Week 3 Esp 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pagkatapos ng aralin ay inaasahan kong nakapagpapakita ng

kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

ALAMIN NATIN!!!

Pag-aralan ang mga larawan sa itaas. Ginagawa niyo rin ba ito sa loob ng
paaralan? Ano ang dahilan kung bakit ka pumupunta sa paaralan? Ilarawan ang
inyong gawain.

Isa sa pangunahing dahilan kung bakit tayo pumupunta sa paaralan ay


upang matuto ng maraming bagay na maari nating gamitin at mapakinabangan sa
pagharap natin sa mga pagsubok sa buhay. Sa paaralan din natuto ang isang bata
kung paano makisalamuha sa ibang tao at maging isang mabuting mamamayan.

Ang pagpunta sa paaralan ay nakakatulong sa paghubog sa kakayahan at


ugali ng isang tao upang maging produktibong indibidwal sa hinaharap. Tungkulin ng
isang guro na hubugin ang pagiging matapat at responsible ang isang mag-aaral sa
paggawa ng mga tungkulin sa loob o sa labas man ng paaralan.
BASAHIN NATIN!!!

Ang Pagbabago ni Jessica

Si Jessica ay isang matalinong mag-aaral. Lagi siyang


pinupuri ng mga guro at maging ng kapuwa niya mag-aaral
dahil sa angkin niyang galing. Magaling si Jessica sa
Matematika, Wika, Agham at Pampalakasan. Madalas
siyang gawing pambato ng klase kapag may mga
paligsahang pampaaralan sa mga asignaturang nabanggit.
Madalas din naman na siya ang nagwawagi.

Isa lang ang katangian ni Jessica na hindi


nagugustuhan ng mga malalapit niyang kaibigan. Madalas
magsinungaling si Jessica: sa mga gamit, sa pagkain, sa
palaruan, at maging sa mga gawaing pampaaralan at iba
pang pagkakataon. Hindi ito alam ng mga guro ni Jessica
ngunit marami siyang kamag-aral na batid ito.
Pinababayaan na lamang nila si Jessica dahil sa iba pa
niyang angking katangian.

Minsan, nagkaroon ng pangkatang proyekto ang klase nina Jessica sa Araling


Panlipunan. Hindi man isa sa mga paboritong asignatura ni Jessica ang Araling
Panlipunan, siya pa rin ang napiling lider ng kanilang pangkat. Nagkataon pa na
mahirap ang proyektong napili ng kanilang kinatawan sa pangkat.

Sa una ay tila alam na ni Jessica ang dapat nilang gawin upang mapaganda
ang kanilang proyekto. Ngunit sa isipan ni Jessica ay alam niyang pagsisinungalingan
at pagkukunwari lamang iyon. Napansin rin iyon ni Vicky, isa sa mga miyembro ng
pangkat. Sinubukan ni Vicky na tulungan si Jessica sa bahagi nito sa paggawa ng
kanilang proyekto. Dahil magaling sa Araling Panlipunan si Vicky, madali niyang
natapos ang bahagi niya at pati na rin ang bahagi sana ni Jessica. At nang matapos
ang proyekto, dagli na nilang ipinasa ito sa guro. Natuwa ang guro nila sa Araling
Panlipunan dahil sa ganda ng proyekto. Pinapurihan niya ang pangkat, lalo na si
Jessica dahil ito ang kanilang lider. Sabin g guro: “ Ang galing ninyo, lalo ka na,
Jessica. Dahil ikaw an glider, malamang na ikaw ang may pinakamaraming ginawa sa
pangkat kaya ganito kaganda ang proyekto ninyo, ano!” Hindi nakatiis na hindi
magsinungaling si Jessica nang marinig ang papuri ng guro.
“Opo, ako nga po ang halos lahat niyan kaya po naging
maganda!” ang sagot ni Jessica.

“Ganoon pala. Sige nga, Jessica, ipaalam mo sa


klase kung paano mo nagawa itong proyekto ng inyong
pangkat upang gayahin ka rin nila!” ang tugon ng guro. Nabigla
si Jessica. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot. Alam
niya sa sarili at maging ni Vicky na pawing kasinungalingan ang
pag-angkin niya sa papuri ng guro. Ni hindi nga niya alam kung
paano nabuo ang proyekto nila. Si Vicky ang higit na may alam
nito. Napahiya ng husto si Jessica sa guro at sa mga kamag-
aral.

At dahil ayaw niyang malayo ang loob ng mga


kamag-aral noya sa kaniya, inamin na lang nya na hindi siya ang dapat papurihan sa
magandang proyekto ng pangkat at pawang kasinungalingan lamang ang kaniyang
sinabi kanina. Nangako siyang hindi na muli magsisinungaling lalo na sa mga gawaing
pampaaralan simula sa araw na iyon. Ayaw na niyang mapahiya, kailanman! Pinatawad
naman siya ng mga kamag-aral at mga kapangkat lalo na ni Vicky. Simula noon, lalo
pang naging maganda ang samahan ng buong klase.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang katangian ni Jessica na angat sa maraming mag-aaral sa kanilang


paaralan?

2. Maituturing bang matapat na bata si Jessica? Patunayan.

3. Bakit nalagay sa alanganin ang magandang ugnayan nina Jessica at ng kaniyang


mga kamag-aral?

4. Paano naayos ang suliraning hindi sinasadyang nasimulan ni Jessica?

5. Kung ikaw si Jessica, aaminin mo rin ba ang nagawa mong kasalanan?


TANDAAN NATIN!!!

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na


hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga
mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay
at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila
na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay
siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Maipapakita ng
isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa mga gawaing pampaaralan, at
kusang loob na pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng mga nabanggit na katangian mas
magiging masaya at kanais-nais ang mga mangyayari sa paaralan. Ang edukasyon ay
kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan.

Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang
pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan
ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

PAGYAMANIN NATIN!!!

I.Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito


ay
nagpapakita ng mabuting gawi at pagiging matapat na mag-
aaral.
________1. Nakikinig ako sa aking guro tuwing siya ay nagtuturo.
________2. Bago ang pagsusulit ay nagbabasa ako at nagbabalik-aral ng aming
nakaraang leksiyon.

________3. Kumukopya ako mula sa internet ng sagot para sa aming takdang-


aralin at proyekto.
________4. Malakas akong nagpapatugtog ng musika sa loob ng silid-aralan upang
maingayan ang aking mga kaklase kapag sila ay nag-aaral.
________5. Ginagawa ko ang aking takdang-aralin at proyekto upang matapos koi
to sa takdang-araw.
________6. Hindi ako nagsusulat ng importanteng detalye habang nagsasalita ang
aming guro.
________7. Nakikipagtulungan ako sa aking mga kaklase tuwing may pangkatang
gawain.
________8. Nakikipag-kuwentuhan ako sa aking katabi tuwing nagbibigay ang
aming guro ng panuto sa gagawing proyekto.
________9. Kusa akong nagbabahagi ng aking ideya sa aking mga kapangkat kapag
hindi nila naintindihan ang iniatas na gawain.
________10. Kinokopya ko ang sagot ng aking kaklase upang hindi ako mahirapan
sa aming pagsusulit.

II. Tignan ang larawan. Anong pangkat ng mga kabataan ang nagpapakita ng
mabuting gawi at respeto sa loob ng silid-aralan? Paano mo maipapakita bilang isang
mag-aaral ang positibong saloobin?

You might also like