Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of the Interior and Local Government


OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN

Bilang isang lider ng ating barangay malugod kong ipahahayag ang aking plataporma
para sa action plan sa pangkabuhayang programa (Livelihood Program) ng ating
baranggay sa taong ito.

1.) Pakikipag-ugnayan sa Technical Education and Skills Development Authority o maskilala


bilang TESDA para magbigay ng libreng Vocational and Skills Training katulad ng; Fish
Processing, Bread and Pastry Making, Barista Training at marami pang iba.|

2.) “Waste Segregation Seminar”. Sa pakikipag-ugnayan ng ating barangay sa Department of


Environment and Natural Resources o mas kilala bilang DENR, magkaroon ng free seminar na
naglalayong ituro ang tamang pagtatapon ng ating mga basura at kung paano makakakuha ng
pera sa basura.

3.) “BASURA MO PAPALTAN KO”. Ito ang pagpapatayo ng isang MRF o Material Recovery
Facility sa barangay.Dito iiimbak ang mga basurang nakolekta sa mga tao sa barangay na
pinaltan ng pera o bigas. Ito’y naglalayong mapaltan ang basura ng mga tao sa baranggay na
maari pang pagkakitaan katulad ng mga plastic at bote. Itong programang ito ay isang solosyon
sa pagbawas sa polusyon sa ating bansa at pagtulong sa pangkabuhayan n gating mamayanan.

4.) Pakikipag-ugnayan sa opisina ni Senator Villar para sa pagsulong sa mga programang


naglalaan ng pangkabuhayan para sa mga kababaihan at kabataan sa ating barangay katulad ng
bag making at rug making na gawa mula sa recycled materials.

5.) “Tree Planting Program”. Ito’y naglalayong turuan ang mga tao sa barangay kung papaano
magtanim sa kanilang sariling bakuran ng mga iba’t-ibang gulay at prutas para kanilang
pagkakitaan at maging sila ay makinabang rin.

6.) Pakikipag-ugnayan sa ating local na Department of Agriculture para sa libreng pamamahagi


ng mga ibat’t-ibang buto (seedlings) ng gulay o prutas na maari nilang pakinabangan at
pagkakitaan kapag itinanim nila ito sa kanilang bakuran.

7.) Pagsusulong ng “Barangay Computer Literacy Program (BCLP)”. Ito’y naglalayong


matulungan ang mga pampublikong guro sa elementarya, mga opisyal ng gobyerno, mga kawani
ng bansa, at ng mga kabataan na malaman ang mga pangunahing kasanayan sa computer nang
libre. Ang pangunahing layunin nito ay ang mapabuti ang computer literacy ng mga residente ng
ating baranggay at magbigay ng pantay na opportunidad sa marginalized populasyon ng lungsod.

PRISCILLA LIAN A. CARINO


Chairman-Sangguniang Kabataan

You might also like