1. 1. Pagbuo, Pag-uugnay at Pagbubuod ng mga Ideya Ni Rochelle S Nato Sangunian: Filipino
sa Piling Larangan (Akadmik) nina: Pamela C. Constantino et. al HOMAPON HIGH SCHOOL Homapon Legazpi City 2. 2. Layunin 1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbuo, at pagbubuod ng mga ideya sa isang akademiko at mapanuring sulatin. 2. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng mga anyo ng pagbuo, pag-uugnay at pagbubuod ng mga ideya. 3. Nakapagbubuod ng iba’t- ibang sulating akademiko. 3. 3. Gawain Manood at makinig sa paksang napili ko, ang “Face to Face” na isang talkshow sa telebisyon.Tukuyin ang pangunahing paksang pina-uusapan at katuwiran ng bawat kalahok kaugnay ng paksa. Linawin ang kinahinatnan ng talakayan. Isulat sa 1/2 na papel. 4. 4. PagbubuodatPag-uugnayngmgaideyaatDatos tungosamapanuringPagsulat • Maraming gawain sa akademiya ang nangangailangan ng masusing pagbasa, panonood, pagsasalita, pakikinig at pagsulat. • Ibinabahagi ang ga ito sa mga kaklase at guro. • Sa paraan ng pagbabahagi, kinakailangan ang pagpapaikli upang ang mga pangunahing ideya at pagkakaugnay-ugnay ng mga ito ay may maipahayag nang malinaw at maayos. 5. 5. • Tumutulong din ito upang malinawan ang mga datos na ginagamit sa mga sulating akademiko at mga pananaliksik. • Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang magugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. • Kabilang dito ang - Buod - Lagom o sinopsis -presi - hawig -Sintesis - Abstrak 6. 6. Buod - Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. - Ang teksto ay maaring nakasulat, pinanood o pinakinggan. - Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos - Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto. 7. 7. Pangunahing Katangian ng Pagbubuod Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa Hindi inuulit ang mga salita ng may akda;bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod 8. 8. Mga hakbang sa pagbubuod 1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto. 2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan.Tukuyin ang paksang pangungusap o pinaktema. Tukuyin ang key words. 3. pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis. 9. 9. 4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. 5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya. 6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng - gayunpaman - kung gayon - bilang pangwakas 7. Huwag magsinggit ng mga opinyon 10. 10. • 8. Suriin ang dayagram sa ibaba. Buod Pangunahing Ideya Paksang Pangungusap Paksang pangungusap Pagksang pangungusap Konklusyon 11. 11. Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian. 12. 12. Banghay Tagpuan Istorya Tauhan Problema Kalutasan ng Problema 13. 13. Pamagat Simula (Tagpuan) Gitna Mga Tauhan, problema, banghay at pangyayari Wakas Kinalabasan/ Solusyon/ Resolusyon 14. 14. Halimbawang tekstong maaring ibuod ang -piksyon -di-piksyon -sanaysay -report -artikulo -balita -video -pangyayari -pulong 15. 15. Pag-aralan mo Kapag nakakakita ka ng langgam, ano ang ginagawa mo? Bakit? May alam ka ba tungkol sa kanila? Basahin ang lathalaing nasa ibaba. 16. 16. Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam? (ni Jojo Briones-Cruz) Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong linya. 17. 17. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag 18. 18. pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga. 3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain. 19. 19. 4. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya ng lupa , imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain. 5. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan 20. 20. Sagutin ang mga tanong na sumusunod batay sa lathalaing binasa mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Bakit nagpupunta kung saan-saan ang mga langgam? 2. Paano sila bumabalik sa kanilang lungga? 3. Paano pinag-aralan ng mga mananaliksik kung paano nakakauwi ang mga langgam? 4. Ano ang kinalabasan ng pagsasaliksik? 5. Ano ang posibleng nagagawa ng langgam? 21. 21. Sagot: Ang mga langgam ay kung saan-saan nagpupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. 2. Bumabalik sila sa kanilang lungga sa diretsong linya. 3. Tinuruan nilang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain. 4. Nalaman nila na ang langgam, kapag pinawalan sa patag na lupa ay naghahanap ng pagkain sa pinakamalapit na distansya mula sa lungga. Ipinakikita nito na ang langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya ng lupa.4 5. Ang mga langgam ay posibleng makahula sa kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daan at naitatala ang kanilang posisyon tungo sa kanilang lungga sa kapatagan. 22. 22. Takdang Aralin 1.Ano ang kahulugan ng mga sumusunod; a. “Hawig” bilang anyo o estilo b. Lagom o Sinopsis k. Presi d. Sintesis 2. Tukuyin ang bawat katangian nito