Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

i

ISANG PAGSUSURI SA MGA KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA SA MGA


KABATAANG MAG-AARAL NA NASA EDAD 15-19

SA SAINT JOSEPH INSTITUTE OF TECHNOLOGY STEM TRACK SEKSYON

1 AT 2

Isang Pamanahong Papel na Iniharap Kaguruan ng

Departamento ng Filipino, Accountancy, Business and Management Track

Bilang Pagpatupad sa Isa sa mga Pangagailangan ng Asignaturang Filipino

11 B, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Belmonte, Lilian Nelle A.

Lara, Irish Jane

Monteclaro, Ranie B.

Rojas, Alyssa B.

Rubi, Lyka G.

Sanchez, Elizajane

Puspus, Melody B.

Marso, 2017
ii

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa pangagailangan ng Asignaturang Filipino 11B,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na

pinamagatang “Isang Pagsusuri sa mga Kahalagahan ng Teknolohiya sa mga

Kabataang mag-aaral na nasa Edad 15-19 sa Saint Joseph Institute of

Technology STEM Track Seksyon 1 at 2” ay buong puso na inihanda ng mga

mananaliksik mula sa grupo na binubuo nina:

Belmonte, Lilian Nelle A.

Lara, Irish Jane

Monteclaro, Ranie B.

Rojas, Alyssa B.

Rubi, Lyka G.

Sanchez, Elizajane

Puspus, Melody B.

Tinganggap sa ngalan ng kagawarang Filipino, Accountancy, Business and

Management Track, Saint Joseph Institute of Technology, bilang isa sa mga

pangangailangan sa Asignaturang Filipino 11B, Pagbasa at Pagsulat

Bb. Abigail M. Manlangit

Guro sa Asignaturang Filipino 11B


V

Talaan ng mga Talahanayan at Grap

Pahina

Grap 1 Kahalagahan ng Teknolohiya ……………………………………………14

Grap 2 Tamang paggamit ng Teknolohiya ……………………………………...15

Grap 3 Ang tulong ng Teknolohiya………………………………………………..16

Grap 4 Mas madaling gamitin sa pangangalap ng impormasyon……………..17

Grap 5 Oras ng paggamit ng Teknolohiya……………………………………….18

Grap 6 Kailan ginagamit ang Teknolohiya……………………………………….19

Grap 7 Kasapatan ng teknolohiya sa paaralan………………………………….20

Grap 8 Epkto ng Teknolohiya………………………………………………………21


III

Pasasalamat

Aming pinapasalamatan ang aming butihing mga magulang sa pagbibigay

ng pera upang kami ay makapagbayad sa pagpapalimbag ng aming

pamanahong papel. Nagpapasalamat din kami sa kaukulang panahon na

kanilang ibinigay sa amin upang ang aming pamanahon papel ay mas maayos at

kaaya-ayang tingnan sa mata sa panelist. Nagpapasalamat din kami sa unawang

kanilang ibinigay kahit na medyo ay hindi na naming nagagawa ang ibang

gawain sa kadahilanang mas inuuna namoin ang aming pamanahong papel.

Nagpapasalmat din kami sa mga estudyante ng STEM 1 at 2 sa pagsagot

sa aming sarbey kwestyoner upang malaman namin ang estadistikal na

porsyento hinggil sa mga tanong na nakapaloob dito.

Lubos din kami nagpapasalamat kang Bb. Abigail M. Manlangit ag aming

guro sa Filipino 11B sa pag gabay at suporta upang matapos naming ng maayos

ang aming pamanahong papel..

Higit sa lahat buong puso din kami nagpapasalamat sa Panginoong Diyos

sa biyaya at gabay upang matapos namin ang gaming pananaliksik.


IV

Talaan ng Nilalaman

Pahina

Pamagating Papel ……………………………………………………………… i

Dahong Pagpapatibay …………………………………………………………. Ii

Pasasalamat o Pagkilala ………………………………………………………. iii

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………. iv

Talaan ng Talahanayan at Grap ………………………………………………. v

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon ……………………………………………………………………… 1

Layunin ng Pag-aaral ……………………………………………………………. 2

Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………………………………………... 2

Saklaw at Limitasyon ……………………………………………………………. 3

Depinasyon at Terminolohiya …………………………………………………... 3

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ……………………………………… 4-9


Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………………………… 10

Respondente ……………………………………………………………………… 10

Instrumento ng Pananaliksik ……………………………………………………. 10-12

Tritment ng mga Datos …………………………………………………………... 13

Kabanata 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grap 1 ……………………………………………………………………………… 14

Grap 2 ……………………………………………………………………………… 15

Grap 3 ……………………………………………………………………………… 16

Grap 4 ……………………………………………………………………………… 17

Grap 5 ……………………………………………………………………………… 18

Grap 6 ……………………………………………………………………………… 19

Grap 7 ……………………………………………………………………………… 20

Grap 8 ……………………………………………………………………………… 21
Kabanata 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ………………………………………………………………………………22

Kongklusyon ……………………………………………………………………….22-23

Rekomendasyon …………………………………………………………………...24

SANGGUNIAN ……………………………………………………………………..25
1

KABANATA I: MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa panahon ngayon, ang makabagong teknolohiya na ang kadalasang

ginagamit ng mga tao. Hindi natin maikakaila na langap na talaga ang mga

gumagamit ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw nating gawain.

Malaki ang naitutulong nito sa atin ngayon dahil sa pamamagitan nito mas

napapadali ang pagkuha ng mga impormasyon o mga datos. Sa pamamagitan

rin nito ay napapalawak natin ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay na di pa

natin natuklasan.

Para sa mga mag-aaral, ang makabagong teknolohiya ang nagiging

sandalan o ginagamit nila upang mapadali ang kanilang pananaliksik sa mga

gawaing ibinibigay sa kanila ng paaralan lalong-lalo na kung may pananaliksik

silang kailangan gawain at kinakailangan ito sa madaling panahon. Ang

teknolohiya nga ba ay nakakatulong sa mga mag-aaral natin ngayon? O ito ang

nagiging dahilan kung bakit mayroong mga mag-aaral na napapariwara at

humihinto sa kanilang pag-aaral dahil sa masamang epekto ng teknolohiya?

Tulad na lamang ng mga mag-aaral na nahilig na paglalaro ng ibat ibang laro

gamit ang teknolohiya at isa na rito ang computer games, dahil dito

napapabayaan na nila ang kanilang obligasyon sa paaralan at nahahantong ito

sa pagtigil o paghinto sa kanilang pag-aaral.


2

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

a. Mga mag-aaral

-Upang malaman nila kung ano ang maidudulot ng teknolohiya sa

kanilang pag-aaral.

b. Mga kabataan

-Upang mabawas-bawasan nila ang paggamit ng teknolohiya sa

kanilang pang araw-araw.

c. Mga Guro

-Upang malaman nila kung ano ang naidudulot nito at maipaalam

sa kanilang mga mag-aaral kung ano ang kailangan gawain.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

 Upang makatuklas ng iba’t iba pang impormasyon gamit ang teknolohiya

 Upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon

 Upang malaman ng mga mag-aaral ang tamang paggamit ng teknolohiya

 Upang mas mapabilis ang komunikasyon

 Upang mas lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral


3

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa loob ng tatlong (3)

linggong pag-aaral. Ang pananaliksik ay ginawa sa paaralang Saint Joseph

Institute of Technology, Butuan City kung saan may limampu’t (50) ka mag-aaral

ang binigyan ng sarbey kwestyoner.

DEPINASYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Teknolohiya: ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, kagamitan, at

proseso upang makatulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.


4

KABANATA 2- MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter.

Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral

ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet

connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang

social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based

na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile.

Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong

sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila

kumukuha ng dagdag impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t

ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa

mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter ay

isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon

na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito

ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman

ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o

nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang

epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya

dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang


5

mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti

kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang

epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.

* Mga Positibong Epekto:

Pag-unlad ng antas ng libangan

· Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan

· Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa

· Global Networking

· Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang

teknolohiya

· Mas makakamura sa ibang paraan

* Mga Negatibong Epekto:

· Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao

· Maaaring gamitin sa karahasan

· Nakakasira ng kalikasan

· Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya

· Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-

maling sitwasyon.
6

Ayon kang juanbee sa kanyang pahayag na ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA

SA PAG-UUGALI NG MGA MAG- AARAL, ang makabagong teknolohiya sa

larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa

pag-aaral ng mga mag-aaral.

Tungkulin ng mga kabataan ang mag aaral.Kapag ang kabataan ay napagod na

sa kanilang pag aaral,sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit,dalawa

ang maaaring gawin nila.Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila

upang ipagpatuloy ang kanilang pag aaral.Sa kabilang banda,maaari silang

magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan”at kaagapay” sa lahat

ng posibleng oras at pagkakataon,at ito ay ang teknolohiya.

Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng

teknolohiya.Sa katunayan,ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan

kung bakit ang pag- aaral ay nagiging madali,mabilis,at mabisa.Kung kaya

nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa

kanilang pag-aaral.

Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral

kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.Bukod sa telebisyon at

radio,nandiyan na rin ang mga home at handheld consoles.(Hal.Play

Station),Mp3 Players,ang celllphone,at siyempre ang personal computers at ang

dala nitong digital miracle-ang internet.Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang

pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral,o maging ng kabataan sa

kabuuan.Masasabi natin na napakarai ng naitulong ng teknolohiya sa pang araw-


7

araw na pamumuhay.Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon.Ngunit

mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang

mga dala nitong dulot?Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra,at isa

sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.Hindi mapapagkaila na napakaraming

mga mag-aaral ang sumasalalay sa teknolohiya hindi lamang sa kanilang pag-

aaral.

Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon

ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang

kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas

na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa

pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan,

bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi

natin itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na

natin ang landas patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang

bukas o ito’y malayo pa?

Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos

limot na ang mga bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na

panahon. Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan

ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang

mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang

naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng

saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya


8

naman ay paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang

kailan lang ang mga ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw

sa mga alaalang ito.

Ayon kang, Bai-Rhema S. Marmay

Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita

ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong

teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito

ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing

mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang

makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng

pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa

loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing

kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.

Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung

anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-

20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga

estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga

imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga

tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at

pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na

maaaring maka-access ng internet.


9

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay

gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang

tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga

kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng

mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang

leksyon nang dahil sa internet.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang

aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na

nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili

na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang

epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.


10

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng pananaliksik

Ang disenyo ginamit ng mga mananaliksik ay ang deskriptib-analitik

sapagkat ang mga mananaliksik ay nakikipanayam, gumamit ng sarbey

kwestyoneyr upang makalap ang mga datos at kumuha ng mga ideya at

saloobin sa mga respondent.

Respondente

Ang mga mananaliksik ay naka tuon sa Saint Joseph of

Technology (SJIT) STEM 1 at 2 Sila ang mga respondent na aming napili

dahil sila ay isang mag-aaral na gumamit ng teknolohiya lalo na sa kanilang

pag-aaral.

Instumento ng pananaliksik

Ang paraan na aming ginamit sa pananaliksik ay sarbey

kwestyoner. Pero bago namin ito nabuo, una ay pumili muna kami ng paksa

upang mabigyan naimin ito ng mga katanungan na kailangan sagutan sa

napili naming mga respondente. Pagkatapos naming magawa ang surbey

kwestyoneyr ay ipinimahagi namin ito sa mga napili naming respondente sa

STEM 1 at 2. Sa pamamagitan nito ay malalaman namin ang kanilang sariling

opinyon ukol sa pag-aaral na ito. Ang surbey kwestyoner ang napili naming

instrumento sa pananaliksik dahil madali lang itong gawin.


11

Sample Sarbey Kwestyoner:

1. Bakit Mahalaga ang Teknolohiya?

Para magkaroon ng komunikasyon

Para mapabilis ang paghahanap ng impormasyon

Upang mapaunlad ang mga aspeto ng kaalaman sa Edukasyon

2. Ginagamit mob a ng wasto ang teknolohiya?

Oo, dahil kung wasto ang paggamit ng teknolohiya maiiwasan ang mga

bagay na nakakasama

Hindi, dahil mas maganda gamitin ang tiknolohiya sa masamang bagay

3.Makakatulong bas a iyong pag-aaral ang teknolohiya?

Oo, dahil mas napapadaili nito ang paghahanap ko ng impormasyon

Hindi, dahil ang teknolohiya ay para lang sa paglalaro

4. Ano ang madalas mong ginagamit sa paghahanap ng impormasyon?

Internet Libro

5. Bilang isang mag-aaral, ilang oras ang inilalaan mo sa paggamit ng

tekonolohiya?

1-2 hrs. 3-5hrs. 6hrs. Pataas


12

6. Bilang mag-aaral, kailan mo ginagamit ang teknolohiya?

Ginagamit ito kung kailangan sa pag-aaral

Ginagamit ito kung may takdang-aralin

Ginagamit ito para magkaroon ng bagong ideya kaalaman

7. Sapat ba ang mga teknolohiya sa inyong paaralan?Bakit mo to nasabi?

Oo,dahil meron silang sapat na mga kagamitan upang mas mapadali

ang aming pag-aaral

Hindi, dahil kulang-kulang ang kanilang mga kagamitan at kinakailangan

pa naming pumunta sa labas upang matugunan ang aming panganailangan.

8.Para sa iyo ano ang mas magandang pagkunan ng impormasyon, ang libro o

internet?Ipaliwanag.

________________________________________________________________

_______________________________________________________________

9. Ano kaya ang magiging epkto nito sa mga mag-aaral?

Makakasira ito sa katawan maari itong maabuso mapapalawak ang

kaalaman

10. Para sayo malaki baa ng papel ng tekmolohiya lalong-lalo na sa iyong pag-

aaral?
________________________________________________________________

___________________________________________________________.

13

Tritment ng mga Datos

Sa pamanahong papel na ito ang estadistikal na paraan na

aming ginamit ay bilog na grap at bar graph dahil sa bilog na grap ay mas

madali naming nakukuha o nalalaman ang mga prosyento na nakalap mula

sa aming mga respondente. At sa bar graph naman ay madali naming

malalaman kung ilan ang sa mga respondente ang pumili sa mga ibinigay

naming mga pagpipilian.


14

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

TALAHANAYAN 1

- Bakit mahalaga ang teknolohiya?

35

30

25
Upang magkaroon ng
komunikasyon
20
Para mapabilis ang paghahanap
ng impormasyon
15
Upang mapaunlad ang mga
10 aspeto ng kaalaman ng
edukasyon

0
A. B. C.

Ayon sa nakalap naming impormasyon sa limapu’t lima (50) na mga

respondente mahigit siyam ang nag sasabi na mahalaga ang teknolohiya, para

magkaroon ng komunikasyon. Mahigit labing dalawa (12) naman ang nagsasabi

na mahalaga ang teknolohiya, para mapabilis ang paghahanap ng


impormasyon. At dalawangpu’t siyam naman ang nagsasabi na mas mahalaga

ang teknolohiya, upang mapaunlad ang mga aspeto ng kaalaman ng edukasyon.

15

Talahanayan 2

- Ginagamit mo ba ng wasto ang teknolohiya?

Oo, dahil kung wasto ang paggamit ng teknolohiya maiiwasan ang mga bagay na nakakasama
Hindi, dahil mas maganda gamitin ang teknolohiya sa masamang bagay

2%

98%

Ayon sa nakalap naming impormasyon sa limapu’t lima (50) namin mga

respondente may siyamnapu’t walo na porsiyento (98%) ang nagsasabi na wasto

ang paggamit nila ng teknolohiya upang maiiwasan ang mga bagay na

nakakasama. At dalawang porsiyento naman ang nagsasabi na mas maganda

gamitin ang teknolohiya sa masamang bagay.


16

Talanahanayan 3

- Makakatulong ba sa iyong pag-aaral ang teknolohiya?

60

50

40

30

20

10

0
A. B.

Column1

Ayon sa nakalap naming impormasyon lahat na aming mga respondente

ang nagsasabi na makakatulong talaga ang teknolohiya sa pag-aaral upang mas

mapapadali nito ang paghahanap na impormasyon.


17

Talahanayan 4

- Ano ang madalas mong ginagamit sa paghahanap ng impormasyon?

60

50

40
Internet

30 Column1

20

10

Ayon sa nakalap naming impormasyon lahat na aming mga respondente

ang nagsasabi na mas madalas nilang ginagamit ang internet para sa kanilang

paghahanap ng impormasyon.
18

Talahanayan 5

- Bilang isang mag-aaral, ilang oras ang inilaan mo sa paggamit ng

teknolohiya?

1 hanggang
18% 2 3 hanggang 5 6 pataas

48%

34%

Ayon sa nakalap naming impormasyon may apatnapu’t walo porsiyento

(48%) ang nagsasabi na isa(1) hanggang dalawa (2) oras lang sila gumagamit

teknolohiya. May tatlopu’t apat porsiyento(34%) naman nagsasabi na tatlo(3)

hangagng anim (6) oras lang sila gumagamit. At mahigit labing walo porsiyento

(18%) ang nagsasbi na ginagamit nila ang teknolohiya anim (6) pataas na oras.
19

Talahanayan 6

- Bilang mag-aaral, kalian mo ginagamit ang teknolohiya?

Sales

Ginagamit ito kung kailangan sa


pag-aaral 38%
Ginagamit ito kung may takdang-
aralin
Ginagamit ito para magkaroon ng
bagong kaalaman 50%

12%

Sa tanong na ito nalaman namin na mayroong tatlompu’t walong

porsiyento(38%) ang nagsasabi na ginagamit lang nila ito kung kinakailangan sa

pag-aaral, may labing dalawa porsiyento (12%) naman ang nagsasabing kung

may takdang araling at may limampung porsiyento(50%) naman ang

nagsasabing para magkaroon ng bagong kaalaman.


20

Talahanayan 7

- Sapat baa ng mga teknolohiya sa inyong paaralan? Bakit mo to

nasabi?

Chart Title
50
40
30
20
10
0
Ayon sa mga respondent na sumagot sa katanongang ito

mayroong apatnapung(40) respondent ang sumagot na oo at mayroon namang

sampung(10) respondent ang nagsasabing hindi.

21

Talahanayan 8

- Ano kaya ang magiging epekto nito sa mga mag-aaral?


Sales
2%

40%

58%

Makakasira ito sa katawan Maari itong maabuso


Mapapalawak ang kaalaman

Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik impormasyon mayroong dalawang

porsiyento(2%) ang nagsasabing makakasama ito sa katawan, mayroon namang

apatnapung porsiyento(40%) ang nagsasabing maari itong maabuso at mayroon


namang limampu’t walong porsiyento(58%) ang nagsasabing mapapalawaknito

an gating kaalaman.

22

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON, REKOMENDASYON

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ng

isang mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ang

pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa loob ng tatlong (3) linggong pag-aaral

na ginawa sa Saint Joseph Institute of Technology Butuan City kung saan may

limampu’t ka kwestyoner ang ibinigay sa STEM Track 1 at 2. Ang unang

hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay gumawa sila ng sarbey-kwestyoner

patungkol sa kahalagahan ng teknolohiya sa edukasyon gamit ang teknolohiya,

pangalawa ay binigyan ang mga respondente ng sarbey at pinasagutan

pagkatapos ay itinala ang lahat ng kanilang mga sagot. Deskrispsyon-analitik

ang ginamit ng sarbey- kwestyoner upang mangalap ng mga datos.

Kongklusyon
a. Ayon sa aming nadiskubrehan sa pamamagitan ng teknolohiya marami

ang impormasyon ang nakukuha. Sapangkat ang teknolohiya ay may

sapat na mga kagamitan upang mapadali ang mga bagay-bagay.

b. Ayon sa aming nadiskubrehan mas mapadali ang pagkuha ng

impormasyon gamit ang teknolohiya sapagkat sa pamamagitan nito kompleto

ang mag impormasyon hinahanap.

23

c. Marami ang mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya sapagkat

ang teknolohiya ay isang mabisang kagamitan upang mapadali ang mga bagay-

bagay at malaki din ang tulong ng teknolohiya sa pag-aaral, ngunit may ibang

mag-aaral na inaabuso nila ang paggamit ng teknolohiya tulad na lang na

mahigit anim (6) na oras pataas ang kanilang inilalaan sa paggamit nito.

d. Isang mabisa na kagamitan ang teknolohiya para mas mapadali

ang pagkakaroon ng komunikasyon. Mahalaga ang teknolohiya sa henerasyon

natin ngayon para mapabilis ang komunikasyon ng bawat isa.

e. Mapapalawak pa ng mga mag-aaral ang kaalaman sa pag-aaral

sa pamamagitan ng teknolohiya. At isa rin ito sa paraan para mas mapadali ang

paghahanap ng impormasyon at pwede din ito maging daan sa bagong

kaalaman. Malaki din ang tulong sa mga mag-aaral upang mapalawak pa ng

lubusan ang kanilang kaalaman.


24

Rekomendasyon

Mga Kabataan

- Nais irekomenda ng mga mananaliksik sa mga kabataan na

dapat malaman nila kung ano ang maidudulot ng makabagong teknolohiya sa

kanilang pag-aaral.

Mga mag-aaral

- Nais irekomenda ng mga mananaliksik sa lahat ng mga mag-

aaral na dapat nila gamitin ng maayos ang makabagong teknolohiya na wag ito

abusuhin sa paggamit at gamitin ito sa tamang paraan.

Mga guro

- Nais irekomenda ng mga mananaliksik sa lahat ng mga guro na

mas mainam na gumamit ng makabagong teknolohiya sapagkat ito ay may

malaking tulong para mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon sa bawat mag-

aaral.
Sa susunod na mga mananaliksik

- Nais irekomenda ng mga mananaliksik para sa susunod na mga

mananaliksik na dapat mas mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman tungkol

sa kanilang pananaliksik at maging matyaga.

25

SANGGUNIAN

Juanbee. 2014. Ang epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng mga mag-aaral.

http://kristalinahcielolawang.blogspot.com/

Marmay, Bai-Rhema S. 2011. Teknolohiya, Tulong sa Edukasyon.

https://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/teknolohiya-tulong-sa-

edukasyon/
Pangalan: Ranie B. Monteclaro

Edad: 17

Kapanganakan: January 18, 200

Address: P-2 Brgy. 18 Obrero, Butuan City

Kasarian: Lalaki

You might also like