Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
PERPETUAL SUCCOUR ACADEMY, INC.

Edukasyon sa pagpapahalaga
st
1 Quarter Week 6-7

I. MELC COMPETENCY CODE

(EsP7PS-Ie-3.1);
1. Natutukoy ang kaugnayan sa
pagpapaunlad ng hilig sa pagpili
ng kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.

2. Nasusuri ang sariling hilig ayon


sa larangan at tuon nito.

II. OBJECTIVES

III. SUBJECT MATTER

Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng Kursong


Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo
IV. PROCEDURE
A. READINGS

tingnan mo ang mga larawan at


Ngayon, nabuo mo ns ang mga hinihinging kasagutan sa puzzle,
basahin ang kanilang pag-uusap ukol sa mga kurso o bokasyon na gusto nila.

Ako ay magiging pulis!


Ako ay mekaniko Magsisilbi ako sa bayan
balang araw! at poprotektahan ko ang
mga mamamayan. Ako ay titser!
Tapos magtatayo
Gusto ko talagang
ako ng talyer.
magturo sa mga
Hilig ko talaga
kabataan.
ang lahat ng
bagay tungkol sa
sasakyan. Ako naman ay
Ako ay magtatayo ng animation artist!
restaurant! Magaling ‘Yan ang demand
yata ako sa ngayon.
pagluluto.
Sa pagtatakda ng mithiin mahalagang isaalang -alang ang mga pamantayan sa pagbuo ng
mahusay na mithiin.
1. Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na
gagawin. Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihing “Nais kong maging isang doktor”,
kundi, “Tatapusin ko ang mga pangangailangan sa pag-aaral para sa kursong
medisina”.

2. Kung masusukat ang mithiin, masubaybayan natin ang ating pagsulong sa pagkakamit
ng mithiin at matutukoy kung kailan ito makakamit.

Halimbawa: Kung alam natin ang mga pangangailangan sa kursong medisina,


malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo at ang kailangan pang tapusin.
3. Ang pagkuha sa kursong medisina ay mahirap kung kapos sa pera ang pamilya kaya
kinakailangang maghanapbuhay upang suportahan ang sariling pag-aaral.
4. Dapat mangingibabaw ang sariling kakayahan at interes sa pagpili ng kurso na hindi
naiimpluwensyahan ng iba.
5. Maglaan ng sapat na oras sa pag-aaral upang makamit ang mithiin sa buhay.

B. EXERCISE 1
Panuto: SINGLE CHOICE

1. Ang mahusay na mithiin ay nangangailangan ng ___.


a. ibabatay sa hilig mo
b. tiyak na hakbang na gagawin
c. mahabang panahong ilalaan upang makamit ito
d. tamang panahon upang ito’y maisasakatuparan
2. Kung nais mong makamit ang minimithi sa buhay, hindi sapat na sasabihin mong gusto kong maging
isang doktor kundi ___.
a. mag-aaral akong mabuti
b. makikiisa ako sa mga gawaing pampaaralan
c. tatapusin ko ang mga pangangailangan sa pag-aaral
d. iiwas ako sa mga barkada upang mapagtuonan ng pansin ang pag-aaral

3. Kung nasusukat lamang ang mithiin sana ay ___.


a. makatapos tayong lahat sa pag-aaral
b. walang naghihirap sa kasalukuyan
c. hindi tayo naiimpluwensiyahan ng ating barkada
d. nasusubaybayan natin ang ating pagtamo sa pangarap
4. Bawat kurso o propesyon na gusto mo ay may mga pangangailangan kaya kailangang ___.
a. handa ka sa pag-aaral
b. mapera ang mga magulang
c. mag-aaral at magsisikap kang mabuti
d. malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan pang tapusin
5. Ang pagtamo ng mithiin ay magiging makabuluhan kung ___.
a. ito’y naisasakatuparan
b. pinagsisikapang marating
c. hindi nararating ang pinapangarap
d. nangangailangan ito ng pinakamatayog na kakayahan
6. Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pagtatapos ng kurso maliban sa ___.
a. suporta ng magulang
b. pag-aaral nang mabuti
c. pagtitiwala sa sarili na makakaya ang pag-aaral
d. pagsasama sa barkada at pagwawaldas ng pera
7. Ang mithiing iyong inakalang makapagbigay ng kasiyahan ay hindi maisakatuparan kung ___.
a. madalas lumiban sa klase
b. hindi ka nakapag-aral ng iyong leksyon
c. naiimpluwensyahan ka ng mga barkadang hindi nag-aaral
d. lahat ng nabanggit
8. Kinakailangang maglaan kayo ng takdang panahon sa pagkamit ng minimithi sa buhay upang ___.
a. makamit ang pangarap
b. hindi magagalit ang mga magulang
c. hindi masasayang ang iyong pagsusumikap
d. lahat ng nabanggit

9. Sa pagpili ng kursong iyong kukunin kailangang ___.


a. ikaw ang magdedesisyon
b. ibang tao ang masusunod
c. magulang ang magdedesisyon
d. pagkasunduan ng anak at magulang
10. Kung mahina ka sa larangan ng Matematika, ang nararapat gawin ay ___
a. hihinto sa pag-aaral
b. pagtitiyagaan ang asignatura
c. pababayaan ang asignaturang Matematika
d. magpapatulong sa kamag-aral na bihasa sa Matematika
11. Sa pagpili ng kursong kukunin, kailangang isaalang-alang din ang ___.
a. sariling kakayahan
b. naging hiling mo sa iyong buhay
c. katayuan sa buhay ng mga magulang
d. lahat ng nabanggit
12. Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pagpapaunlad at pagkamit ng mithiin maliban sa ___.
a. pagtitiyaga
b. pagpupunyagi
c. kababaang-loob
d. pagwawalang-bahala
13. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng iyong pangarap sa buhay, nararapat lamang na ___.
a. magpabaya sa pag-aaral
b. magsisikap at magtitiyaga sa pag-aaral
c. magdepende sa sasabihin ng magulang
d. magtatrabaho upang makatulong sa mga magulang
14. Sa pagpili ng kursong kukunin, titiyaking ____.
a. nababatay ito sa iyong kagustuhan
b. kakayanin mo ang mga pangangailangan
c. ang iyong pinili ay magdudulot sa inyo ng kaligayahan
d. lahat ng nabanggit.
15. Sa mga pagkakataong naiimpluwensiyahan ka ng iyong barkada at napahinto sa pag-aaral kailangan
lamang na ____.
A. hihinto na sa pag-aaral
B. mag-aasawa nang maaga
C. tuluyan nang magpapadala sa barkada
D. bumangon at ipagpapatuloy ang pag-aaral

ASSIGNMENT
Panuto: Kopyahin mo ang iginuhit na paa sa iyong kwaderno sa EsP. Isulat ang iyong
sagot batay sa mga bilang na nakalaan sa bawat tanong.
Mga tanong:
1. Anong kurso ang nais mong kunin?
2. Sa palagay mo, angkop ba ang kursong ito sa iyo?
3. Sapat ba ang kakayahan mo upang mapagtagumpayan ang kursong ito?
4. Sino-sino ang mga taong nakaimpluwensya sa iyo sa pagpili ng kursong ito?

1 4 4 44
2
3

Prepared by

MRS. CERINA PATRIARCA


Perpetual Succour Academy Inc.
Poblacion Dos, Malabuyoc, Cebu

You might also like