Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang mga Katutubong Wika sa Maka-

Pilipinong Bayanihan Kontra Pandemya

Tila ba sinusubok tayo ng panahon

Sa epidemyang kinakaharap paano tayo makakaahon

Apektado ang kabuhayan pati ang buong nayon

Marami ay nawalan, marami ay nagugutom

Tayo ngayon ay nabigyan ng kaliwanagan

Sa sakit na ito'y walang mahirap o mayaman

Kung susuriin may mabuting naidulot din naman

Mahabang panahon, oras sa pamilya ay nailaan

luminis ang hangin, at polusyon ay nabawasan

Sana ito'y magwakas na at sa ati’y magsilbing aral

Ingatan ang kalusugan at sumunod sa pinagbabawal

Ang tanging gamot ay disiplina dapat lagi ay umiiral

At taimtim na Panalangin sa ating Diyos na Maykapal

You might also like