Iutgyutgiuiu

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mga Konseptong Pangwika

Wika
Sa pagkilala pa sa kahulugan ng wika, karaniwang maibibigay ang depinisyong inilahad ni
Henry Gleason.
Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Mga Katangian ng Wika

1. May sistema ng mga tuntunin.

Pansinin ang mga pahayag sa ibaba.


Dinala nang patago sa Senado ang akusado.
Dinala sa patago ang Senado sa akusado.
May kakayahang ayusin ng taong gumagamit ng wika ang kanyang pagpapahayag kahit
gamit ang sub-malay na akwisisyon. Ito ay dahil sa ang wika ay nagtataglay ng sistema ng
mga tuntunin.
Ang wika bago pa maging bahagi ng pakikipagtalastasan ay nabuo muna bilang isang
tunog. Sa pagsasama-sama ng tunog, makalilikha ng mga panlapi, salitang-ugat hanggang sa
maging ganap na salita. Ang mga salita'y magiging pangungusap na magagamit sa
komunikasyon. Kapag nagkaroon ng palitan ng pangungusap, naisasakatuparan ang diskurso.

2. May sistemang arbitraryong-simbolo.

Ang mga wikang napagkakasunduan ay may taglay na konsept0ng kinakatawan ng mga


simbolong rumerehistro sa isip ng mga gumagamit nito.
May kumakatawan sa bagay (papel, pagkain, pera), sa ideya (pag-ibig, katotohanan,
katapatan) at sa function/pangkayarian (ni, si, ng, dahil).
Sa usapin ng napagkakasunduang kultura, iba-iba ang imahen at kaisipang malilikha kung
mababanggit ang mga salitang bahay (Filipino), casa (Kastila) at house (Ingles).
Ang Filipino rin ay onomatopoeic. Sa simbolong kumakatawan sa wika, taglay nito ang
tunog o paghihimig. Maibibilang na halimbawa ang lagaslas, kumakaripas, palakpak at iba
pa.

3. Malikhain ang wika.

Malinaw na makikita ang pagiging malikhain ng wika sa neolohismo. Ang neolohismo ay


paglikha ng mga salita.
Sa paglikhang iło makikita ang iba't ibang baryasyon ng Wika.

Baryasyon ng Wikang Filipino


Kombinasyon ng mga pantig o kaya ay salita
banyuhay (bagong anyo ng buhay)
blog (web log)
dalubwika (dalubhasa sa Wika)
AIDub
JaDine

Akronim
FB (Facebook)
OL (on-line)

Pag-uulit
Paulit-ulit? Paulit-ulit?
'wag maingay! Quiet!

Panghihiram at pagpapaikli

apir (up here)


spag (spaghetti)
imba (imbalance sa isang laro sa kompyuter)

Panghihiram at pagbibigay ng bagong kahu/ugan

salvage (sa kultura ng bansa ay patayin)


trapik (sa kultura ng bansa ay mabagal na paggalaw ng anumang transportasyon
carro/karo (sa kultura ng bansa ay sasakyang gamit sa paghahatid ng patay sa huling
hantungan)
Sampol! Sampol! (paghiling na magpakita ng nakaaaliw na presentasyon)

Pagbibigay ng bagong kahulugan

tulak (nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot)


hataw (mahusay sumayaw)

Pagbaliktad
astig
dabarkads

Paglalapi
mag-textan (resiprokal na palitan ng mensahe gamit ang cellphone)
mag-Tweet (gumawa ng mensaheng mababasa ng mga follower)
Paggamit ng pangalan (eponyms)
Noranian
Rizalista

Paggamit ng ngalan ng produkto

Colgate (ginagamit para katawanin ang lahat ng uri ng toothpaste)


Pampers (ginagamit para katawanin ang pangkalahatang tawag sa diaper sa usapang sari-
sari store)

Paggamit ng ngalan/pamagat ng programang pangmidya

i-YouTube (hanapin o ilagay ang video)


i-Google (hanapin ang sinasaliksik) pang-Maalaala (madrama ang buhay) pang-Showtime
(may talentong kakaiba)

4. Nagbabago ang wika.

Malaki ang gampanin ng tao upang manatiling buhay at dinamiko ang wika. Malaki rin ang
gampanin ng nagpapabago-bagong teknolohiya sa dibersidad ng wika. Bahagi na ng diskurso
ang mga sumusunod na ilang halimbawa: i-twit, unli, wifi, pa-load, blog at iba pa.
Patuloy ang pagbabago ng wika. Hangga't may gawain ang tao ginawa, ginagawa at
gagawin, nagiging hudyat ito ng walang katapusang buhos ng modipikasyon ng wika.

Nagiging midyum ang panghihiram ng wika para magkaroon ng bagong kahulugan.

• querida (pinakamamahal na babae) - kerida (ibapangpinakamamahal)


• boundary (limitasyon) - bawnderi (ang dapat na kitain sa pamamasada)

5. Ito ay makapangyarihang midyum sa komunikasyon.

Ang anumang uri ng komunikasyong berbal ay ginagamitan ng wika. Kaugnay nito ang
mga kasanayang reseptibo (pakikinig, panonood at pagbasa) at produktibo (pagsasalita at
pagsulat).

Ang wika ay nakapaghahatid ng iba't ibang emosyon, positibo man o negatibo.


Napagagalaw nito ang isip, napasisigaw nito ang puso at napasusunod nito ang tao.

You might also like