Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pilipinas ay Isang Pinagpalang Bansa

Ang Pilipinas ay isang mayaman na bansa. Mayaman sa mga anyong lupa, at maging anyong
tubig. Ang mga mamamayan nito ay pawing maituturing rin na kayamanan dahil na rin sa kanilang mga
katangian na maipagmamalaki saan mang dako ng mundo. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging
matulungin, mapang-unawa, matiyaga, at puno ng pag-asa kaya naman maraming mga dayuhan ang
nawiwili sa pagbisita sa bansa. Katunayan pa nga’y taun-taon ay marami sa mga ito ang pinipili nang
manirahan rito.

Alam mo ba na ang Pilipinas ay tinatawag rin na isang archipelago? Ito ay dahil ang bansa ay
mayroong mga isla. Mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Kaya naman hindi maikakaila ang mga
kayamanan mula sa kalikasaan na tinataglay nito: iba’t ibang mga puno, mga hayop, mga lugar, at
marami pang iba.

Ang mga Pilipino ay hinahangaan sa buong mundo, sa kani-kanilang mga propesyon. Hindi na
mabilang ang mga kababayan natin na nagpamalas ng kanilang angking galing at dedikasyon sa kani-
kanilang mga trabaho; mga manggagawa, nars, doctor, at marami pang iba.

Tayo rin ay hinahangaan sa ating mga talento; sa pagkanta, pagsayaw, at marami pang iba. Kilala
ang mga Pilipino dahil sa mga nabanggit na sining.

You might also like