Professional Documents
Culture Documents
Linggwistiks para Sa Mga Mag Aaral NG AG
Linggwistiks para Sa Mga Mag Aaral NG AG
Linggwistiks
Ang linggwistiks ay ang syentipikong pag-aaral ng wika. Sinusuri nito ang aktwal na
paggamit ng wika sa mga katutubong nagsasalita (native speaker) nito. At
binabakas nito ang mga pagbabago na nangyayari sa wika sa loob ng ilang
dantaon. Ang paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay tinatalakay
sa synchroniclinguistics, na kung minsan ay tinatawag ring descriptive o structural
linguistics. Ang pagbabakas naman ng pagbabago paglipas ng iilang dantaon ay
siyang sinusuri sa diachronic o historical linguistics.
Singkronikong Linggwistiks
Ponolohiya. Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga
alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga ito; ang pagpapantig; at ang mga
proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong ponema, o iba
pang dahilan. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na tunog na
ginagamit nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga
katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e,
a, o, u/ .
Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog: hangin galing sa
baga; ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at, ang vocal
tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong (Tingnan ang Fig.
1 sa ibaba).
Ang mga tunog ay maaring uriin batay sa bahagi ng vocal tract kung saan ito
nabibigyang realidad -- pharyngeal, kung sa pharynx; nasal, kung sa guwang ng
ilong; at, oral kung sa bibig. Nasa bibig ang dila, ngipin, mga labi, ngalangala
[palate at velum] na siyang nagbibigay anyo ng mga ponema. (Tingnan ang Fig.
2).:
Ang ponemang / p /, halimbawa, ay mabigyang realidad sa pamamagitan ng
pagsara ng dalawang labi. at pagbukas nito. Ganoon din ang ponemang / b /, kaya
lang nagba-vibrate ang vocal cords pagbigkas nito --kung kaya ito ay tinatawag
na voiced at ang / p / ay voiceless.
PARAAN NG PAGBIGKAS P U N T O N G A R T I K U L A S Y O N
prikatib - v f s h
+v v
afrikit - v ts
+v j
nasal +v m n ng
likwid +v l, r
malapatinig +v w y
Ang mga patinig naman ay inilalarawan sa pagitan ng posisyon ng dila --(1) harap,
gitna, at likod; (2) sa taas ng dila; (3) at sa pagbibilog ng mga labi. Ang vowel tsart
sa mga patinig sa Filipino ay nasa Hanayan 2.
2 Mataas i u3
Gitna e o3
Mababa a
Ang pagbubuo ng mga pantig ay magagawa kung alam natin ang mga alituntunin
sa pagkasunod-sunod ng mga tunog na ito (phonotactics). May mga tunog na
maaring magkatabi at meron namang hindi. Halimbawa, hindi pinapayagang
magkasunod ang dalawang magkaparehang konsonant. Ang alituntuning ito ay
tinatawag na phonotactic constraints.
Tinutuonan din nga pansin sa ponolohiya ang mga alituntunin na may kinalaman sa
pagbabago ng tunog sa isang ponema dahil sa katabi nitong tunog. Isa nito ay ang
asimilasyon ng mga tunog na Nasal - /N / --kung ang mga ito ay linalagyan ng
panlapi o afiks.
(3) pang + tusok > paN + tusok > pantusok > pannusok > panusok
(4) pang + kahoy > paN + kahoy > pangkahoy > pangahoy
(5) pang + karga > paN + karga > pangkarga > pangngarga > pangarga
Nag-iiba ang anyo sa panlaping pang- alinsunod sa mga tunog na sumusunod nito.
Ang "bata" at "bansa" ay nagsisimula sa ponemang /b/ na nagkakaroon ng
realisasyon sa pagsara at pagbuka ng dalawang labi. Ang tawag nito
ay bilabial. Ang bilabial na tunog na ito ang nangangailanan ng Nasal na bilabial
rin, samakatuwid, /m/. Ang ponemang /t/ naman sa "tusok" ay alveolar, nabibigkas
sa pamamagitan ng paglapat ng dila sa ngalangala. Ito ay nangangailangan ng
Nasal na alveolar din, samakatuwid, /n/, at ito ay naging pantusok. Ngunit ang mga
ponemang /n at t/ ay parehang alveolar at pinapayagang magkaroon ng
asimilasyon ang /t/ at upang ito ay maging /n/ . Ang resulta nito ay ang salitang
"pannusok" na hindi naman tanggap dahil sa phonotactic constraint na hindi
pinapayagang magkatabi ang magkaparehang konsonant. Kaya kailangang
tanggalin ang isang /n/ sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na deletion o
pagtatanggal ng ponema. Ito ang tinatawag na ganap na asimilasyon. Ito din ang
nangyari sa mga halimbawa bilang 4 at 5. Nagkaroon ng ganap na asimilasyon ang
mga ponemang /?/ at /k/. Ang /?/ ay velar Nasal na siyang kinakailangan na
katambal sa /k/ na nabibigkas rin sa punto ding iyon.
Ang mga ito ay iilan lamang sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.
Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang paglalapi,
metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.
(6) silid > silid + -an > silidan > sildan > sidlan
Ipinapakita sa (6) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy
nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng isang
ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng pwesto ng
mga ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa (7) ang paglalapi at deletion..
P.1 S ----> PV + PN
VERBO/
VERBO + PN
Dayakronikong Linggwistiks
Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay ang
paksa ng diachronic o historical linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga
historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Binabakas nila ang mga
kapamilyang wika nito batay sa mga katangian na komon sa kanilang ponolohiya,
istruktura at leksikon. Ang mga magkapamilyang wika ay tinataya nilang nanggaling
sa isang wika lamang na tinaguriang proto-language . Ang orihinal na wika na ito ay
kanilang magawan ng reconstruction sa pamamagitan nga mga salita na galing sa
mga daughter languages nito na magkasinghulugan at, humigit kumulang,
magkasingtunog. Ang mga salitang ito ay tinatawag na cognate sets.
PAGBABALIK-TANAW:
KASAYSAYAN NG
PAGSASALING-WIKA SA
PILIPINAS AT DAIGDIG
Pagbabalik-Tanaw: Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Pilipinas at Daigdig
Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika. Nakatutulong ito
upang lubos na makilala ng mga mag – aaral ang pagkakaiba ng dalawang magkaibang wika sa
istruktura at sa kulturang nakabigkis sa bawat isa. Balik – tanawan natin ang kasaysayan ng
pagsasalin sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Sa Europa, isang griyego ang kinilalang unang tagapagsaling wika, si Andronicus. Isinalin niya
ang Odyssey ni Homer na nasususulat sa wikang Griyego sa salitang Latin.
Ang unang pagsasaling ito ay pininiwalaang agad na sinundan ng iba pang pagsasalin. Gumawa
sina Naevius at Ennius ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego. Si Cicero naman ay
kinilala rin bilang isa sa mahuhusay na tagapagsalin, bukod sa pagiging isang dakilang
manunulat.
Nakaabot sa Baghdad ang isang pangkat ng mga manunulat mula sa bahagi ng Syria. Sila ang
nagpasimula ng pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat ng mga kilalang eskolar tulad nina Plato,
Aristotle, Galen at iba pang batikang mga manunulat. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit
sumikat ang Baghdad bilang isang akademya ng pagsasaling – wika at pinagmulan ng
pagpapaunlad ng kaalaman sa kanilang bansa.
Pagkalipas ng mahabang panahon, biglang nanlupaypay ang mga escolar sa Baghdad dahil
nabaling ang kanilang atensyon sa ibang bagay, tulad ng pagsusulat ng mga artikulo patungkol sa
pilosopiya.
Makalipas ang tatlong siglo, pumalit ang Toledo bilang sentro ng karunungan sa larangang ng
pagsasalin. Malaking salapi at mahabang panahon din ang iginugol ng mga eskolar ng Toledo
upang tuluyang isalin ang mga nasusulat sa wikang Arabic sa salitang Latin.
Ayon kay Savory, maraming eskolar ang naganyak upang maging tagapagsalin sa mga aklatan.
Naging tanyag sina Adelard at Retines. Si Adelard ang nagsalin sa latin ng mga akda ni Euclid
na isinalin na noon sa Arabic. Habang si Retines ang nagsalin ng koran sa latin noong 1141.
Nagkaroon din ng salin sa iba’t ibang wika sa Europa ang Barlaan at Josaphat. Ito ang nagtulak
sa mga simbahang Latino na kilalanin bilang Santo at Santa sina Barlaan at Josaphat. Sila ang
dalawang tauhan sa akda na uliran sa pag – uugali at paggiging maka – Diyos, kahit ang mga ito
ay kathang – isip lamang.
Ayon kay Savory, umabot sa pinakatuktok ang pagsasalin noong ikalabindalawang siglo. Ang
pagsasalin nang mga panahong iyon ay maaaring napantayan na sa kasalukuyang panahon,
ngunit hindi pa rin nahihigitan. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya. Ang
pagsasalin na isinagawa ni Wyliffe ay sinundan naman ng salin na isinagawa nina Tyndale at
Coverdale.
Ang pagsasalin naman ni Martin Luther (1483 – 1646) ang kinikilalang pinakamaayos at
pinakamabuting salin. Dito nagsimulang makilala ang bansang Germany sa larangan ng
panitikan.
Pumaimbolog din nang mga panahong iyon ang mga salin ni Jacques Amyot. Siya ay isang
Obispo na tinaguriang “Prinsipe ng Pagsasalin” sa bansang Europa. Isa sa mga pikamalaking
naiambag ni Amyot sa larangan ng panitikan ay ang pagsasalin ng “Lives of Famous Greek and
Romans” ni Plutarch noong 1559.
Nakilala naman sa Ingglatera noong 1467 – 1553 ang tagapagsalin na si John Bourchier. Ayon
kay Savory, karamihan sa kanyang salin ay hango sa wikang Kastila. Nakatala rin sa kasaysayan
ng Alemanya ang kahusayan ni Bourchier sa pagsasalin. Siya ang nagsalin ng Chronicles ni
Froissart.
Itinuring ni Savory na ang unang pagsasalin sa Ingglatera ay naganap noong panahon ng unang
Elizabeth, at ang panahon ng ikalawang Elizabeth ang kinilalang pinakataluktok. Ayon sa
salaysay ni Savory, ang pakikipagsapalaran at pananakop ang pambansang diwang nangibabaw
nang mga panahong iyon. Mapapansing ganoon din ang layunin ng mga tagapagsalin, ang
tuklasin ang anomang pagbabago sa larangan ng panitikan.
Sa pagdating ng mga dayuhan, kasabay ring dumating sa bansa ang pagsasalin. Makikita ang
kasaysayan nito sa apat na yugto ng kasiglahan.
Minsan ay may nailathalang isang balita na nakaimbento na diumano ang bansang Hapon ng
MTr. Subalit gaya ng inasahan, ang nasabing makina ay limitadong-limitado lamang sa
pagsasalin ng mga paksang lubhang teknikal at tiyak na paksa sa wika, tulad ng nuclear physics
sa Ingles.
Ayon kay Alfonso Santiago, kung mapapalitan ng makina ang tao bilang tagasaling-wika ay
hindi pa natin masasabi sa ngayon, ngunit hindi kataka-taka kung balang araw ay magkaroon na
ng MTr na higit na episyente kaysa tao.
Alam natin na nang unang maimbento ang kompyuter ay hindi pa kasing-episyente ng nalalaman
nating kompyuter sa ngayon. Ngunit patuloy itong pinabubuti pa. Kaya marahil ay dapat
manatiling bukas ang ating isipan sa isang posibilidad na darating ang panahon na makalilikha
ang tao ng MTr na kanyang magiging kapalit.
Nangunguna ang Estados Unidos, Britanya at Rusya sa pagsasagawa ng mga pananaliksik sa
larangan ng MTn. Ayon kay Finlay (1971), sumigla ang pananaliksik ng bansang Amerika sa
MTn dahil sa unang may sakay na taong spaceship na pinalipad ng Rusya noong 1961. Noong
mga panahong iyon ay mahigpit ang paligsahan ng Rusya at Amerika na magalugad ang
kalawakan, kaya nakatuon ang pananaliksik ng Amerika sa paglikha ng MTr na makapagsasalin
sa Ingles ng mga karunungang pang-agham lalo na ng tungkol sa space exploration.
Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang pumasok sa Pilipinas ang mga salin sa iba’t ibang
genre ng panitikan mula sa kanluran. Nagbago rin ang papel na ginagampanan ng pagsasalin
nang pumalit sa Espanya ang Amerika bilang mananakop. Kung relihiyon ang ginamit na
sandata ng mga Kastila para masakop ang Pilipinas, ang ginamit naman ng mga Amerikano ay
Edukasyon, kung saan napilitan ang mga Pilipino na pag – aralan pagsulat at pagsasalita sa
Ingles.
2. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangan katulad sa orihinal. 3. Ang isang salin ay dapat
maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa orihinal. PANAHON NG PAGSASALIN NG BIBLIYA
Mayroong dalawang dahilan kung bakit isinalin ang bibliya: Una, dahil ang Bibliya ang tumatalakay
sa tao – kaniyang pinagmulan, sa kaniyang layunin at sa kaniyang destinasyon; Pangalawa, dahil sa
di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito. Ang orihinal na manuskrito o teksto ng
Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kaunaunahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng
Ebreo at ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag
na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin. TATLONG PINAKADAKILANG SALIN NG
BIBLIYA
Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wycliffe. Ang unang
salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Si William Tyndale ang nagsalin
sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus. Hindi naging katanggap-
tanggap ang salin dahil sa masalimuot na mga talababa. Hindi natapos ni Tyndale at ipinagpatuloy ni
John Rogers (Thomas Matthew) at nailathala noong 1537. Nirebisa ito ni Richard Taverner noong
1539. Muli itong nirebisa ni Coverdale at tinawag itong Great Bible. Ilan sa mga kinilalang bersyon ng
salin ng bibliya ay ang: Geneva Bible (1560) – Ito ay isinagawa nina William Whittingham at John
Knox. Ginamit ang Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Tinagurian itong “Breeches
Bible”. Authorized Version – Ito ang naging pinakamalaganap at hindi na malalampasan.Nakilala ito
dahil sa naging panuntunan na ang pagsasalin ay dapat maging matapat sa orihinal na diwa at
kahulugan ng Banal na Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya.
Taong 1881 lumabas ang English Revised Version. The New English Bible (1970) – ang naging resulta
ng pagrebisa ng Authorized Version. Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay
inilimbag ng Oxford University. Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan
pa rin ang muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga natuklasan
ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin; (2)
Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang wikang ginamit sa
klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa bukod sa kung
minsan ay iba na ang inihahatid na diwa. NAGSASALUNGATANG PANANAW SA PAGSASALING NG
MGA AKDANG KLASIKA VIRGINIA WOOLF – Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang
mga orihinal na nasusulat sa Griyego at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang
salin
ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa,
tiyak at waring may aliw-iw na nakaiigayang pakinggan. Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-
wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang makaluma o Hellenizers at ang makabago o
Modernizers. Ang layunin ng mga makaluma ay maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na
mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang isinasalin kaya naman pinapanatili nila ang
paraan ng pagpapahayag, at balangkas ng mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa
wikang pagsasalinan. Kasalungat naman ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang
salin ay dapat nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang
pinagsalinan. ROBERT BROWNING – Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay
kailangang maging literal hangga’t maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa kalikasan
ng wikang pinagsasalinan. ROBERT BRIDGES – Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na
mahalaga ang istilo ng awtor kung ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng
magkasalungat na opinyong nabanggit ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang paniniwalang
hindi makatwirang piliting ipasok sa wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang
isinasalin. SAMUEL BUTLER AT EDWARD FITZGERALD – Pareho naman ang paniniwala nina Edward
FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga akdang klasika ay dapat maging natural ang
daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. F.W. NEWMAN – Sa mga pagsasalin ni F.W.
Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang mapanatili ang kakanyahan ng orihinal hangga’t
maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na ang akdang
binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal. Sumasalungat naman sa paniniwalang ito si Arnold na
tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan
ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. Samantala, unti-unting nahalinhan
ng Roma ang Atenia bilang sentro ng karunungan nang mga panahong iyon. C. DAY LEWIS – Ayon
kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng “Aeneid” ni Virgil (na siyang pinakapopular sa panulaang
Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang
magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin. PAUSBONG NA
MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASALIN (Machine VS. Human Translation) Hindi maitatangging sa
umuunlad na teknolohiya, maaari na ring mapalitan ng makabagong pamamaraan ang pagsasalin.
Ang katotohanang ito ay bukas naman sa larangan ng pagsasalin ngunit may mga salik na naging
dahilan kung bakit hindi mabuobuo ang “machine translator” na sana ay maging daan upang
mapabilis ang proseso ng pagsasalin. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi makabuo ng
machine translator para sa di-teknikal na paksa:
Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano mabisang maisasalin ang
mga idyoma. Pagkakaiba ng istraktura o pagkasusunod-sunod ng mga salita ng wika. Maraming
kahulugan ang maaring ikarga sa isang salita. Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-
editing at post-editing ng tekstong isusubo rito. Wala pang computerized bilingual dictionary.
Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine. Kulang pa sa nalalamang mga teorya
ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at paghahambing ng mga wika upang magamit sa
pagbuo ng MTr.