Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Chelmarie L.

Curachea
ME-2101

Maraming kabataang Pilipino na kulang ang kaalaman o mangmang sa sariling wika (Filipino),
maraming salitang Ingles ang hindi alam ang katumbas sa Filipino. Gayunpaman, ang CHED
Memo na syang nagtatakda ng ​General Education curriculum​ para sa unibersidad o kolehiyo ay
binawasan ang dating 63 ​units​ sa 36 ​units​ na lamang at ang ibang asignatura na binawas ay
ituturo sa K-12 o sa ​Senior High​. Isa sa nilabas na ​CHED Memo​ ay ang ​CHED order number
20-2013​ na kung saan hindi na kailangan na kunin ng mga estudyante ang ​subject​ na Fipino at
Panitakan. Dahil dito, maraming bumatikos, maraming hindi sumangayon, at maraming taliwas
sa ideya na ito.

Mga Unibersidad at organisasyon ang nanguna sa pag di pag sang ayon sa CHED order
number 20-2013. Isa sa mga dahilan ay madaming guro sa ​subject​ na Filipino ang mawawalan
ng trabaho, ayon din sa ​spokesperson​ ng isang organisyon na Tanggol Wika na si San Juan D.
na ang pagtanggal ng Filipino at Panitakan ay parang sinabi na ito ay isang basurang disiplina
na pupuwede na hanggang ​highschool​ na lang. Bukod dito, ayon kay Guillermo R. na pag
tinanggal ang Filipino at Panitakan sa kolehiyo ay wala ng magpapatuloy na ​Higher Level​ na
pananaliksik sa Filipino, dahil dito pinapatay ang intelekwalisasyon, ang tuloy na tuloy na
pagsulong at paglaganap nito bilang isang akademikong gawain sa mga pamantasan.
Maraming man nag bigay komento ukol sa isyu na ito,ngunit lahat sila ay may punto, ayo nga
kay Bienvenido Lumbera na ang wikang Filipino ang syang palatandaan ng pagkakakilanlan ng
isang bayan, higit pa rito, ito din ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya,
pinanggalingan na komunidad at sa kahapon ng bayan.

You might also like