Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng pangunahing sapa sa Lingunan, Valenzuela City

Ang mga pabrika sa Valenzuela City ay walang maayos na labasan ng kanilang

dumi kaya ito ay madalas pinapadaloy sa kalapit na sapa nito. Makikita sa larawan ang

patay na kulay ng ilog, may daluyan pa ng maruming likido galing sa pabrika. Ang

maruming sapa na iyan ang posibleng magiging dahilan ng mga pagkaubos ng mga

yamang tubig sa lungsod ng Valenzuela na maaring makaapekto rin sa kabuhayan ng

mamamayang Valenzuelano.
Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng sapa sa Mapulang Lupa, Valenzuela City

Maraming sapa ang mayroon sa valenzuela ngunit iilkan na lamang ang masasbing

malinis dito. Ang larawang ito ay nagbibigay kamalayan sa mga residente na maging

responsible sa mga bagay na ginagawa nila sa kapaligiran. Isa lamang ito sa mga libo-

libong imahe na sumisimbolo sa kalagayan ng Pilipinas ngayon. Walang habas ang

pagtatapon at pagsira ng mga tao sa ating inang kalikasan. Darating ang araw na wala

ng matitira sa mga bagay na binigay ng maykapal kundi ang kanyang mga tao lamang.
Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng sapa sa Paso de Blas, Valenzuela City

Ang mga sapa sa Valenzuela ay madalas makikitang madumi, paiba-iba ang kulay

at sari-saring amoy na may halong kemikal. Sa sapang ito rin ay kalimitang may mga

puno, lumot, maitim na pader galing sa kemikal mula sa pabrika. Ang kemikal sa sapa

ay natitining sa gilid o lupa na nag-iiwan ng amoy sa mga katabing residente dito. Ito

ang isa sa mga suliranin na mahirap solusyunan dahil nakasanayan na ito, at

pinabayaan lamang.
Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng sapa sa Assumption Ville, Lingunan, Valenzuela City

Sa makitid na sapa sa larawn, kadalasan umaapaw ito tuwing tag-ulan kung saan

nakakaapekto ito sa malapit na kabahayan. Ang kemikal na nahalo sa tubig ay maaring

makaapekto sa kalusugan ng tao. Malamang hindi ito nakakamatay sa mga halaman

subalit maaring kabaliktaran naman kung dadapo ito sa balat ng tao. Ayon pa nga sa

World Health Organizatio (WHO), 75% na kadalasang sakit sa balat ay makukuha sa

kontaminadong tubig dahil ito ang kalimitang pugad ng mga mikrobyo.


Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng batang nagkaroon ng inpeksiyon ang sugat na nanirahan malapit sa


mga kontaminadong sapa

Isa sa mga nagiging epekto nito ay ang pagkakaroon ng inpeksiyon sa sugat ng

mga kalapit na residente. Sa patuloy na pagkakaroon ng maruming sapa, ang mga

residente dito ay nakakaranas ng mga sakit sa balat gaya na lamang ng nakikita sa

larawan at epekto ito ng patuloy na pagtapon ng ibat-ibang likido galing sa mga pabrika.

At kadalasan na nagkaroon ng inpeksiyon sa sugat ay mga kabataan dahil sa lakas na

kapit ng mgkahalong mikrobyo at kemikal. Kung ito ay magpapatuloy, kawawa ang mga

kabataan dahil sa mga ninanais ng mga negosyante na magpayaman at sa hangad na

umangat din ang ekonomiya ng Valenzuela City.


Paso De Blas National High School

#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City

S.Y. 2019-2020

Ito ay larawan ng isang pabrika sa Canumay West, Valenzuela City

Ang Lungsod ng Valenzuela ay tinaguriang isa sa “Queen City of Factories” sa

Metro Manila dahil sa maraming pabrika na nakatayo dito. Ngunit di maikubli na sa likod

ng maunlad na ekonomiya ay unti-unti na palang namamatay ang mag sapa sa lungsod

na ito. Patuloy na umaangat ang Valenzuela ngunit patuloy ring nakakalimutan ang

kawalang disiplina ng mga namamahala sa mga pabrika rito. Ang mga maruruming

likido na inilaalabas ng mga pabrika ay sa sapa mapupunta na tila ba araw-araw

nagiging bahaghari ang kulay ng sapa dahil sa ibat-ibang kemikal na umagos rito.

You might also like