WALANG SUGAT Ni Severino Reyes

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

WALANG SUGAT

Ni Severino Reyes

Magkasintahan sina Julia at Tenyong. Si kapitan Inggo, ang ama ni Tenyong ay


ipiniit at pinarudsahan ng mga Kastila. Wala nang laman ang dalawang pigi ng kahabag-
habag dahil sa kapapalo at ang dalawang braso'y litaw na ang buto dahil sa nagitgit na
pagkakagapos. Siya'y pinapalo araw-araw, ibinibilad at binubuhusan ng tubig sa ilong.
Ang lahat ay utos ng prayle.

Dinalaw ni Tenyong at ng kanyang ina na si kapitan Inggo at nakita nila ang


kahambalhambal na kalagayan ng matanda. Namatay si kapitan Inggo. Nag-alab ang poot
ni Tenyong at isinumpa niyang siya'y maghihiganti.

Nagtatag si Tenyong ng isang hukbo. Sila'y naghanda noon sa pagsalakay nang


matanggap niya ang isang liham buhat kay Julia. Ito'y dala ni Lucas. Isinasaad sa sulat na
ang Ina ni Tenyong, si Aling Putin ay binawian ng buhay noon ding araw na umalis si
Tenyong. Ang isa pang ibinalita ni Julia ay ang nalalapit nilang kasal ni Miguel, anak ni
Mang Tadeo. Si Julia'y ipinagkasundo kay Miguel. Humihingi ng tulong si Julia, kay
Tenyong upang huwag matuloy ang kasal.

Naghihinagpis si Tenyong nang dumating ang kanilang Heneral. Itinanong sa


kanya ang dahilan ng kanyang kalungkutan. Ipinagtapat ni Tenyong ang dalawang
kasawian niya sa buhay. Nahahabag na nakikiramay ang Heneral sa pagkamatay ng ina ng
binata at pinangakuan niya si Tenyong na tutulungan sa paglutas ng sulirani nito kay Julia.

Inihanda na ang lahat para sa kasal nina Miguel at Julia. Si Padre Teban ang
magkakasal sa dalawa. Sisimulan na ng pari ang seremonya nang walang anu-ano;y
ipinasok ang sugatan at nag-aagaw buhay na si Tenyong. Hiniling ng binata na sila'y
makasal ni Julia, siya nama'y mamamatay na.

Pumayag naman si Miguel na ikasal sina Tenyong at Julia upang bigyan ang
kahilingan ng isang mamamatay. Si Julia nama'y magiging balo lamang sa turing. Ang
Heneral ang tumayong padrino ni Tenyong.

Ikinasal ni Padre Teban sina Tenyong at Julia. Nang matapos ang kasal ay
nagsalita ang Heneral, "Bumangon ka, Kapitan, Tenyong at ako'y nakatupad na sa aking
pangako"/ Biglang bumangon si Tenyong at napasigaw si Miguel ng "WALANG
SUGAT"! Napasigaw ang lahat sa simbahan ng "WALANG SUGAT"!

You might also like