Etika NG Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

“ETIKA NG PANANALIKSIK”

Ang Etika ng Pananaliksik ay mga gawaing sulatin o reserts kung saan

humahanap ang mananaliksik ng impormasyon para sa mga problema o

katanungan sa isang bansa o lugar upang masagot at mailapat ang nararapat ng

solusyon dito. Ginagawa ito upang makatulong sa bansa at sa mga tao kaya

nararapat lamang na ang mananaliksik ay dapat sinusunod din ang etika ng

mananaliksik kung sa ang paggawa ng papel pananaliksik ay dapat may paggalang

sa karapatan ng iba, pagtingin sa lahat ng datos bilang confidential, pagiging

matapat sa bawat pahayag at dapat ito ay obhetibo at walang kinikilingan. Kaya

kung ikaw ay isang mananaliksik dapat sumunod ka sa Intellectual Property of

Rights na batas para sa lahat ng mananaliksik at makaiwas sa anumang kasong sibil

at kriminal na maaring kahantungan ng isang mananaliksik.


“ETIKA NG PANANALIKSIK”

Halimbawa sa Paglabag sa Uri ng Paglabag sa Mga dapat gawin upang maituwid ang
“Etika ng Pananaliksik” “Etika ng Pananaliksik” Paglabag sa
“Etika ng Pananaliksik”
 Pag-angkin sa gawa, produkto o gawa Pangongopya ng reserts ng iba. Basahin lamang ang tesis o reserts na
ng iba. (Plagiarism) pagbabasihan ng tesis o reserts na
iyong gagawin at gumawa ng mga
salita o pahayag ukol dito.
(paraphrase)
 Pagpapakalat o paglalabas ng mga Hindi pagtingin sa lahat ng Itatak sa isipan ang kaligtasan at
personal o datos ng mga datos na nakalap bilang reputasyon ng mga ikinapanayam at
mananaliksik ukol sa ginawang datos. confidential. ang haharaping kaso kapag na labag
ang karapatang pantao.
 Pagbabago ng datos kapag taliwas Hindi pagiging matapat sa bawat Isipin ang mga taong makakabasa ng
ang resulta ng datos. pahayag o datos. datos na iyong gagawin.
 Hindi paglalagay ng citation o Pang-aangkin ng gawa o reserts Mangalap ng sariling datos ukol sa
pangalan ng may akda sa papel na ginawa ng tunay na may gagawin mong reserts o tesis.
pananaliksik. akda.
 Pagkampi sa kabilang panig ng Hindi pagiging obhetibo at Huwag panigan ang kung sino mang
kinapanayam na sumagot sa natirang walang kinikilingan. kinapanayam upang mapanatiling
datos. pantay-pantay at totoo ang datos na
nakalap.
“Mga Epekto ng Paggamit ng
Kompyuter sa gawaing pang-
Akademiko ng mga mag-aaral sa ika-
pitong baitang ng St. Michael’s School,
Inc. sa taong 2017-2018”
“Mga Epekto ng Paggamit ng
Kompyuter sa gawaing pang-
Akademiko ng mga mag-aaral sa ika-
pitong baitang ng St. Michael’s School,
Inc. sa taong 2017-2018”

Pahayag na Tesis

Ang paggamit ng kompyuter ay mayroong positibo at negatibong epekto sa


mga gawaing pang-akademiko ng mga mag-aaral, maaari itong maging positibo
tulad ng tumataas ang grado, napapadali nito ang mga gawaing pang paaralan at
iba pa, maaari din itong magkaroon ng negatibong epekto tulad ng pagkakaroon ng
mababang grado, hindi nakakasabay sa mga gawaing pang-akademiko at iba pa.

“Mga Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa gawaing pang-Akademiko ng


mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng St. Michael’s School, Inc. sa taong
2017-2018”
(Konseptong Papel)
Ang unang paggamit ng salitang "computer" ay naitala noong 1613 sa aklat
na tinatawag na "The yong mans gleanings". Ito ay tumutukoy dito na isang tao na
nagsasagawa ng mga kalkulasyon o pagkukwenta. Ang salitang ito ay nagpatuloy
sa parehong kahulugan nito hanggang sa gitna ng ika-20 siglo. Mula ika-19 siglo,
ang salitang "computer" ay nagsimulang mangahulugang isang makina na
nagsasagawa ng mga pagkukwenta. Ang kasaysayan ng modernong kompyuter ay
nagsimula sa dalawang magkahiwalay na mga teknolohiya, automadong
kalkulasyon at pagiging mapoprograma ngunit walang isang kasangkapan na
matutukoy na pinakamaagang kompyuter dahil sa hindi konsistenteng paglalapat
ng terminong ito. Ang ilang mga kasangkapan tulad ng ilang mga pantulong na
mekanikal sa pagkukwenta ay kinabibilangan ng Abacus na Sumerio na dinisenyo
noong 2500 BCE, mga slide rule na inimbento noong mga 1620 at mekanismong
antikythera na isang sinaunang astronomikal na analogong kompyuter na
inimbento ng mga Sinaunang Griyego noong mga unang siglo BCE. Ang
Griyegong matematikong si Hero ng Alehandriya(c. 10 CE-70 CE) ay nagtayo ng
isang teatrong mekanikal na gumanap ng isang dulaa na tumagal ng 10 minuto at
pinatakbo ng isang masalimuot na sistema ng mga lubid at drum na maituturing na
paraan ng pagpapasya ng mga bahagi ng mekanismo na magsasagawa ng aling
aksiyong at kailan. Ito ang esensiya ng pagpoprograma. Noong wakas ng ika-10
siglo, ang mongheng Pranses na si Gerbert d'Aurillac ay nagdala pabalik sa
Espanya ng isang makinang inimbento ng mga moro na sumasagot ng Oo o Hindi
sa mga tanong na itinanong dito. Noong ika-13 siglo CE, ang mga mongheng
sina Albertus Magnus at Roger Bacon ay nagtayo ng mga
nagsasalitang android nang walang karagdagang pag-unlad. Dumaing si Magnus
na kanyang inaksaya ang 40 taon ng kanyang buhay nang si Tomas Aquino ay
natakot ay winasak ito. Noong 1642, ang Renasimiyento ay nakasaksi ng
imbensiyon ng kalkulador na mekanikal na isang kasangkapan na
makapagsasagawa ng lahat ng apat na mga operasyon ng aritmetika nang hindi
umaasa sa katalinuhan ng tao. Ang kalkulador na mekanikal ang ugat ng
pagpapaunlad ng mga kompyuter sa dalawang magkahiwalay na mga paraan. Sa
simula, sa pagtatangka ng pagpapaunlad ng mas makapangyarihan at mas
mababagong mga kalkulador na ang kompyuter ay unang tineorya ni Charles
Babbage at pagkatapos ay binuo. Ikalawa, ang pagpapaunlad ng mababang gastos
na elektronikong kalkulador na kahalili ng mekanikal na kalkulador ay humantong
sa pagpapaunld ng Intel ng unang pangkalakalan (commercial) na magagamit na
microprosessor integrated circuit.

`Ang Jacquard loom na nakatanghal sa Museum of Science and Industry in


Manchester, Inglatera ang isa mga unang mapoprogramang kasangkapan. Noong
1801, gumawa ng pagpapabuti si Joseph Marie Jacquard sa textile loom sa
pamamagitan ng pagpapakilala ng isang sunod sunod na mga binutasang papel na
kard bilang template na pumapayag sa loom na maghabi ng mga intrikadong
pattern nang automatiko. Ang nagresultang Jacquard loom ang isang mahalagang
hakban sa pagkakabuo ng mga kompyuter ang paggamit ng mga binutasan kard
upang maglarawan ng mga hinabing pattern ay makikita bilang maaga bagaman
limitadong anyo ng pagpoprograma. Ang pagsasanib ng automatikong kalkulasyon
at pagpoprograma ang lumikha ng unang makikilalang mga kompyuter. Noong
1837, si Charles Babbage ang unang nagkonsepto ng isang buong
mapoprogramang mekanikal na kompyuter, ang kanyang analitikal na enhin. Ang
kakulangan ng mga pondo at walang kakayahan sa pagpipigil sa pagkalikot sa
disenyo ay nangahulugang ang kasangkapan ay hindi kailanman nakumpleto.
Gayunpaman, ang kanyang anak na si Henry Babbage ay kumumpleto ng isang
pinasimpleng bersiyon ng computing unit ng analitikal na enhin noong 1888. Siya
ay nagbigay ng isang matagumpay na demonstrasyon ng paggamit nito sa
pagkukwento ng mga tabla noong 1906. Ang makinang ito ay ibinigay sa Science
museum sa South Kensington noong 1910. Sa huli ng 1880, inimbento ni Herman
Hollerith ang pagtatala ng datos sa isang mababasa ng makinang medium. Ang
mas maagang paggamit ng mediang ito ay para sa kontrol at hindi para s adatos.
Pagkatapos ng ilang simulang pagsubok ng papel na tape, siya ay gumamit ng mga
binutasang kard. Ang tatlong mga imbensiyong ito ang pundasyon ng modernong
industriya ng pagpoproseso ng impormasyon. Ang pangmalakihang automadong
pagpoproseso ng mga datos ng mga binutasang kard ay isinagawa para sa censo ng
Estados Unidos noong 1890 ng kompanya ni Hollerith na kalaunang naging core
ng IBM. Sa huli ng ika-19 siglo ang isang bilang ng mga ideya at teknolohiya na
kalaunang napatunayang magagamit sa pagsasakatuparan ng mga praktikal na
kompyuter ay nagsimulang lumitaw: ang boolean algebra, ang vacuum tube
(thermionic valve), mga binutasang kard at tape at teleprinter. Sa unang kahalahati
ng ika-20 siglo, maraming mga pangangailangan ng pagkukwenta sa agham ay
nakakita ng papalaking mga sopistikadong analong kompyuter na gumamit ng
isang direktang mekanikal o elektrikal na modelo ng problema bilang basehan ng
pagkukwenta. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi mapoprograma at
pangkalahatang nagkukulang ng bersatilidad at akurasiya ng mga modernong
dihital na kompyuter. Si Alan Turing ang malawak na itinuturing na ama ng
modernong agham pangkompyuter. Noong 1936, si Turing ay nagbigay ng isang
impluwensiyang pormalisasyon ng konsepto ng algoritmo at pagkukwenta
sa Turing machine na nagbibigay ng blueprint para sa elektronikong dihital na
kompyuter. Sa kanyang papel sa pagkakalikha ng modernong kompyuter,
ang Time magazine ay nagpangalan sa kanya na isa sa 100
pinakamaimpluwensiyal na tao ng ika-20 siglo: "Ang katotohan ay nananatili na
ang bawat isang pumipindot ng keyboard, nagbubukas ng isang spreadsheet o
isang programang word processing ay gumagawa sa inkarnasyon ng isang Turing
machine". Ang Atanasoff–Berry Computer (ABC) ang unang elektronikong dihital
na kompyuter sa buong mundo bagaman hindi mapoprograma. Ito ay binuo noong
1937 sa Iowa State College nina John Atanasoff sa tulong ng kanyang
estudyanteng si Clifford Berry. Ang makinang ito ay hindi mapoprograma dahil ito
dinesenyo lamang para sa paglutas ng mga sistema ng linyar na ekwasyon. Ang
kompyuter na ito ay gumamit ng parallel na komputasyon. Natagpuan ng isang
desisyon ng koret noong 1973 sa isang alitan sa patent na ang patent para sa 1946
ENIAC computer ay hinango mula sa Atanasoff–Berry Computer. Ang Zuse Z3,
1941 na inimbento ng Aleman na si Konrad Zuse ang una sa daigdig na
gumaganang mapoprogramang buong automatikong makinang na kumukwenta.
Ang EDSAC ang isa sa mga unang kompyuter na nag-implementa ng nakaimbak
na programang arkitekturang von Neumann. Ang unang nakokontrol ng
programang kompyuter ay inimbento ng Aleman na si Konrad Zuse na gumawa
ng Z3 na isang elektromekanikal na kumkwentang makina noong 1941. Ang unang
mapoprogramang elektronikong kompyuter ang Colossus na ginawa noong 1943
ni Tommy Flowers. Si George Stibitz ay internasyonal na kinikilala bilang ama ng
modernong dihital na kompyuter. Habang nagtatrabaho sa Bell Labs noong 1937,
inimbento ni Stibitz ang isang nakabatay sa relay na kalkulador na tinaguriang
"Model K" (para sa "kitchen table" kung saan niya ito binuo) na ang unang
gumamit ng mga binaryong sirkito upang magsagawa ng aritmetikong operasyon.
Ang mga kalaunang modelo ay nagdagdag ng mas malaking sopistikasyon
kabilang ang masalimuot na aritmetika at pagpoprograma. Ang ilang mga
debeloper ng ENIAC sa pagkilala ng mga depekto nito ay nakaisip ng mas
mababago at eleganteng disneyo na nakilalang "inimbak na programang
arkitektura" o arkitekturang von Neumann. Ang disenyong ito ay unang pormal na
inilarawan ni John von Neumann sa unang drapto ng isang ula tng EDVAC na
ipinamahagi noong 1945. Ang isang bilang ng mga proyekto na bumuo ng mga
kompyuter batay sa nakaimbak na programang arkitektura ay nagsimula sa mga
panahong ito. Ang una ay nakumpleto noong 1948 sa University of Manchester sa
England na Manchester Small-Scale Experimental Machine (SSEM or "Baby").
Ang Electronic Delay Storage Automatic Calculator (EDSAC) na nakumpleto
pagkatapos ng isang tao pagkatapos ng SSEM sa Cambridge University ang unang
praktikal, hindi eksperimental na implementasyon ng nakaimbak na programang
disenyo at agad na ginamit para sa pagsasaliksik sa unibersidad. Sa sandaling
pagkatapos nito, ang makinang orihinal na inilarawan ng papel ni von Neumann-
EDVAC ay nakumpleto ngunit hindi nakakita ng buong paggamit para sa
karagdagang dalawang taon. Ang halos ng lahat ng mga modernong komputer ay
nag-iimplemente ng isang anyo ng nakaimbak na programang arkitektura na
gumagawa ritong isang katangian na naglalarawan sa kompyuter. Bagaman ang
mga teknolohiyang ginagamit sa mga kompyuter ngayon ay dramatikong nagbago
simula nang unang elektronikong pangkalahatang paggamit ng mga kompyuter
noong mga 1940, ang karamihan ay gumagamit pa rin ng arkitekturang von
Neumann. Simula mga 1950, ang mga siyentipikong Soviet na sina Sergei
Sobolev at Nikolay Brusentsov ay nagsagawa ng pagsasaliksik tungkol sa mga
ternaryong kompyuter na pinapatakbo sa baseng tatlong sistema ng bilang na −1, 0,
at 1 sa halip na sa konbensiyal na binaryong sistema ng bilang na ang karamihan
ng mga kompyuter ay nakabatay. Kanilang dinisenyo ang Setun na isang
gumaganang ternaryong kompyuter sa Moscow State University. Ang kasangkapan
ay inilagay sa isang limitadong produktsiyon sa Unyong Sobyet ngunit napalitan
ng mas karaniwang binaryong arkitektura. Ang mga kompyuter na gumagamit ng
mga vacuum tube sa mga sangkapt nito ay ginamit sa buong mga 1950 ngunit
noong mga 1960 ay malaking pinalitan ng nakabase sa transistor na mga
kompyuter na mas maliit, mas mabilis, mas mura at nangangailangan ng kaunting
elektrisidad at mas maasahan. Ang unang may transistor na kompyuter ay ipinakita
sa University of Manchester noong 1953. Noong mga 1970, ang integrated circuit
at kalaunang pagkakalikha ng mga mikroprosesor gaya ng Intel 4040 ay
karagdagan nagpaliit ng sukat at gastos at karagdagang nagpabilis at pagiging
maasahan ng mga kompyuter. Noong mga huli nang 1970, maraming produkto
gaya ng mga video recorder ay naglalaman ng mga dedikadong mga kompyuter na
tinatawag na mga microcontroller. Ang mga ito ay nagsimulang pumalit sa mga
mekanikal na kontrol sa mga domestikong appliance gaya ng mga washing
machine. Ang 1980s ay nakasaksi ng mga kompyuter na pambahay at ngayon ay
personal na kompyuter.
Nais ng papel pananaliksik na matukoy ang mga epekto ng paggamit ng
kompyuter ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang sa paaralang St. Michael’s
School, Inc. Layunin nitong matukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng
paggamit ng kompyuter sa gawaing pang-akademiko ng mag-aaral at para na rin
maibsan o masulosyunan ang mga maaaring idulot ng mga negatibong epekto sa
kanila.
Ikinapanayam ng mananaliksik ang mga estudyante sa ika-pitong baitang
upang makalap ang datos at maibigay ang mga ikinakailangang impormasyon para
sa gagawing papel pananaliksik. Napili ang ika-pitong baitang upang kapanayamin
nang sa ganun ay mapatatag pa ang mga datos na kakailanganin sa papel
pananaliksik.
Inaasahang mas maraming estudyante ang sasagot na ang paggamit nila ng
kompyuter ay nakakatulong sa kanilang gawaing pang-akademiko sa paaralan at
mas kaunti ang mga negatibong epekto sa kanilang pag-aaral. Inaasahan ding
makakapagbigay ng rekomendasyon ang nasabing papel pananaliksik upang
malaman ng iba ang mga epekto at pwedeng gawin upang mas makatulong ang
kompyuter sa kanilang pag-aaral.
“Mga Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa gawaing pang-Akademiko ng
mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng St. Michael’s School, Inc. sa taong
2017-2018”

I. Introduksyon
a. ibig sabihin ng kompyuter
b. kasaysayan ng kompyuter
II. Katawan
A. Bahagi
1. arithmetic logic unit (ALU)
2. control unit,
3. memorya ng kompyuter
4.mga kasangkapang pang-input at pang-output(I/O)
B. Uri ng Arkitektura
1.Quantum computer vs Chemical computer Cellular architecture
2.Scalar processor vs Vector processor
3.Non-Uniform Memory Access (NUMA) computers
4.Register machine vs Stack machine
5.Harvard architecture vs von Neumann architecture
6.Cellular architecture
C. Epekto ng Paggamit ng gamit
1. Positibong Epekto sa Pag-aaral
2. Negatibong Epekto sa Pag-aaral
III. Konklusyon
A. Napagtanto sa buong papel pananaliksik
1. bilang ng estudyanteng sumagot ng positibong epekto
i. sumagot ng paunang pagpipilian
ii. sumagot ng pangalawang pagpipilian
iii. sumagot ng pangatlong pagpipilian
iv. sumagot ng pang-apat na pagpipilian
2. bilang ng estudyanteng sumagot ng negatibong epekto
i. sumagot ng paunang pagpipilian
ii. sumagot ng pangalawang pagpipilian
iii. sumagot ng pangatlong pagpipilian
iv. sumagot ng pang-apat na pagpipilian
“Mga Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa gawaing pang-Akademiko ng
mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng St. Michael’s School, Inc. sa taong
2017-2018”

I. Introduksyon
A.Paunang kaalaman o Background sa Paggamit ng Kompyuter
B. Layunin ng papel pananaliksik
C. Pahayag sa Tesis
D. Mga tanong na nais sagutan ng papel
E. Kahalagahan ng papel pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. Mga Kaugnay na Literatura
A. Depenisyon ng Kompyuter
B. Maikling kasaysayan ng ng Komputer
C. Mga Bahagi ng kompyuter
D. Mga positibong epekto ng Kompyuter sa gawaing pang-Akademiko ng
mga mag-aaral
E.Mga negatibong epekto ng Kompyuter sa gawaing pang-Akademiko ng
mga mag-aaral
III. Metodolohiya
A. Dokumentasyon
B. Obserbasyon
C. Survey para sa mga ikakapanayam
D. Sintesis ng mga nakalap na datos
IV. Resulta
V. Konklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliograpiya
Introduksyon

Ang isang panuos, kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit


na kasangkapan na maaaring iprogramaupang magsagawa ng isang may
hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod
sunod na mga operasyon ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay
makalulutas ng higit sa isang uri ng problema. Sa konbensiyon, ang isang
kompyuter ay binubuo ng hindi bababa sa isang elementong nagpoproseso na
tipikal ay isang CPUat isang anyo ng memorya. Ang CPU ay naglalaman ng
dalawang tipikal na mga bahagi na arithmetic logic unit(ALU) na nagsasagawa ng
mga operasyong aritmetiko at lohikal at Control unit(CU) na kumukha ng mga
instruksiyon sa memorya at nagsasalin at nagsasagawa ng mga ito na tumatawag sa
ALU kung kinakailangan. Ang unang elektronikong dihital na mga kompyuter ay
pinaunlad sa pagitan ng 1940 at 1945 sa United Kingdom at Estados Unidos. Ang
mga sukat nito ay orihinal na kasinglaki ng isang malaking kwarto at
kumokonsumo ng labis na elektrisidad gaya ng ilang mga daan daang modernong
personal na kompyuter(mga PC). Sa panahong ito, ang mga mekanikal
na analogong kompyuter ay ginagamit para sa mga aplikasyong pang-militar. Ang
mga modernong kompyuter na nakabatay sa mga integrated circuit ay milyon
hanggang bilyong mas may kakayahan sa mga sinaunang kompyuter at umookupa
ng isang praksiyon ng espasyong kailangan ng mga ito.[2] Ang mga simpleng
kompyuter ay sapat na maliit upang magkasya sa mga mobile device at ang mga
mobile computer ay maaaring paandarin ng isang maliit na baterya. Ang mga
personal na kompyuter sa iba't ibang mga anyo nito ay mga ikono ng Panahon ng
Impormasyon at ang ito ang mga naiisip ng mga tao na tinatawag na "kompyuter".
Gayunpaman, ang mga embedded computer na matatagpuan sa maraming mga
kasangkapan mula sa mga mp3 player hanggang sa mga sasakyang
panghimpapawid na pandigma at mula sa mga laruan hanggang sa mga industrial
na robot ang pinakamarami. Ang Agham pangkompyuter ang disiplina na nag-
aaral ng teoriya, disenyo, at paglalapat ng mga kompyuter.

You might also like