Professional Documents
Culture Documents
2nd Mid Filipino Reviewer
2nd Mid Filipino Reviewer
2nd Mid Filipino Reviewer
Tula
- isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat.
- Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at
salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting
Elemento ng Tula
Tugma
Sukat
Kariktan
Talinhaga
o Persona
o Tayutay
o Tono / indayog
Paksa
1.)Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
2.)Sukat
-tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
3.) Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
4.) Talinghaga
- Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagsasatao ang ilang paraan upang
ilantad ang talinghaga sa tula
-Paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao
(personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
Tono/Indayog
- tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o pagbigkas
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
5.) Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula
Mga Anyo ng Tula
Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma
-Karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta. hindi nagpapahayag sa
isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa
mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Awit
– Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal
na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong
may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto
– Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw
na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda
– Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa
isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para sa oda.
Elehiya
– Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit
–isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang
pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
Uri ng Pasalaysay
a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na
naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa
isang kultura o bansa.
b. Awit at Kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat.
ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa
tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na
kurido ay ang Ibong Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa
araw-araw na buhay.
PANGUNAHING TAUHAN
PELE
TAGPUAN
TAHITI, HAWAII
PELE
-Siya ang diyosa ng apoy at bulkan
NAMAKA
- Siya ang diyosa ng tubig
HAUMEA
- Siya ang diyosa ng makalumang kalupaan, ang ina nina Pele at Namaka, at ang asawa ni Kane
Milohai.
KANE-MILOHAI
- Siya ang diyosa ng kalangitan na asawa ni Haumea
HI’AKA
- Siya ang diyosa ng hula at ng mga mananayaw. Siya ang bunsong kapatid (na nasa itlog pa
lamang) na ipinagkatiwala nina Haumea at Kane-Milohai kay Pele.
LOHI’AU
- Siya ang kasintahan ni Pele na tinulungan ni Hi’iaka, ngunit ayon sa kwento minahal naman
siya nito.
OHI’A AT LEHUA
-Si Ohi’a ay isang lalaki na nagustuhan ni Pele pero tinanggihan siya ni Ohi’a dahil may asawa
na siya, na ang pangalan ay Lehua.
Hopoe
-Matalik na kaibigan ni Hi’iaka. Namatay siya at nagmistulang bato dahil natabunan siya ng
lava.
KANE-MILO
- Panganay na kapatid nina Pele at Hi’aka
ARAL NG KWENTO
-Nakakasira ng pagsasama ng isang pamilya ang selos kahit na nga mahal pa ng miyembro nito
ang isa’t isa. Nagdudulot ito ng di pagkakasundo at alitan na nagiging dahilan ng pagkasira ng
samahan.
-Humingi ka ng tawad kung nakagawa ka ng di magandang bagay sa iba. Aminin ang iyong
pagkakamali.
-Magpakita ng pag-ibig sa lahat. Wag maging magagalitin upang maiwasan ang kapahamakan ng
iyong sarili at ng iba.