Thankful

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Intro: Bakit ba tayo nagpapasalamat?

Ano ba ang definition ng thank you?

Transition to text: Natanong ko to kasi may nabasa kong lyrics ng kanta kung saan
nagpapasalamat yung composer. Nakita ko to sa Psalm 100:4-5

It says:

4 Enter his gates with thanksgiving


and his courts with praise;
give thanks to him and praise his name.
5 For the Lord is good and his love endures forever;
his faithfulness continues through all generations.

Napansin ko dito na nagpapasalamat tong composer na to kay Lord.

And i realized na maraming times pala sa buhay ko na masyado kong naging mareklamo
without realizing na marami pala kong dapat ipagpasalamat kay Lord.

I think the problem is for a lot of people is, hindi nila kilala kung sino si Lord
at kung ano ang mga nagawa niya sa buhay nila kaya hindi sila thankful.

Ikaw ba? Kilala mo ba si Lord at malinaw ba sayo ang mga nagawa niya sa buhay mo?
Thankful ka ba kay lord or isa ka din sa mga tao na nakalimot magpasalamat?

I think the big idea of this song is:

"We should be thankful because God is good, his love endures forever, and His
faithfulness is never ending."

Now the question is, anu ba ang dahilan nitong composer na to kung bakit siya
punung puno ng pasasalamat kay Lord?

Ano ba ang gusto sating ituro ni Lord from this song?

First, i think God wants you to learn that:

1. because God is Good then You should be thankful

Let me read the verse again,

4 Enter his gates with thanksgiving


and his courts with praise;
give thanks to him and praise his name.
5 For the Lord is good

The question now is, bakit mabuti ang Diyos?

Explain:
a. We were given value - Jesus Died for us to save us

Imagine kung evil ang diyos, baka pinaglalaruan lang tayo na parang mga langgam,
pag ganun you would wish na sana ndi ka na lang nilikha.

Dahil binigyan tayo ng halaga ng Diyos masasabi natin na napakabuti niya, at yun
ang magandang dahilan kung bakit dapat thankful tayo

b. We were given free will


Imagine kung robot ka lang at puppet ka lang, biro mo kinontrol ka para gumawa ng
kasalanan tapos paparusahan ka forever

Ndi mo talaga nagagawa ang gusto mong gawin. Naka programmed ka to do or say
things. To think like you think.

dahil sa binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan para magisip, magdesisyon, at


kakayahang magmahal, masasabi natin na napakabuti niya, at yun ang magandang
dahilan kung bakit dapat thankful tayo

c. He provides your needs

Imagine mo kung ang diyos mo natutulog at walang pakelam sayo.

pero dahil sa binibigay niya ung needs mo, dumadating siya sa oras na kelangan mo
ng tulong pag nahihirapan ka, sumasagot siya sa mga panalangin mo, binibigyan ka
niya ng lakas pag nanghihina ka, iniingatan ka niya sa kapahamakan; masasabi natin
na napakabuti niya, at yun ang magandang dahilan kung bakit dapat thankful ka.

Story: Thankful ako sa ate ko. Ever since siya na nag alaga sakin. Ndi siya
nakapagasawa ako na talaga yung naging pamilya niya. Siya yung nagprovide para
sakin. Binigyan niya ko ng freedom na piliin kung anong gsto kong gawin sa buhay.
At obvious naman na mahalagang mahalaga ako para sa kanya.

Similarly, yung gumawa ng kanta na to ay punung puno ng pasasalamat dahil sa


malinaw sa kanya na napakabuti ng Diyos.

Application:

Pero ano ang gustong ituro satin ni Lord dito?

Na dapat pagaralan mo na magkaroon ng puso na mapagpasalamat.

Dapat pasalamatan mo si Lord kasi pinahalagahan ka niya.

Pasalamatan mo si Lord sa kalayaan na binigay niya sayo. At gamitin mo yung


kalayaan mo na yun para gawin mo yung mabubuting bagay na gusto niyang ipagawa
sayo.

Pasalamatan mo si Lord kasi palagi siyang nagpoprovide ng needs mo at ng family mo.


Na iniingatan ka niya. Pinapalakas ka niya.

Always remind yourself na, because God is Good then you should be thankful

Transition: Now, yung gumawa ng kanta na to hindi niya lang sinabi na magpasalamat
dahil sa mabuti ang Diyos. Sinabi rin niya na magpasalamat tayo

2. Because God's Love endures forever then You should be thankful

in verse 5 its says: For the Lord is good and his love endures forever

In other words, Never ending ang pagmamahal sayo ni Lord.

Pag never ending. Hindi mo yun mapipigilan.

At pag sinabing His love endures, kaya niyang magtiis at magantay na mahalin mo din
siya. Na kahit na nagkukulang ka at sinasaktan mo na siya hindi nagbabago ang
pagmamahal niya sayo. Kasi unconditional siya magmahal.
Illustration: Romans 5:8

Minahal ka ni lord ndi dahil deserving ka mahalin. Actually, ang sabi nga dito
diba, makasalanan ka pero minahal ka niya. Ganun siya kabuti sayo.

Application:
Ano naman ang gustong ituro satin dito ni Lord?

Kahit na sobrang layo mo na kay Lord at kahit na andami mo nang nagawang kasalanan
sa kanya, gusto niyang isipin mo na mahal na mahal ka pa din niya. Yes ndi niya
gusto yung mga nagagawa mong mali. Pero andito pa din siya nagaantay siya sayo na
lumapit sa kanya at pag narealize mo na oo nga nagkamali nga ako at malaki ang
naging kasalanan ko kay Lord at naisipan mong humingi ng tawad sa kanya, Handang
handa siya na patawarin ka at bigyan ka ng bagong buhay.

Maging thankful ka kasi pag sa tao ka naghanap ng pagmamahal, may limitasyon yun
pero kay Lord binibigay niya sayo yun limitless at never ending. Maging thankful ka
kasi pag sa tao ka naghanap ng pagmamahal masasaktan ka lang kasi pag nanlamig sila
sayo wala ka nang matatanggap mula sa kanila. Pero sa Diyos hinding hindi siya
manlalamig sa pagibig niya sayo.

Always remind yourself na, because God's love for you endures forever then you
should be thankful.

Yung writer ng awit na to hindi lang siya thankful dahil God is good, hindi lang
siya thankful dahil God's love endures forever,

Thankful din siya

3. Because God's faithfulness is never ending


then You should be thankful

Lets read the verses again:

4 Enter his gates with thanksgiving


and his courts with praise;
give thanks to him and praise his name.
5 For the Lord is good and his love endures forever;
his faithfulness continues through all generations.

Explain: Ang sabi dun "his faithfulness continues through all generations" in other
words ang katapatan ng Diyos ay hindi nagmamaliw. Faithful siya forever sayo.

When we talk about the word faithfulness, it talks about commitment.


It talks about a relationship.

Which means dapat magpasalamat ka dahil si Lord never ka niyang iiwanan kahit na
ilang beses mo na siyang iniwanan.

Si lord never ka niyang kakalimutan kahit na ilang beses mo na siyang nakalimutan.

Sa tao masasaktan ka kasi ibinigay mo yung pagmamahal mo tapos yun pala may mahal
palang iba, pero kay lord pag minahal ka niya hindi na magbabago yun. Faithful siya
sayo forevermore.

Sa tao pag may pinangako sayo, kadalasan napapako, nadidisappoint ka, nasasaktan
ka,
Pero kay lord pag nangako siya sayo hinding hindi yan mapapako. Hinding hindi yan
mababago.

Pag sa tao pag nagkulang ka, pag nagkamali ka, tapos na kayo. Break na kayo.

Pero kay Lord, ilang beses mo na siyang nasaktan, ilang beses ka nang nagkulang
pero tapat pa rin siya sayo. Bakit?

Dahil ang faithfulness niya ay hindi nakabase sa faithfulness mo. Sadyang faithful
lang siya at walang makakapagpabago nun.

And that is why you should be thankful.

Illustration: I remember one time, nagsusulat ako sa whiteboard ko. Nag be-
brainstorm ako ng ideas ko. Tapos nung napuno na siya gusto ko siyang burahin para
makapag lagay ako ng bago. To my surprise, hindi ko siya mabura kahit anong gawin
ko. Yun pala pagtingin ko dun sa marker ko, Permanent marker pala.

Alam mo ba na ang faithfulness ni lord sayo parang permanent marker na sa buhay mo?
Kahit na anong gawin mo ndi mo yun mabubura, Bakit?
Kasi wala kang kakayahang gawin yun dahil bahagi na yun ng kanyang kalikasan kaya
kahit siya mismo, hindi niya kayang gawing burahin ang katapatan niya sayo dahil
hindi niya kayang burahin ang sarili niya. Dahil siya ang Diyos ng pagibig. Siya
ang Diyos ng katapatan.

and because Gods' faithfulness is never ending then you should be thankful

Application:

So ano ang gustong ituro satin dito ni Lord?

Magpasalamat ka sa lahat ng oras kasi alam mo na tapat yung nangako sayo na hindi
ka niya pababayaan at hindi ka niya iiwan.

Be thankful kasi ang faithfulness sayo ni Lord ndi nakabase sa mga performance mo
na kung nagkasala ka at nagkulang ka titigil na siyang maging faithful.
Magpasalamat ka kasi ang dakilang katapatan niya para sayo ay laging bago araw
araw. Permanent na to kahit anong mangyare hindi mo na to mababago. Hindi mo na to
mabubura.

Conclusion:

Kaya pala naguumapaw yung pagpapasalamat nung gumawa ng kanta na to.

Bakit?

Because he understood that:

God is Good

God's Love endures forever

God's faithfulness is never ending

Imagine one day, katulad ka din ng song writer na to

Punung puno ka din ng pasasalamat sa puso mo kasi unti unti mong narerealize kung
gaano kabuti ang Diyos sa buhay mo.
Napapakanta ka na lang ng pasasalamat kasi alam na alam mo na mahal na mahal ka ni
Lord.

Imagine mo one day kung saan punung puno ka din ng pasasalamat sa puso mo kasi ikaw
mismo nararanasan mo ang Faithfulness niya sa buhay mo.

I want you to remember this:

"Thankfulness happens, when knowing God begins"

Prayer:

Lord thank you kasi nakilala namin kayo. Thank you lord kasi mahal na mahal mo
kami. Thank you lord kasi kahit na nagkukulang kami sayo, andyan ka pa din faithful
ka pa din sa amin, nagpoprovide ka pa din sa amin. Iniingatan mo pa rin kami.
Minamahal mo kami.

Sorry lord kasi ang tagal na pala naming ndi napansin kung gaano mo kami kamahal.

Sorry lord kung ang daming times imbis na magpasalamat kami sayo puro reklamo pa
ang ginagawa namin.

Sorry lord kung ndi namin na appreciate yung mga nagawa mo para sa amin.

Turuan mo kaming magpasalamat sayo araw araw. Tulungan mo kaming makilala ka pa ng


lubos para makita namin lalo ang kabutihan mo sa buhay namin.

Salamat po Ama. In jesus name. Amen.

You might also like