Professional Documents
Culture Documents
Maikling Kwento
Maikling Kwento
Maikling Kwento
BSED FILIPINO 3
Sabik na sabik akong mahagkan ang ‘yong malalambot na pisngi, masilayan ang
makikinis na balat. Mga mapupungay na matang umaantig at umaakit sa aking
damdamin. Mga labing tila rosas sa pula at singtamis ng kendi kapag ako’y iyong
nginingitian. Ang mga karanasang ito, ang nagpapatakam at nagbibigay rason sa araw-
araw kong pagmulat sa umaga. “Esaaaang, Esaaang!” - sigaw ng aking inang mas
maaga pa sa tilaok ng tandang kung gumising sa akin. Agad akong tumayo mula sa
aking higaan at nasilayan ang mong maaliwalas pa sa sikat ng araw. Umagang-umaga
pa lamang ay kilig na ang dulot mo sa’king pusong napapaawit sa tuwa. “Oy Esang,
papasok kaba sa paaralan o makikipagharutan sa lalaking iyan?”- wika ng aking inang
mala birhen kung magsalita ngunit tigre naman kung magalit, na tila ba’y gustong
lumapa ng isang buong tao. “Opo, magbibihis at mag-aayos na ako at maya maya ay
bababa na” - wika ko sa aking Ina.
ako sapagkat, matutupad ko na rin ang aking mga pinapangarap sa buhay. Pagpasok
pa
Mapansin man lang ng aking natitipuhang binata dahil sa aking mapait na hitsura.
Simula nang mailagay ang poster na iyon ng iniidolo kong artista, ay doon rin
nagsimula an gaming matamis na pagsasama. Isang relasyon na gawa ng aking haraya
at katha ng aking isipan. Nang malaman ng buong klase ang katotohanan ay naawa
sila kay Esang. Iniwasan nilang tuksuhin at kutyain ito mula sa kaniyang panlabas na
anyo. Naging maayos ang pakikitungo nila at ginawang kaibigan hanggang sa
nakapagtapos sila ng kolehiyo.
PAGSUSURI SA MAIKLING KWENTO
IV. TAGPUAN
Ang tagpuan ay sa loob ng silid tulugan ni Esang na kung saan dito sila
nagtatagpo at nagkakaroon ng lihim na pagtingin ang dalaga.
Sa paaralan ang pangalawang tagpuan sa kwento dahil dito naganap ang
paglalantad ng sekreto ni Esang mula sa huwad na kasintahan.
V. MGA TAUHAN
Esang - Pangunahing tauhan sa kwento. Siya’y nabighani at umibig sa
larawan o poster ng isang matipunong lalaki.
Isang Mag-aaral - ang nakakita sa pakikipag-usap ni Esang sa larawan ng
isang lalaki sa loob ng kwarto.
Ina ni Esang - Ang mapagmahal at mapagmalasakit na ina sa kwento.
URI NG TAUHAN
PROTAGONISTA - Si Esang ang maituturing na Protagonista sa kwento.
Naging sinungaling at mayabang man siya sa umpisa ngunit napagtanto niya
ito na kailangan magpakatotoo siya sa kaniyang buhay.
ANTAGONISTA - Ang mga kaklase ni Esang ang antagonista sapagkat sila
ang humuhusga sa pagkatao nito simula sa umpisa pa lang ng kanilang pag-
aaral sa kolehiyo.
VI. BANGHAY
SIMULA - Nagising si Esang mula sa malakas na sigaw ng kaniyang Ina sa
kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog nito. Agad bumangon at tumayo upang
maghanda para sa kaniyang unang araw sa buhay kolehiyala.
SAGLIT NA KASIGLAAN - Nagpakilala sa buong klase ang dalagang si
Esang at ibinahagi ang mga ekspektasiyon nito sa guro at asignatura.
Nabanggit rin niya ang tungkol sa kaniyang kasintahan.
SULIRANIN - Dahil sa hindi kaaya-ayang mukha ng dalaga. Hindi naniwala
ang kamag-aral ni Esang tungkol sa kaniyang kwento. Nang makarating sa
kanilang bahay. Habang nagpapahinga, nakarinig siya ng boses mula sa
kaniyang bintana, ngunit nang tingnan niya ito ay wala namang tao kaya inisip
na lamang niya na guni-guni at likha lamang ng malikot na isipan.
KASUKDULAN - Bumungad sa kaniya ang salitang “Nasisiraan na ng bait ang
babaeng iyan, isa siyang sinungaling.” Ito ay nakasulat sa kanilang pisara at
mababasa agad ninuman na papasok sa kanilang silid. Kinabahan ang dalaga
at napahinga ng malalim.
KAKALASAN - Mula sa oras na iyon, natauhan at nahimasmasan si Esang.
Ipinaliwanag niya ang katotohanan sa likod ng pagkakaroon ng pekeng
kasintahan. Inamin niyang totoo lahat ang paratang ng isang mag-aaral na
nakasaksi sa kaniyang ginagawa sa loob ng kwarto.
WAKAS - Namuhay nang masaya at payapa si Esang at naging matagumpay
ang pagtatapos nito sa pinasukang Unibersidad.
VII. TUNGGALIAN
Tao Laban sa Sarili - Makikita sa akdang ito na ang tauhan ay nakikipagtalo
sa sarili sa kadahilanang nagawa nitong magtakda ng mga bagay na hindi
kapani-paniwala. Nagpanggap siyang may tunay na kasintahan ngunit sa
isipan lamang pala nito sila nagtatagpo.
Tao Laban sa Tao - Ang mga kaklase ni Esang ang madalas na mamintas sa
panlabas na anyo nito. Sila rin ang naging tulay sa kaniyang pagmulat sa
katotohanan.