ng Rebolusyong Industrial noong ika-19 na siglo, nagkaroon ng sari-sari at makabagong
imbensyon, mga industriya at makabagong makinarya. Sa panahong ito nagkaroon ng maraming mga pabrika.
-Sa pag-unlad ng teknolohiya , naging mabilis ang paglaganap ng globalisasyon noong ika-20 siglo. Umunlad noon
ang transportasyong panghimpapawid, nagkaroon ng telepono. At malawak na koreo.
- Noong ika-21 siglo, lumawak ang malayang kalakalan at sumibol ang information age. Sa pamamagitan ng satellite
at milya-milyang kableng fiber optic, konektado na ng World Wide Web ang mga kontinente kaya’t maaari ng
makipag-ugnayan nang agaran ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Halimbawa:
Mga pangyayari at salik na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa ating mundo.
-pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
-paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
-pag-unlad ng ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon
-paglawak ng kalakalan ng transnational corporations
-pagdami ng foreign direct investments sa iba’t-ibang bansa
-ang pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya
Mga Katanungan at Pagsasanay:
Panuto: Gamit and Concept web sa ibaba, ibigay ang kahulugan ng GLOBALISASYON.
DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET
ACTIVITY 2
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Mga Aspekto ng Globalisasyon (Ibigay mo!)
Learning Targets: Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat aspekto ng Globalisasyon
References Title: Abejo, J.N. O., et, al. (2017).MgaKontemporaryongIsyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma. Clara Sreet,
Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.:
Mga Pangunahing Ideya
Ang Globalisasyon ay makikita sa iba’t-ibang aspekto ng ating pamumuhay at kultura. Narito ang ilan.
Halimbawa:
Kahulugan Halimbawa
Komunikasyon- lalong bumilis ang globalisasyong kultural Komunikasyon- agad nating nalalaman ang mga kaganapan sa
dahil sa modernong komunikasyon. Sa ngayon, dahil sa mga iba’t-ibang bansa nang dahil sa mga gamit pang komunikasyon
makabagong teknolohiya, ang mga impormasyon ay madali tulad ng mga telebisyon, radio at networking sites.
ng lumalaganap sa pamamagitan ng Internet.

Paglalakbay- nakatutulong sa globalisasyon ang madaling Paglalakbay- dumadami ang Overseas Filipino Workers (OFWs)
paglalakbay sa iba’t-ibang dako ng mundo. Taon-taon dahil sa paghahanagad nilang makapaghanapbuhay at kumita ng
mailyon milyong mga tao ang naglalakabay papunta sa iba’t- mataas na sahod.
ibang bansa upang mamasyal, mag-aral, magbakasyon o
magtrabaho.
Popular na kultura- may mga Gawain at paniniwala sa iba’t- Popular na kultura- ang mga palabas, soap opera, o drama mula
ibang bansa o dako ng mundo na naka impluwensiya sa mga sa Korea at Spain ay popular nadin dito sa Pilipinas.
Gawain at paniniwala ng mga tao sa iba pang bansa. Ang
modernong kultura ay globalisado nadin.

Ekonomiya-lumakas ang mga ekonomiya ng ilang bansa Ekonomiya- ang globalisasyon ng ekonomiya ay nakatulong sa
dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo, presyo ng maraming korporasyon naglipat ng kanilang mga pagawaan at
transportasyon, pagsulpot ng mga multinational na kompanya nagbigay ng mga trabaho sa mas mahihirap na bansa. Ito ang
at ng mga pandaigdigang organisasyon na nagsusulong ng tinatawag na outsourcing. Sa pilipinas, napakaraming mga Pilipino
globalisasyon tulad ng World Trade Organization at World ang nagtatrabaho sa industriyang ito na makikita sa mga call
Bank. center sa bansa.
Politika- ang United Nations ay nagsimula noong Oktubre Politika- nagbunga ito ng pagkakaroon ng mga kasunduan tungkol
24, 1945. Noon ay may 51 mga bansa lamang ang mga kasapi sa teritoryo at lupang sakop ng nga bansa. Nagkaroon ng mga
nito at sa ngayon ay may 193 na. Ang pagkakabuo nito ay isa kasunduang diplomatiko at nagtayo ng mga embahada o
sa mga dahilan ng pagsasaayos ng mga suliraning teritoryal konsulado sa iba’t-ibang bansa.
ng mga bansa.
Mga Katanungan at Pagsasanay
Panuto: Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag
ang iyong sagot.

1. Komunikasyon______________________________________________________________________________
2. Paglalakbay _______________________________________________________________________________
3. Popular na
kultura________________________________________________________________________________________
4. Ekonomiya__________________________________________________________________________________
5. Politika______________________________________________________________________________________

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACTIVITY 3
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Mga Ahensiya/Organisasyon na may kaugnayan sa Globalisasyon (Check your Knowledge!)
Learning Targets: Natutukoy ang positibo at negatibong epekto ng Globalisasyon
References Title: Abejo, J.N. O., et, al. (2017).MgaKontemporaryongIsyu. Vibal Group Inc. G. Araneta Avenue co. Ma.
Clara Sreet, Talayan, Quezon City.
Author:Abejo, J.N. O., et, al. (2017). Page No.:
Mga Pangunahing Ideya
Ang World Trade Organization (WTO) ay isang pandaigdigang organisasyon na may tungkulin na bumuo ng mga
patakaran sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa. Layunin nitong bumuo ng mga patakaran na magpapasigla at
magsasaayos ng malayang kalakalan ng mga kasapi ng bansa.
Ang World Bank ay itinatag matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin nitong tulungan ang mga paunlad
na bansa at itaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao.
 International Bank for Reconstruction and Development (IBRD)
 International Development Association (IDA)
- Nagpapautang ng pondo sa mga papaunlad na bansa para sa pagsasakatuparan ng mga proyektong panlipunan tulad ng
kalusugan, edukasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mahihirap.
Ang International Monetary Fund (IMF)- ay nagpapautang upang mapanatili ng mga bansa ang halaga ng kanilang
mga salapi at mabayaran ang kanilang mga utang panlabas.
Halimbawa:
Pagtitimbang sa Globalisasyon
Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nanatili itong isang kontrobersiyal na isyu. Narito ang mga
positibo at negatibong epekto nito:
Positibong Epekto ng Globalisasyon Negatibong Epekto ng Globalisasyon
1. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t-ibang 1. Pagbaba ng kapital ng mga local na industriya na hindi
bansa sa daigdig. kompetitibo dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na
2. Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi. nagbibigay proteksiyon sa mga ito.
3. Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan (World 2. Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa
Market) mataas na antas na kawalan ng trabaho at mataas na
4. Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang antas ng kompetisyon sa trabaho sa merkado.
mangangalakal na nagbibigay ng trabaho sa mga 3. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa.
mamamayan at paglaki ng produksiyon na makatugon 4. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at
sa pangangailangan ng tao. industriya na hindi makasabay sa pandaigdigang
5. Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng kompetisyon.
mabilis na transportasiyon at komunikasyon sa iba’t- 5. Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa
ibang panig ng daigdig. o brain drain sa bansa.

Mga Katanungan at Pagsasanay


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay positibong epekto ng
globalisasyon at ekis (x) naman kung ito ay negatibong globalisasyon.
Globalisasyon (/) o (x)
1. Pagtatatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa.
2. Pag-unlad ng mga pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng teknolohiya.
3. Paglago ng iba’t-ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamut sa pagsugpo ng iba’t-ibang sakit at
mga epidemya.
4. Pag-usbong ng mga korporasasyong multinasyonal at pandaigdigang institusyon na nangangalaga sa
kalakalan at pananalaping pandaigdig.
5. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t-ibang panig ng mundo.

You might also like