Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Pananaliksik
Kahulugan NG Pananaliksik
Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.
Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng
isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng
mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa
mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o
yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral
na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon
ay nakaplano.
Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri
at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu
o aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang
komposisyon sa musika.
Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na
nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat,
maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa
lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Auon naman kay John Best (1996), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
Etika sa Pananaliksik
Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik. Dapat siyang maging maingat sa bawat
hakbang ng pananaliksik, sapagkat mayroon itong etika na dapat niyang isaalang-alang. Ang etika ng
pananaliksik ay gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-aaral. Ayon kina Constantino at Zafra, ang mga
panuntunan sa pananaliksik ay ang sumusunod:
Tungkulin ng Mananaliksik
Mayroong mga tungkuling dapat tandaan ang bawat mananaliksik upang matagumpay niyang
maisagawa ang kaniyang pananaliksik.
Ang Plagiarism
Ang plagiarism ay pangongopya ng gawa ng iba nang walang pagkilala sa kung sino ang naunang
nagsabi nito. Ayon kina Constantino at Zafra, ang ilan sa mga anyo ng plagiarism ay ang sumusunod:
Samantala, ayon naman kina Bernales et.al, mayroong mga karampatang parusa ang nagsagawa
ng plagiarism, ito ay ang sumusunod:
1. Ang pananaliksik ay sistematik. -may sinunud itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri. -sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin
nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na
kanyang nalakap.
5. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling. - lahat ng tuklas at mga konklusyon ay
kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang ginawa upang
baguhin ang resulta sa pananaliksik
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo. - ang mga datos ay dapat
mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy
ang kanilang gamit at kahalagagan.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. - maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos
na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik.
12. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat. -Kalingan din itong maiulat sa pasulat na
paraan sa anyo ng isang papel, para sa angkop na dokyumentasyon at kadalasan sa pasalitang paraan o
ang tinatawag na oral presentation o defense.
https://www.coursehero.com/u/file/44623560/ETIKA-SA-PANANALIKSIKpptx/?
justUnlocked=1#question
https://www.academia.edu/35822176/Kahulugan_ng_Pananaliksik
Columban College - Olongapo City. “Kahulugan ng Pananaliksik”. Nakuha ngayong Setyembre 11, 2020.
https://www.coursehero.com/u/file/12049146/Kahulugan-ng-Pananaliksik/?
justUnlocked=1#question
Lemon Kim. " ETIKA NG PANANALIKSIK ". Nakuha ngayong Setyembre 11, 2020.
https://www.academia.edu/36105031/_ETIKA_NG_PANANALIKSIK_