Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Edukasyon vs.

droga

Wawakasan na ng Department of Education ang pamamayani ng illegal na droga


sa mga paaralan matapos ilabas noong Martes ang isang bagong polisiya.
Pangunahing layunin nito ang pagpapatupad ng malawakang random drug testing sa
lahat ng paaralan sa bansa. Sa katunayan, bago man at sariwa ang panukalang ito,
higit pa ring makatutulong sa pagsupil ng illegal na droga sa lahat ng panig ng bansa.
Nakasaad sa DepEd Order No. 37 na ang bawat mag-aaral at guro, publiko man
o pribado ay kinakailangang dumaan sa drug testing. Ayon pa sa isang ulat, mahigit
6,000 junior at senior students ang dadaan sa nasabing programa at ito’y malayang
bubunutin sa bawat eskwelahan. Pinagtitibay din ng ‘Drug-Free Workplace Policy’ na ito
ang pagsasagawa ng rehabilitation program sa lahat ng mapapatunayang positibo.
Kaugnay ng mga ito, kakikitaan ng magandang adhikain ang ordinansang panukala
ngunit mababanaag din ang isang butas na hindi napapansin ng nakararami.
Patunay ang tala ng Kabataan Partylist na 1 sa bawat 25 na mag-aaral sa
sekundarya ay umiinom ng alak at naninigarilyo. Alam nating ang mga bagay na ito ay
itinuturing na ‘gateway drugs’ sa paggamit ng illegal na droga. Kung babalangkasin, ang
random drug testing ay makakaalam lamang ng mga taong gumagamit ng droga ngunit
hindi ang kabataang lulong din sa alak at sigarilyo.
Ngunit pinagtitibay ng Kagawaran ng Edukasyon ang kanilang masidhing
pagnanasang putulin ang pamamayani ng illegal na droga. Ayon kay Deped Secretary
Leonor Briones, mayroon ding ipinapatupad ang kanilang ahensiya na polisiyang
pumipigil sa mga tindahan na magbenta ng alak at sigarilyo sa mga mag-aaral. Marahil
dahil na rin sa malawakang smoking ban ay mahihirapan na ding magawa ng mga sutil
na estudyante ang kanilang kalooban.
` Binibigyang diin lamang ng isyung ito na hindi lamang paggamit ng illegal na
droga ang dapat bigyang pansin bagkus pati din ang alak at sigarilyo. Sa realidad,
makikitang ang mga malalaking bagay ay nagmumula sa maliliit na bagay kung kaya’t
malaki man o maliit ay dapat bigyang atensyon. Gayunpaman, malinaw na ang layunin
ng nasabing polisiya ay kahanga-hangang aksyon dahil totoo naming may gumagamit
din sa mga paaralan. Mas mabuti nang maadik ang mga mag-aaral sa edukasyon
kaysa naman sa drogang nakakalulong.

You might also like