Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Photo Essay

“Ang taong mabait, sa pamilya kumakapit”

Nakunan ko ang larawang ito noong kami ay nagkaroon ng isang munting dry picnic. Kami ay
nag picnic sa bahay ng lolo ng aming kaklase na makikita sa tuktok ng isang maliit na burol. Bumaba
kami upang makita ang sapa na kinuwento ng aming kaklase na si Nikki. Hindi man kami nakapagligo
sa sapang iyon, naging masaya naman ang aming paglakbay pababa at pataas ng burol. Naisipan naming
nina Roy, Allen, Clyde, JR, JC, Sarwina, Abigail, at si Alex at sumama sa shortcut; ang daan na ito ay
“steep” at may isang matibay na tali na magsusuporta sa amin paakyat at pababa. Naisip naming na
sundin ang daanang ito dahil, sabi nga nila, ay “adventure” daw ito. Ako ang nasa huli. Ayaw ko na
kapag ako ay natumba at pagulong – gulong pababa ay may matatamaan, masasaktan, at masagasaan.
Nung kami ay paakyat na, kinuha ko ang oportunidad na ito na kunan sila ng larawan gamit ang aking
DSLR. Napapangiti ako sa larawang ito tuwing nakikita ko ito sa aking kompyuter. Hindi lang dahil sa
mga alaala noong araw na iyon, pati na rin dahil sa naaalala ko ang buong klase sa simpleng imahe na
ito.
Hindi man kami magkadugo, pero parang kapamilya na ang tingin naming sa aming klase sa
haba ng aming pagsasama. Iba’t ibang kwento at pananaw ang nakapaloob sa aming pamilya na
nagmula pa iba’t ibang pinanggalingan, pero kami ay umunlad at naging isang pamilya sa kabila ng
aming pagkakaibahan. Minsan nga ay tinatanong naming sa aming sarili kung bakit namin naging
kaibigan pa rin ang taong ito sa kabila ng aming pinagdaanan. Kakaiba man ang aming tawagan, tulad
ng Ani at Luci, maayos pa rin ang estado ng aming klase, o pamilyang magkaibigan.

Bilang isang klase at isang


pamilya, marami na kami napagdaan na pagsubok sa loob at labas ng silid-aralan, sabay sabay naming
nagagawan ng paraan, at sabay sabay naming itong nalagpasan. Noong panahon na kami ay nag-aayos
ng silid aralan para sa isang kumpetisyon na ginanap noong Buwan ng Wika, hindi pa naming natatapos
ang pagdekora ng aming aming silid aralan ay paakyat na ang mga hukom. Nagawan naming ng paraan
na gumawa ng isang munting sayaw upang mapa-aliw ang hukom sakali nakulangan ang aming mga
dekorasyon. Makikita sa larawang ito na ay kumakain na kami at kakatapos lang ng paligsahan. Naging
masaya naman kami sa resulta ng kumpetisyon dahil ibinigay naming ang lahat n gaming makakaya.

May pagkakataon
rin na kami ay masaya marahil may nagampanan kami, walang klase, may selebrasyon, o dahil
magkasama lang kaming lahat. Kahit sa hirap ng aming pinagdaanan, kapag nandiyan ang kaklase,
kaibigan, at kampamilya mo, wala sinuman sa amin ang nakasimangot. Naalala ko ang panahon na kami
ay naghahanda para sa sorpresa na aming inihanda para kay sir Jolan. Masaya naming isinasabit ang
mga lobo, inihahanda ang iba’t ibang pagkain, at masaya kaming kumakanta. Ang iba sa amin ay
bumaba at sinamahan si sir jolan upang makasigurado na hindi siya bigla biglang aakyat at sumilip sa
kaniyang sorpresa. Kami man ay nahihirapan sa kaniyang sorpresa at sa pagkontrol naming sa aming
sarili sa harap ng iba’t ibang tsokolate, hindi naming nakaklimutan ngumiti at maging masaya.

Maraming bagay ang aming pinagdaanan, at maraming pinagdaanan ang hinding hindi naming
makakalimutan. Ang buhay natin ay parang gulong, minsan tayo ay nasa itaas at minsan naman ay tayo
ay nasa ibaba. Kahit nasaan pa man kami, ang kaibigan ay kaibigan parin, at para sa amin, walang
iwanan sa mga magkaibigan. Iyan ang dahilan kung kaya’t kami ay buo pa rin hanggang ngayon. “Ang
taong mabait, sa kaibigan kumakapit”- marami akong naalala sa linyang iyan. Maalala ko ang aking
pamilya sa Senior High, and 12 ABM A, at ang lahat ng alala nung nakasama ko pa sila. Hanggang
ngayon, nakatago pa rin ang litratong iyan pati ang ibang larawan ng aking klase at ng aking mga
kaibigan.

Aljon Khan M. Chua

12 ABM-A

You might also like