May Bagong Bayani Ang Ating Panahon Ni Rio Alma

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAY BAGONG BAYANI ANG ATING PANAHON

Bathala, ibig kong magtipon ng batong


Hinango sa dagat, talampas at bulkan,
Pagdikit-dikiting tíla munting payyo
At tamnan ng aming binubuong dangal.

Sakâ aalayan ng sampaga’t abel


Sa saliw ng agung, kutibeng, at budyong;
Watawat ay libong kakaway sa hangin
Pambunyi sa ating bayani ng ngayon.

Nagbayani siláng wala ni espada,


Di nagtalumpati sa bulwaga’t parke;
Ang binabantaya’y pintig at hininga,
Tatak na panlingkod—putîng uniporme.

Sinlinis ng apoy, sinsipag ng batis,


Paglilingkod nilá’y higit sa bantayog;
Sila ang bayaning anumang panganib
Titindig hahandog búhay ma’y marupok.

Bathala, ibig kong bawat isang bato’y


Titikan ng giting nilá at pangalan:
Tumalaga siláng manggamot sa tao,
Nangasawi silá para may mabúhay.

(Para sa alaala nina Dr. Raul Diaz Jara, Dr. Israel Bactol, Dr. Rose Pulido, Dr. Greg Macasaet, Dr.
Marcelo Jaochico, Dr. Salvacion Gatchalian, Dr. Henry Fernandez, Dr. Raquel Seva, Dr. Hector
Alvarez, Dr. Francisco Lukban, Dr. Helen Tudtud, Dr. Dennis Tudtud, Dr. Leandro Resurreccion
III, at mga kawal pangkalusugang lumaban sa COVID-19.)

Rio Alma
26 Marso 2020

You might also like