Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Activity 1

Nakikita ang nasabing mga larawan sa pamamagitan ng posisyon ng ating mga mata o ng kamera na
ginamit sa mga larawan. Sa unang larawan ay makikitang mataas ang pananaw ng mga mata o mataas
ang posisyon ng kamera na ginamit sa pagkuha ng larawan at dahil dito ay malayo ang perspektibo ng
tumitingin sa unang larawan, sa pangalawang larawan naman ay kabaliktaran at ito ay mababa at halos
kapantay nalamang ng sahig at dahil dito ay malapit ang perspektibo ng tumitingin sa pangalawang
larawan. Ang pangangailangan sa sining ang ginamit dito ay ay ang perspektibo.

Activity 3

Sa pamagat pa lamang na “Kung Sakali” ay makikita na natin kung ano ang paksa ng tula, labis ang
probisyon ng tauhan na sana ay sagutin ng “oo” at “hindi” ng minamahal niya ang kanyang mga tanong
sa tula at hinihiling niya na bumalik sakanya ang taong kanyang minamahal kaya bagay na bagay at
maganda ang pamagat nito. Mayroon itong bisang pandamdamin (1) dahil sadyang madadala ka sa
emosyon ng taong nagsulat nito lalo na’t mayroong kang taong paglalaanan ng tula na ito. Gumamit ang
nagsulat nito ng teoryang romantisismong rebolusyunaryo sapagkat kapusukan ang pinakita niya sa tula.
Napakaganda ng pagkakagawa kahit na ito’y malungkot simula una hanggang huli o subdued sa
madaling salita. Binigyan diin ng tula ang labis niyang pangangailangan sa pagibig ng kanyang
minamahal. Mayroon din itong bisang pangkaasalan (2) sapagkat nabago ang aking pananaw sa pag-ibig,
ganito pala ang nasa isip ng isang taong naiwan sa ere. Hindi pala ito basta-basta lamang, patuloy siyang
nakakulong sa pag-ibig ng taong hindi mo na alam kung babalik pa ba o hindi na, nais niyang ibalik ang
nabitin nilang bawat sandali. Kung ikaw ay mayroong dinaramdam na kahalintulad ng sa tula at binabasa
mo ito, para bagang mayroong kang kaibigan na nasa iyong tabi at nagsasabing, “huwag kang
mawawalan ng pagasa, malay mo mahal ka pa rin niya gaya ng pagmamahal mo sakanya, malay mo
iniisip ka rin niya” at iyon ang aral tula para sa akin at nasa ilalim ito ng bisang pangkaisipan (3).
Hanggang ngayon, habang sinusulat ko ang aking pagsusuri ay ramdam ko parin ang damdamin at
emosyon ng tula.

You might also like