Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

LARUANG ROBOT

Ni: Ana J. Cuenca

Isang araw may mag pamilyang nakatira sa lungsod ng Maynila sa bayan ng Nueva
Vizcaya at ito ang pamilya Bayola, ang mag asawa ay may dalawang anak isa na rito ang labing
apat na taong gulang na si Kiko na panganay sa magkapatid at sinundan ni Pako na walong
taong gulang pa lamang. Ang ama ni kiko na si Mang Kulas na apat na pu’t walong taong gulang
ay nasa bahay lamang, walang trabaho, lasinggero at mahilig sa sugal. Ang ina naman nina kiko
na si Aling Cora ay naglalako ng maruya at lumpia at minsan ay naglalabada.

Si kiko ay nasa ika pitong baitang na sa sekundarya at si pako naman ay nasa ikatlong
baitang pa lamang. Kadalasang makikita si kiko sa harap ng terminal nila na naglalako din ng
maruya pagkatapos nito sa klase. Tumutulong siya sa kanyang ina upang makabigay ng sustento
sa sakiting kapatid nito at sa kanya naring pag aaral. Isang araw habang si kiko ay naglalakad
pauwi bitbit ang kanyang kinitang pera sa kanyang paglalako ay bigla itong sinita ng mga
batang palaboy at pinag-aagaw at pinag-pasapasahan ang kanyang paninda at ang mapait pa
rito ay binawasan nila ang pera ng bata. Walang nagawa ang kawawang bata kundi umuwi ng
luhaan. Nang makarating ito sa kanilang bahay ay agad itong sinalubong ng kanyang ama na
lasing na lasing. Pinuwersa niya ang anak para makuha ang pera nito ngunit ng sabihin ng anak
ang totoong nangyari sa kanya ay agad siyang sinuntok sa mukha ng kanyang ama na kulang
nalang ay tumalsik ang bungo ng kaawa awang bata, hindi pa nakuntento ang ama dahil
sinikmuraan pa nito ang anak at pinagsisipa na parang hayop, itoy kadalasang nangyayari kapag
kaunti lamang ang kinitang pera ni kiko, kaya nga lang mas malala pa ang nasasapit ng bata
kapag wala itong maiabot sa ama. “Bwesit! Wala ka talagang kwenta! Pareho lang kayo ng
nanay mo! Pati na rin yung kapatid mo na wala na ngang silbi, sakitin pa!” ito ang mga katagang
parating naririnig ni kiko sa kanyang ama. Walang magawa ang kanyang ina sapagkat
binubugbog din ito ng kanyang ama. Masakit man, ngunit hindi iyon paraan upang kasuklaman
ni kiko ang kanyang ama tanging sandalan nya lamang ay ang kanyang laruang robot na kasing
laki ng sampung taong gulang na bata, ito ay iniregalo sa kanya ng isang bukas palad na kapwa
noong tinulungan ito ni kiko na isauli ang kanyang kalupi.

Araw araw ay patuloy na dinadanas ni kiko ang kapintasan ng ama sa kanila, isang araw
si kiko ay inatasang magbantay ng kanilang bahay at ng kanyang kapatid. Habang sila’y
naglalaro sa kanilang laruang robot ay dumating naman ang kanyang ama na nanggagalaiti sa
galit at sigurado si kiko na natalo na naman sa sugal ang kanyang ama. Nang Makita nya ang
dalawang bata ay tinawag nya si kiko para utusang bumili ng ulam ngunit hindi ito narinig ni
kiko kaya’t pinuntahan nya ito at sinaktan. Tinapon niya narin ang laruang robot ng bata at
umalis, natanggal ang ilang parte ng katawan ng robot kaya’t inayos itong muli ni kiko.
Makalipas ang ilang linggo nang pauwi na si kiko galing sa paglalako ng kanyang mga paninda ay
nadatnan nya sa kanilang bahay ang kanyang mga magulang na nag-aaway. Kitang kita ng
dalawang mata ni kiko ang pambu-bugbog ng kanyang ama sa kanyang ina kaya’t umawat siya
rito ngunit pati sya ay binugbog narin. Dumugo ang kaliwang mata ni kiko na halos malurat ang
kanyang mata sa sinapit nito, pumutok din ang labi nito at may dugo na rin na lumabas sa
kanyang tainga. Kinaumagahan ng gumising si kiko na nakapilipit sa sakit ng katawan ay
hinananap nito ang kanyang ina, subalit hindi nya ito makita kaya’t napaluhod na lamang sya sa
iyak dahil tuluyan na ngang lumayas ang kanilang ina at iniwan pa ang kanyang kapatid. Masakit
at labag man sa loob ni kiko ang pag alis ng kanyang ina ay pinilit nya paring magpakatatag para
sa kanyang kapatid. Nag doble kayod si kiko at huminto narin ito sa kanyang pag aaral, umi-
extra sya sa umaga bilang kargador at sa hapon naman ay tumutulong syang mag karga ng tubig
sa labasan upang makalikom ng perang pangkain nila.

Isang gabi, ng makauwi si kiko sa kanilang bahay bitbit ang isang kilong bigas at
dalawang sardinas ay tamang tama na wala pa ang kanyang ama, tanging kapatid nya lamang
ang naabutan nya ritong nakahiga. Nagluto si kiko ng kanilang pang hapunan at pagkatapos nito
ay kumain sila ng kanyang kapatid, matapos nilang kumain ay nag punta si kiko sa kanyang
laruang robot at tinignan ito, makalipas ang ilang minuto ay dumating din ang kanyang ama na
lasing. Galit na galit ang kanilang ama sapagkat kaunti nalang ang natirang pagkain nito. Nang
makita nito si kiko ay agad nitong dinampot at kinaladkad palabas ng bahay pinagsisipa
hanggang manghina, sa hindi inaasahan ay biglang gumalaw ang robot na may hawak na
patalim at pinagsasaksak si mang kulas na syang nagdala sa kamatayan nito. Nanigas si kiko sa
nakitang trahedya kaya’t hindi nya namalayan ang pagdating ng mga kapulisan at ambulansya.
Dinampot ang kaawa awang batang si kiko at dinala sa prisinto sa pagkakasalang pagpatay sa
kanyang ama. Pilit mang depensahan ni kiko ang kanyang ka inosentihan ay hindi ito
pinaniwalaan sapagkat sya lamang ang nandoon sa pinangyarihan ng krimen dinala rin siya sa
psychiatrist dahil sa mga sinasabi nitong hindi kapani-paniwala na robot ang pumatay sa
kanyang ama. Ngunit dahil sa murang edad pa lamang si kiko ay hindi sya nakulong sa halip ay
dinala sya sa pangangalaga ng DSWD.

Hindi mawari sa isip ni kiko ang kanyang naiwang kapatid ngunit malakas din ang kutob
nito na kinuha na ito ng kanilang ina. Makalipas ang pitong taon ay nakalabas sya sa
pangangalaga ng DSWD at agad nyang binalikan ang kanilang bahay. Nang buksan nya ang pinto
ng kanilang bahay ay nakaamoy sya ng mabaho siguro dahil sa katagalan na rin ng kanilang
bahay na walang may naglilinis ngunit ng ibaling nya ang kanyang mga mata sa ibang sulok ng
kanilang bahay ay bumungad sa kanya ang kanyang laruang robot kaya’t ito’y kanyang nilapitan.
Napansin ni kiko ang polseras sa kanang kamay ng robot dahil sa pamilyar ito, kaya’t binuksan
ni kiko ang mascara sa ulo ng robot at nakita ang isang bungo. Bumagsak si kiko sa lupa dahil
nanghina ang kanyang buong katawan ng makita ang mga buto at bungo ng kanyang kapatid sa
loob ng robot. Ang polseras ng kapatid nya ang nagpapatunay na sya ang nasa loob ng robot.
Humagolgol sa iyak si kiko ng naisip na ang kapatid nya pala ang nagtanggol sa kanya at
pumatay sa kanilang ama soot ang laruang robot at namatay ito sa kakahintay sa kanyang
pagbalik.

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

LARUANG ROBOT ni Bb. Ana J. Cuenca BSED-FILIPINO III

I. PAMAGAT
Pinamagatan itong Laruang Robot sapagkat ang robot ang nagbigay ng nakamamanghang
pangyayari sa kwento na naging sanhi ng pagkawasak ng puso ng batang si kiko.

II. Teoryang Pampanitikan

A. Teoryang Romantisismo.

Makikita sa kwentong ito ang teoryang ito sapagkat lubos at di matatawaran ang
pagmamahal ni Kiko sa kanyang pamilya kahit na ito'y nakararanas ng pagmamalupit ng ama,
ngunit hindi parin ito naging daan upang hindi igalang at mahalin ni kiko ang kanyang ama.

B. Teoryang Realismo.

Sa panahon ngayon maraming tao at mga kabataan ang nakakaranas din nito, ang paghihirap
at pagmamalupit ng mga magulang. Maraming mga kabataan ang pinagkaitan ng maganda at
maayos na pamumuhay, sa katunayan kahit saan sa ating lipunan ay maraming batang palaboy-
laboy sa daan, nanglilimos at hindi na nag-aaral dahil sa kahirapan at maging na sa kapabayaan
ng kanilang mga magulang.

III. Tagpuan

Kung mapapansin ay umiikot lamang sa bahay at kalsada ang tagpuan ng kwento sa lungsod
ng Maynila sa bayan ng Nueva Vizcaya na kung saan dito mapapansin ang mga naging
karanasan at pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ni kiko.

IV. Mga Tauhan

A. Pangunahing Tauhan

Ang protagonista sa kwento ay ang batang si kiko, sya ay isang mabait, masipag, maalaga at
mapagmahal na anak at kapatid. Bata pa lamang ay namulat na sya sa karahasan at kahirapan
na kung saan ito'y nagdulot sa kanya ng labis na paghihirap at paghihinagpis.
B. Katunggaling Tauhan

Kung mapapansin ay walang katunggaling tauhan na makikita sa kwento.

C. Katulong na Tauhan

Ang nagsilbing katulong na tauhan ay ang Ama, Ina, at kapatid ni Kiko.

 Si Mang kulas, ang ama ni Kiko na syang nagparanas ng maagang karahasan sa


buhay ni kiko, sya ang nagparanas ng kalupitan at kawalang awang ama sa kanyang
mga anak at lalo na sa asawa.
 Si Aling Cora, ang ina ni Kiko na isa ring masipag na ina at asawa ngunit lagi
ringbinubugbog ng asawa na naging sanhi ng pag-alis nito at pag-iwan sa kanyang
pamilya.
 Si pako, ang kapatid ni Kiko na sakitin at naging isa sa dahilan ng pagkamatay ng
ama.
 Ang laruang robot na nagsilbing laruan ng magkapatid at naging sanhi rin ng
pagkamatay ng haligi ng tahanan.

V. Banghay ng Maikling Kwento

A. Simula

Si kiko ay nag-aaral at sa kabilang banda rin ay naglalako ng maruya upang makatulong sa ina
nito sa pagtustus ng pang araw-araw na gastusin ng pamilya at upang makatulong din sa
pagsusustento sa sakiting kapatid nito.

B. Saglit na kasiglahan

Ang saglit na kasiglahan sa kwentong ito ay ang pagbigay ng laruang robot na kasing laki ng
sampung taong gulang na bata ng isang mabuting tao bilang kapalit ng kabaitan ni Kiko.
C. Suliranin

Nangyari ang suliranin ng kwento sa pagkuha ng mga paninda at pera ni kiko ng ibang bata sa
kalsada at ang pag-alis at pag-iwan sa kanila ng kanilang ina sa kadahilanang hindi na matiis ang
pagmamalupit ng kanyang ama.

D. Kasukdulan

Naganap ang kasukdulan ng kwento nang patayin ng laruang robot ang ama ng tahanan na
siyang dahilan ng pagdakip kay kiko at pagdala sa kanya sa DSWD sa paratang na sya ang
pumaslang sa kanyang ama.

E. Kakalasan o Realisasyon

Bilang kakalasan ng kwento ay nalaman ni Kiko na ang kapatid nya palang si pako ang
pumasok sa laruang robot at naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama.

F. Wakas

Bilang wakas ng kwento ay namatay ang kapatid nitong si pako sa paghihintay ng pagbabalik
ng nakakatandang kapatid.

VI. Tunggalian

A. Tao laban sa sarili

Pinakakita ang tunggalian ng tao laban sa sarili sapagkat kahit anong sama at hirap ng buhay
ni Kiko ay pinili nya parin ang tamang pag-uugali, kahit na labis-labis na ang pagmamalupit sa
kanya ng ama ay ni minsan hindi sya nag-isip ng masama rito. At kahit anong hirap ng kanilang
sitwasyon sa kanilang buhay ay hindi sya nag dadalawang isip na tumulong sa kanyang pamilya
o maging sa iba kahit sa mura nyang edad.

VII. Mga bisa ng Akda


A. Bisa sa damdamin

Lubha ang aking awa sa kalagayan ng batang si kiko sapagkat sa mura nyang edad ay
naranasan na niya ang pait ng buhay. Ngunit hindi parin ito naging daan upang tahakin nya ang
masamang landas. Kaya't nagpapasalamat ako na sa panahon ngayon mayroon ng mga
programa ang gobyerno para sagipin at tulungan ang mga batang kagaya ni Kiko na pinagkaitan
ng magandang buhay.

B. Bisa sa asal

Labis akong namangha sa batang si Kiko na naging mabuti paring anak at kapatid kahit na
dama nya ang labis na kalupitan ng mundo. Kaya't sana maging pareho tayo kay kiko na
matapang at isang huwarang anak at kapatid. Na kahit anong sama ng tadhana sa atin ay
matuto tayong pairalin ang kabutihan sa ating mga puso. Dahil ang magandang pag-uugali ay
may magandang handog mula sa kabutihan ng panginoon.

C. Bisa sa isip

Sa kwentong ito ay nahinuha ko na hindi madali ang buhay na pinagdadaanan ng batang si


Kiko. Kaya't masasabi kung ma swerte ako sa aking buhay ngayon, hindi man mayaman ngunit
may pamilyang handang tumulong sa akin sa tuwing ako'y nasa alanganin. May mga magulang
na nagmamahal, nag-aalaga at gumagabay. Kaya't sana matuto tayong magpasalamat sa buhay
na mayroon tayo ngayon dahil tulad ng batang si kiko ay hindi nya naranasan ang swerteng
nararanasan natin ngayon sa ating buhay. Matuto tayong magpasalamat sa panginoon at
tumulong sa ating kapwa.

VIII. Buod

Si Kiko ay isang batang masipag, maalaga at mapagmahal, sinasabay nya sa kanyang pag-aaral
ang paglalako ng kanyang paninda. Araw-araw nakakaranas ng pagmamalupit ang bata sa
kanyang batugan, pala-sugal at malupit na ama. Binubugbog sya nito sa tuwing wala itong
maiuwing pera o pagkain. Kung kaya't pati ang kanyang ina ay hindi na rin makatiis sa kalupitan
ng asawa kaya't nagdesisyon itong iwan ang pamilya at doon na nag umpisa ang matinding
kalbaryong pinagdadaanan ng batang si kiko sapagkat isa nalang syang tumataguyod sa pamilya
lalo na sa pag aalaga sa sakiting kapatid nito. Sa isang pangyayaring hindi inaasahan ni Kiko ay
noong umuwi ang kanyang ama sa kanilang bahay na lasing na lasing at galit na galit. Habang
pinagbubugbog sya nito ay laking gulat nya na biglang lumabas ang laruang robot at sinugod
ang ama at pinagsasaksak ito hanggang sa malagutan ng hininga. Kung kaya't dinakip ng mga
pulis si Kiko sa pag aakalang sya ang pumaslang sa ama ngunit dahil sa mura nyang edad ay
dinala na lamang sya sa pangangalaga ng DSWD. Makalipas ang ilang taon ay umuwi si kiko sa
kanilang tahanan at doon nya nalaman na ang kapatid nya palang si pako ang nagsuot sa damit
ng laruang robot at ang pumaslang sa ama nila ngunit sya namang namatay sa paghihintay ng
pagbabalik ng nakatatandang kapatid nito.

You might also like