Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Situation Analysis

Who Owns My Time?

Employers and employees have a unique relationship. The employee agrees to


provide the employer with a fair day’s work. In return, the employer agrees to provide a
fair day’s wage.
Instructions
Use the three-step checklist to determine whether or not the following situations
demonstrate ethical behaviour.
Situation 1
Eva Torres is a receptionist for Media Technologies. After the company installed
voice mail, Eva’s workload became lighter, so her supervisor assigned additional
responsibilities, including some accounting tasks. Even with these assignments, Eva is
not always busy. To fill the time, she plays computer games.

1. Is the action illegal?


 No. However, it is violating such ethical standards in the company. No
because as a receptionist, there is no need for her to create and fulfil the
responsibilities of accounting tasks, however as her supervisor advised,
then she still followed. The reason why computer games is also not illegal.
2. Does the action violate company or professional standards?
 Yes. As an employee one must be committed to the by-laws of the
company and the ethical rules and regulations running in the business.
And playing computer games is one of those that are not included to
things that can be done inside the company and during working hours. It is
considered as a behaviour that bounds of what is considered
unacceptable or unworthy of its membership by the governing body of a
profession, thus is considered as professional misconduct.
3. Who is affected and how by the action?
 The employer and her professional development. The employer/company
since the electricity bill of the company might increase for purposes that
do not include the progress and sake of the company and also the
professional development because instead of learning by her free time,
she enjoys the time into nonsensical conduct.
Repleksyong Papel
"Kung dinala ka nga ba ng kalangitan sa putikan, makaahon ka pa kaya?"
Nakakapagod, nakakapagod ang walang magawa. Ngunit hindi ito isang biro na
kailangang tawanan. Dahil tunay na nakakapagod ang tingnan ang sarili na walang
magawa para sa iba.
Kahirapan, kakulangan ng edukasyon, pagkagutom at maagang pagtatrabaho,
ilan lamang yan sa mga problemang kinahaharap ng mga katutubo nating mga
mangyan na tila na wina walang bahala at kinaliligtaan na ng lipunan. Paano nga ba
natin malalaman ang kanilang pinagadaaanan kung sa bawat balita na ating nakikita at
naririnig ay hindi sila kasama na tila ba, ay hindi sila kailanman naliligaw sa ating bayan.
Ano nga ba ang kanilang buhay? Paano nga ba nila naitatawid ang kahirapan? Gaano
nga ba ito kaiba sa atin?
Masasalamin sa bidyong napanood ang isang uri ng pamumuhay na walang
kahit na sinoman ang nangarap na magkaroon. Isang buhay na hindi laman ng
panaginip bagkus ay mistulang bangungot sa mga taong nakaaangat sa buhay. Hindi
ba't ang mahihinuha mula sa ating nakita ay isang uri ng kahirapan na ugat ng
panibagong kahirapan? Ang mga musmos na nagsisimula pa lamang na makita at
madama ang ningning ng bituin at ganda ng buhay at namumulat na sa isang iglap sa
buhay na puno ng paghihirap at pagkayod upang maitawid ang isang araw. Isang
gawain na hindi pa dapat kinahaharap ng mga kabataan na dapat ay nagliliwaliw at
nagtatampisaw pa lamang sa ilog ng kaginhawaan. Gaano nila nakakayanan na sa
paglipas ng araw ay pawang paano ang pagkain kinabukasan ang laman ng kanilang
isipan. Ang kaguatuhan nilang mag aral, magtapos, at makaangat sa kahirapan ay tila
ba isang bagay na singtaas na bituin na kahit kailan ay hindi nila maabot. Gaano kalupit
ang tadhana sa kanila na hindi ginusto ang isilang sa ganoong kalagayan? Kailan ba
magiging sapat ang kanilang paghihurap upabg mapunan ang mga simpleng
kaligayahan na isinisigaw ng kanilang puso?
Sa ganitong posisyon, naisip ko, totoo nga palang may mga bagay na hindi mo
ginusto ngunit sayo ibibigay upang masukat ang iyong tatag. Naisip ko din na gaano na
nga lamang ba ipinag sasawalang bahala ng pamahalaan ang mga taong napako na sa
pangako nilang pagbabago at pag angat sa kahirapan? Na sa bawat pangako at pag
asa na kanilang ikinikintal sa isipan ng bawat pusong umaasa na makaaahon din sila ay
ang pagkabigo oras na makuha na nila ang kanilang personal na hinahangad. Ganito
na nga lamang ba kahirap ang buhay na dinaranas ng ating mga kapatid na mangyan?
Sa ganitong bahagi ba talaga ng kanilang buhay natin hahayaan na sila ay malugmok?
Sa isyung ito, ang kahirapan na tinutukoy ay naging ugat ng sari sari pang pasanin na
kinahaharap ng ating mga katutubo. Nakalulingkot isipin tama ba?
Gayunpaman, mistulang isang paala ala ang pinalabas sa kung gaano kahirap
ang dinaranas ng iba upang mabuhay. Isang magiting na pag papaalala na kung sa
bawat pambabalewala natin sa mga bagay na meron tayo ay isang daan o higit pa ang
mga taong nananalangin na sana, nagkapalit kayo ng posisyon sa buhay. Na ang mga
bagay na itinatapon mo, ay yaman na ng iba. Isang masakit na katotohanan na oo nga
pala, hindi sa akin umiikot ang mundo, may ibang tao na hinihiling na sana sa pag ikot
ng mundo, ay hindi sila maiwan. Isang aral na hindi lahat ng tao ay nabubuhay sa
paraang kagaya mo, maaaring mas masagana o di kaya'y mas kapos at nagkukulang.
Tila isang paalala na mahalin natin ang ating pagkabata, makuntento tayo sa buhay na
ating tinatamasa dahil pagdating ng paglubog ng araw, paniguradong hindi kumakalam
ang ating sikmura, kaiba sa kanila.

You might also like