Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saludo sa mga Alay!

Isa ka bang alay?

Sila yung nag-iisang miyembro na napiling lumabas ng bahay para mamili at


mamalengke ngayong may "Quarantine" sa buong Pinas.

Sila yung mga David na lumalaban sa isang Goliath na 'di nakikita. Ang tanging
armas nila sa mukha ay "facemask" at sa kamay ay "alcohol" (minsan nagkakaubusan
pa ng mga ito) .

Sila yung paroo't parito sa pamilihan, mabili lang ang kailangan at pagkain sa
bahay, kahit sobrang haba ng pila sa mga pamilihan, kasabay pa ng init ng panahon,
minsan ubos na o wala na yung pinapabili, minsan uutusan pa silang pagkasyahin ang
pera na binigay sa kanila kahit ang haba nung nasa listahan, lahat yan ay titiisin
para sa pamilya.

Sila yung mga "tahimik na bayani" sa panahon ng krisis.

Sila ay dapat ring pasalamatan.


Salamat sa mga ALAY . Ang inyong sakripisyo ay batid namin kahit minsan
napapagalitan pag mali o kulang ang nabili mo, ang mahalaga'y ligtas at malusog
kang nakauwi ng tahanan. Alay ko sa inyo ang pagkilala na ito. Mabuhay kayo at
ingatan kayo lagi ng ating Panginoon.

You might also like