Professional Documents
Culture Documents
Ang Kalupi Pitaka at Wallet
Ang Kalupi Pitaka at Wallet
TAGAPAGSALAYSAY: Madalas nating marinig ang mga katagang: “Maraming namamatay sa maling
akala,” ngunit naisip ba natin ang “mga namamatay dahil napaghinalaan”?
SCENE 1
MARTA: Haaaay! Napakagandang araw, ang magkaroon ng isang anak na makapagtapos ng high school
ay napakali ng bagay sa aming mga mahihirap. ANGELES! Lumabas ka riyan at patingin ako sa itsura mo
habang suot- suot ang iyong bestida’t toga. Halika bilis.
MARTA: Susmaryosep! Ang toga? Hindi ba nadumihan? Tsk tsk, mag iingat ka nga! Ang mahal ng renta
natin nyang toga mo.
ANGELES: Nanay naman eh! Yung toga pa talaga yung inaalala mo? Ako ang anak mo dito eh. Pero di nga
nay, bagay ba?
MARTA: Aysus jusmeyo! Oo naman ‘no? Aba’y saan ka ba naman magmamana. Tsaka isa pa, hindi
importante ang itsura mo, ang mahalaga’y makakapagtapos ka na sa sekundarya. Naku! Huwag kang
tutulad sa mga kapitbahay natin na inuuna ang landi bago ang eskwela. Aba’y tingnan mo ngayon, ang
lalaki na ng mga tiyan.
PEDRO: Oh? Ano na naman Maring? Ano na naman ang pinuputok ng botse mo? Kay aga-aga eh!
MARTA: Aba’y hindi lamang ito basta putok ng botse ‘no? Magtatapos na itong anak mo! Ano na naman
ba ‘yang inaatupag mo? Mga manok mo? Lagi ka naman talo diyan sa sabong!
PEDRING: Hooooy! Anong ‘laging talo? Eh ano ‘yong binigay ko sa’yo kagabi? Ha? Tinae ko? Tinae ko?
Tumatae na pala ako ng pera? Grabe na nga yung pagsasanay ko sa mga manok ko eh! Uy? Ganda ng
anak ko ah? Buti’t hindi ka nagmana sa nanay mong putak ng putak!
ANGELES: Nay oh si tatay! Pero seryoso tay? Sinasanay mo na pala yung mga manok mo? Sige nga,
subukan natin: manok! Sit! Roll over! Play dead, BANG!
PEDRING: Alam mo anak, minsan hindi rin ako makapaniwalang magtatapos ka na. Haaaaay.
MARTA: Hoy hoy hoy, ako nga hindi makapaniwalang pinakasalan kita!
PEDRO: Waaaaaw! Ganda ka? Ganda ka? Makaalis na nga dito, bibili muna ako ng yosi. (exits)
MARTA: Yosi nang yosi, yan ang ikamamatay mo eh. Naku yang tatay mo talaga, napaka! Naku naku.
ANGELES: Pero mahal mo naman nay? Yiiieee kanser!
MARTA: (kinilig, hinampas si Angeles) Tumahimik ka ngang batang ka! Hala sige, isabit mo na yan at baka
magkadumi pa nako. Ako naman ay pupunta sa palenke at mamimili ako para sa tanghalian natin.
Ipagluluto kita ng paborito mo.
TAGAPAGSALAYSAY: Dala-dala ang bayong na wala pang laman, ngunit puso’y punong-puno ng
kasiyahan dahil sa maituturing na tagumpay ng unica ijang anak, tinungo ni Marta ang kalsada mula sa
kanilang barangay papunta sa bayan, kung nasaan ang kabihasnan at ang intensiyon niyang pamilihan--
maingay at magulong pamilihan.
SCENE 2
MARTA: Hindi pangkaraniwan ang araw na ito! Kaya’t hindi rin dapat pangkaraniwan ang aming
pananghalian! Ano nga ba ang mga biblhin ko? Isang matabang manok, isang kilo ng baboy, mga gulay
na pangsahog at dalawang piling na saging. Ano pa ba? Ah! Garbansos, paborito ni Angeles ang
minatamis na garbansos.
(CURTAINS OPEN)
MARTA: Ay jusmeyo! Kay sikip-sikip at kay gulo-gulo naman nitong palengke. Nasa dulo pa naman nito
ang manukan. ‘Pag minamalas ka nga naman.
TERESITA: Hoy Mare! Marta! Woy! Bili ka na ng isda! Preskong-presko pa. Mas presko pa sa mukha
nitong si Consolacion! (laughs)
CONSOLACION: Langya ka Teresita! Tadtarin ko ‘yang mga isda mo eh! Naku, naku! Pero di nga Marta
bili ka na!
MARTA: Mamaya na mga mare! Unahin ko muna manok, alam niyo na matatabang manok. (laughs)
TAGAPAGSALAYSAY: At doon nagsimula ang daloy ng kuwento. Nang mabangga si Marta ng isang
gusgusing bata, nakapantalon ng maong na medyo kahabaan, nakasuot ng libaging kamiseta na punit-
punit, na maigsi na siyang nagpalabas ng kaniyang buto’t balat na katawan. Na siyang nagbigay rason
kay Marta na ang bata’y anak mahirap.
ANDRES: Pasensiya na kayo ale. Hindi ko ho sinasadya. May hinahabol po kasi ako. (acts of trying to help
Martha)
MARTA: Bitawan mo nga ako! Pasensiya? Kung ang lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan ay
makakapatay ka ng tao! Punyemas!
ANDRES: Pasensiya na ho! Di ko po talaga sinasadya ang mabangga ka ale. Pasensiya na ho talaga.
MARTA: At bakit tinatalikuran mo ako? Sinong nagsabing tapos na akong makipag-usap sa magsalita?
Ha? Nakakaimbyerna kang bata ka! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga bastos na mababaho
na maduduming hampas lupang katulad mo! Kabuysit! (leaves Andres)
MARTA (IN A LOWER VOICE): Nakakataas talaga ng presyon ‘tong mababahong ‘to! Buti nalang at
walang nakapansin sakin. Heh! Bahala na nga!
[Marta proceeds]
SCENE 3
GURDING: Mantika? Kailangan mo pa ba nun? Pwede mo namang paiinitin ‘yang mukha mo at boom!
Diyan ka nalang magprito!
MARTA: Wow! Talaga ba? Hiyang-hiya naman ako sa’yo! Ikaw nga ilang buwan na ba yang dinadala mo?
(laughs)
GURDING: Ang hilaw naman ng tawang iyan mars! May problema ba?
GURDING: (laughs) Ah nawawala lang pala eh! ANO?! Nawawala ang kalupi mo?
(INSERT JINGLE)
MARTA: Susmereyosep! Sinasabi ko na nga ba! Ang batang ‘yon! Hindi lang ako binangga! Ninakaw pa
ang kalupi ko! (quickly exits) Malilintikan ka talaga sa aking bata ka!
GURDING: Hooy Martaa! Yung mantika? Bumalik ka dito? Kukunin mo pa ba?
SCENE 4
[Andres enters]
ANDRES: (selling) Ale, ale bangus po. Tegbente lang po. Presko pa po. (atleast trice)
[Andres sings]
MARTA: Huli ka balbon! Nakita rin kita sa wakas! Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Wag kang
magkakaila! (hinawakan si andres sa braso)
ANDRES: Po? Ano pong pitaka? Wala ho akong kinuhang pitaka sa inyo.
MARTA: Anong wala? Ikaw ang dumkot ng pitaka ko at wala nang iba! Kunwa pa’y mo ako, ha!
Magaling! Magaling and sistemang yan! Kikita nga kayo rito sa palengke!
ANDRES: Ano pong Sistema? Wala po akong kaalam-alam sa sinasabi po ninyo. Pakiusap po, bitawan nyo
na po ako, nasasaktan na po ako.
MARTA: Aba! At nagmaang maangan ka pa ha! Pwes, hindi kita bibitawan hanggat hindi mo ako
sinasagot kung nasaan ang kalupi ko!
ANDRES: Hindi ko nga ho alam kung nasaan ang kalupi niyo! Hindi po ako ang kumuha non!
(nagpupumiglas)
MARTA: Aba aba! At sumasagot ka pa ha!
MARTA: Alam niyo ba, tong hampas lupang to, nung pumasok ako kanina sa palengke eh binangga pa
naman ako! Tapos nung magbabayad na ako ng mga pinamili ko’t pagkapa ko sa bulsa ko eh wala nang
laman! (galit)
ECHUSERA 2: Oo nga po. Talaga nga pong naglilipana na ang mga batang ganyan dito sa palengke.
(hinarap si andres)
MARTA: Saan pa ba? Ibibigay kita sa mga pulis! Ipapakulong kita kapag di mo isinasauli ang dinukot mo
sa akin!
ANDRES: (nagpupumiglas) Tama na po! Hindi nga po ako yung dumukot ng pitaka niyo! Bitawan niyo na
po ako, parag awa niyo na po! (umiiyak) (nabitawan ang isda)
MARTA: Kasi po tong lintek na batang to, ninakaw ang kalupi ko! At sigurado po akong siya ang kumuha
non kasi siya lang ang bumangga sa akin kanina.
(hinarap si andres)
SPOGI GERALDO: Ah eh, yung ano po, yung kalayaan niya dito sa kalye. Oo, yun po. Heheheh (kamot sa
ulo)
ANDRES: (umiiyak) Hindi po ako ang kumuha. Wala po sa akin. Kahit kapkapan niyo po ako, wala po
kayong makukuha sa akin.
MARTA: Maski kapkapan! Ano pa ba ang kakapkapin naming sayo? Kung naipasa mon a iyon sa mga
kapwa mo mandurukot! Naku mamang pulis! Ituloy niyo na yan sa kwurtel at baka roon matakot at
magsabi yan ng totoo.
SPOGI GERALDO: Oo nga! Hindi po yan maa- sandali, Misis? Asawa niyo chip?
SPOGI GARCIA: (to arley) Tumahimik ka nga! (to marta) Ahh, pasensya na po maam, pero gaya ho ng
sinasabi ko kanina, kaylangan po natin ng ebidensiya para kahit papaano eh mayroon tayung katibayan
na siya nga ho yung dumukot ni kalupi niyo. Paano na lang po kung hindi siya?
MARTA: Eh ano pa bang ebidensiya ang hinahanap niyo? Sinabing binangga niya ako ng sadya eh! At
naramdaman ko ang kamay niya sa bulsa ko! Hindi ko lang napansin agad kanina dahil nagmamadali ako.
ANDRES: (tumingin sa paligid) Wala ho kaming bahay. Ang tatay ko ho eh may sakit at kami ho kung
minsan ay nakitira sa bahay ng tiyag ines ko sa Blumentritt, kung minsan naman ho ay sa mga tiyo ko sa
quiapo at kung minsan ay sa bahay ng kapatid ng nanay ko dito sa Mapayaypay. Pinabenta lang po niya
ako ng isda para po maka tulong-tulong sa amin.
SPOGI GARCIA: Kung ganon ay dito kayo sa Mapayaypay ngayon nakatira? Kayong mag-ama?
ANDRES: Opo. Kaya nga po hindi ako nakapag-aral dahil maliban po sa palipat lipat kami ng bahay, ay
wala rin po kaming pangtustos. Kapos po kase kami eh.
PULIS 1: Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e. Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang
batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon
ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.
(PULIS 2 inaakbayan si ANDRES and tge four of them walks to the outpost)
Scene 5
PULIS 1: Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili.
MARTA: (irritated) Aiiiish! Kakaimbyerna talaga lahat ng pusang itim na pangyayari eh! Ilanh oras pa ba
ako dito? Isa? Dalawa? Tatlo? Abay may pamilya pa ako! Hinihintay na ako ng asawa't anak ko. Utang na
loob! (Looks at Andres)
MARTA: Tinamaan ka ng lintek na bata ka! Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo,
ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan? (Hurts Andres
again and again)
ANDRES: Pasensiya na po ale pero hindi po talaga ako katulad ng iniisip po ninyo. Pasensiya na po. (Bites
aling Marta then runs)
SCENE 6:
MARTA: (holds her hand and rants because of the pain) SANTA MARIA JOSEPA CLARA BARBARA PILATO,
ang sakiiiit! Ang baho pa ng laway mo! Uy! Bumalik ka ditong bata ka! Yung pitaka koooo!!!
(Random dialogues)
[SILENCE]
ANDRES: (putol-putol) Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ko ho kinuha
ang inyung pitaka.
PULIS 1: Kay gulo mo! Bakla ka ba? Para kang nakunan! May matris ka ba? Ano bang nangyaya-
PULIS 2: Chip, unang una po sa lahat chip, lalaki po ako chip! Pangalawa po chip, hindi po ako nakunan
chip! Pangatlo po chip-! Aray!
PULIS 1: Punyemas ka! Ank ngang nagyari? (Proceed to the area of Andres)
MARTA: Mamang pulis! Mamang Pulis! Wala po akong kasalanan! Ito po yung kutong-lupang nagnakaw
ng pera! Kinagat niya pa ako kaya't hinabol ko siya at siya ay nasagasaan. Hanggang ngayon ay wala
parin ang pitaka ko.
PULIS 1: Sa palagay ko nama'y kung may mananagot man yan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper.
Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing, ang tsuper na rin ang bahala doon.
PULIS 1: Maaari na, lamang ay kakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at address, para sa
mga maaaring kakailanganing impormasyon.
MARTA: Awa? At bakit ako maaawa? Ako na nga yung ninakawan eh? Bagay yun sa kaniya, kibata-bata
pa gumagawa na ng krimen. Letse. Yung anak ko magtagapos ngayon. Ano nalang pananghalian namin,
tuyo nalang? Buysit! Tiyak magdudulot ito ng away sa aming mag-asawa. Pano kung may pananagutan
pa ako sa batas. Pero sabi ng pulis wala, aba syempre ako na nfa ninakawan. Aish bahala na nga
mangungutang nalang muna ako. Buysiiiiit.
ANGELES: NAAAAAY! Ang dami naman nito, saan niyo po kinuha ang ipinambayad niyo dito sa mga
pinamili mo?
MARTA: Saan ba nilalagay ang pera? Edi sa pitaka ko? Ikaw talagang bata ka.
PEDRO: Ngunit, Marta. Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa
ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka
ba kumuha ng ipinamili mo niyan?
(Sound effects)
Marta: (Nahimatay)
(Curtain closes)
TAGAPAGSALAYSAY: "Naisip ba natin ang mga namamatay dahil napaghinalaan? Ang pitaka ni Aling
Marta.