Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ASSIGNMENT IN METHODS OF RESEARCH

Ang panitikan ay bahagi ng ating mayamang kasaysayan. Dito natin mababanaag ang

kultura't tradisyon ng bawat mamamayan at bansa. Makikita sa mga akdang pampanitikang ito

ang kahanga-hangang likhang sining sa bawat titik na isinulat ng may-akda. Ang kagandahan ng

bawat akda na maaaring pagsidlan ng malawak na kaalaman. Maraming suliraning kaakibat ang

pagtuturo ng panitikan, isa na rito ang maipunla sa mga mag-aaral ang butil ng karunungang

malimit nilang nauunawaan. Kadalasa'y nangangailangan ang mga mag-aaral ng masmalalim na

pang-unawa sa panitikan. Ang ganitong senaryo ang nag-udyok sa aking mag-isip ng solusyon

ukol sa suliraning ito. Ang bawat teksto ay nangangailangan ng karampatang pang-unawa upang

tunay na maipabatid sa mga mag-aaral ang kaisipan at aral na nais iparating ng bawat teksto.

Hindi sapat na naiintidihan lamang ito ng mga mag-aaral. Ang tugon sa suliraning ito ay ang

pagbuo ng interaktibong modyul kung saan ang bawat mag-aaral ay mapupunan ang puwang sa

pag-unawa sa mga teksto. Ang tugong ito ay hihikayat sa mga mag-aaral na palawigin pa ang

kanilang kaalaman sa mga aktibong gawain ihahanda.

Ang magiging kabuuoan ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral

sapagkat matutugunan ang kanilang pangangailangan sa malawak na pang-unawa sa bawat

teksto. Mabibigyan sila ng pagkakataong makapag-isip nang higit sa kayang abutin ng kanilang

kaalaman dulot ng mga gawain sa modyul. Magmumulat ang kanilang kaisipan na maging bukas

sa iba't ibang aspeto ng buhay sa mundo kabilang ang pagrespeto sa kultura't tradisyon na

nakapaloob sa iba't ibang teksto. May kawilihan sa bawat mag-aaral na sagutin ang mga

katanungan mula sa modyul at magagamit ang mga ihinandang gawain sa pagsabak ng mga mag-

aaral sa pagtugon sa realidad ng buhay.


Ang pag-uukulang pangkat ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa ikasampung

baitang ng College of the Holy Spirit of Tarlac. Bilang guro sa antas na pag-uukulan kinakitaan

ko ng higit na tugon sa pag-aaral ng panitikan ang mga mag-aaral. Sa aking mabusising pagsipat

sa pangangailang ito makatutulong itong mapag-ibayo ang kanilang kaalaman sa tulong ng aking

isasagawang pananaliksik gayun din ang kanilang moral na pag-iisip.

You might also like