Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Asian Institute of Computer Studies

Senior High School Department

Pagkukumpleto ng Teksto sa Filipino 112

Ipinasa kay:
Bb. Iranielyn Toquero
Feb 24, 2020

Ipinasa ni:
Charls Vincent A. Jose
ABM1MA
“Taal”

Panahon na ang humuhubog sa taglay mong kagandahan. Amin nang nasaksihan

taglay mong bagsik at kalupitan.Ang iyong kagandahan ang nagdala sa kasaganahan ng mga

bayang nakapaligid.Turismo ang handog,Pera ang kaloob.Siguro’y nagtataka pa ang lahat ba’t

nga ba ganito ang kinahinatnan.Pagpapabaya at pagaabuso sa taglay na kagandahan

nito.Siguro’y tayo ay napapaisip marahil napoot na sa atin ito.Linggo ng hapon ng kumalat ang

balita Pagputok ng bulkan lahat ng tao’y nasaksihan.Pagulan ng abo atin pang ikinagulat na

nagging dahilan ng maagap na paglisan sa ating bayang ating sinilangan.Bakas ang takot sa

bawat mukha ng mga bata at matatanda.Alam na nilang wala na silang tahanang

mababalikan.Marami ang naawa at nagpakita ng simpatya.Dumagsa ang tulong,bayanihan

ang nanaig.Ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat.Panalangin ng lahat iyong paghupa sana’y

matamasa.Sa muling pagsikat ng araw dala nito’y pagasa at muling pagbangon na sana’y

makamtan na.
“Ang 2019-2020 NCOV”
(Impormatibo)

Ang Novel Corona Virus na kilala rin bilang Wuhan Corona Virus,ay isang

nakakahawang Virus na nagdudulot ng kumplikasyon sa paghinga at iba pa. Napatunayan na

maaring maipasa ito ng tao-sa-tao. Nakumpirma ng mga awtoridad na nagmula ito sa

Wuhan,Hubei,China. Sinasabing posibleng nagmula ang Virus sa mga tinitindang Wild animals

sa Seafood Market sa Wuhan. Unang nakumpirmang kaso ay noong nakaraang taon sa

buwan ng Disyembre. Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 2,886 na kaso nito at tumaas na

ang bilang ng mga namamatay na ngayon ay nasa 81 na. Nagkumpirma na rin ang mga

karatig na bansa ng China na nakapasok na sa bansa nila ang naturang virus. Ilan sa mga

bansang ito ay ang Thailand, Japan, Taiwan, South Korea, Australia, France, at Estados

Unidos ayon ito sa Global News. Ayon sa WHO narito ang mga sintomas ng naturang virus,

ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng lagnat, tuyong-ubo, pagkapagod at hirap sa paghinga.

Ayon sa isang pahayag na inilabas noong Enero 23, 2020, Sinasabi ng Director-General

Tedros Adhanom Ghebreyesus na mabilis mahawaan ang mga taong may sakit na tulad ng

hypertension, diabetes at iba pa. Ngayon sinasabing wala pang lunas ang virus na ito, Ngunit

nagsasagawa na ang iba’t-ibang organisasayon ng mga proyekto upang hanapan ito ng lunas.
“Deskriptibo”

Karaniwang Paglalarawan

Ang Munting tahanan ng aking kaibigan. Pinagtagpi- tagping mga trapal ang kanilang

bintana. Ang bubong ay kinakalawang na puno ng butas na sa tuwing umuulan ay lagging may

tumutulong tubig. Ang dingding ay inaanay na at puno ng mga insekto. Ang kanilang haligi na

tila sa kaunting galaw mo lang ay parang tutumba na. Iyan ang palaging aking dinadatnan sa

tuwing pumupunta ako sa kanilang tahanan. Apat silang magkakapatid. Siya ay labindalawang

taong gulang noon. Lagi niyang binabantayan ang maliliit niyang mga kapatid. Musmos pa

lamang sila ay wala nang kinalakihang Ama. Ang kanilang Ina ay laging nasa trabaho upang

may pangsustento sa kanila. Ngunit kahit ganoon, lagi ko silang nakikitang masaya. Noon

napagtanto ko na kahit hindi lahat ay nakukuha nila. Lagi silang nagpapasalamat sa kung

anong meron sila.

Masining na Paglalarawan

Sa tuwing mapapatigil ako sa mabilis na pagtakbo ng aking buhay, bigla ko na lamang

naaalala ang aking pagkabata. Lumaki ako sa panahong kung saan hindi pa ganoon

kaprogresibo ang teknolohiya. Kaya’t napilitan kaming maglaro sa mainit na sikat ng araw

habang pinupuno ng alikabok at dumi ang aming maliliit na paa. Tumbang preso, tagu-taguan,

piko at chinese garter ang ilan sa aming nilalaro noon. Hanggang ngayon ay nararamdaman

ko parin ang lamig ng ilog kung saan kami naliligo, walang pakialam sa mga nakakakita samin,

para kaming mga ibon na nakaalpas sa kulungan. At sa maikling sandali na iyon, aking naisip

kung gaano na kalaki ang pinagbago ng aking buhay at gayon din ang mundong aking

ginagalawan.
“Ang Glutamax”
(Sulating Persweysib)

Ang Glutamax ay Produkto ng Anc Company.Ang Anc Company ang isa sa mga

pinakamalalaking kumpanya sa buong mundo na pinagkakatiwalaan. Sa loob ng 25 na taon

nakatanggap na sila ng 10 na karangalan mula sa iba’t-ibang kilalang institusyon sa buong

mundo.Kaya makakasigurado ka na ang kalidad ay Mabuti. Ang Glutamax ay naglalaman ng

Ceely-Marine Exctract , Castor Oil , Vitamin B8 at marami pang iba na nakakatulong na maisa-

ayos ang mga dead skin cells sa iyong Mukha. Sa loob lamang ng 7 na araw. Mapapansin mo

na ang epekto nito sa iyong Mukha. Hindi lang iyan nakakatulong din itong pabatain ang iyong

balat dahil may sangkap itong Anti-Aging. Hindi lang kalidad ang maipag-mamalaki ng

Glutamax dahil abot kaya din ito. Sa halagang 60pesos kada piraso ay makakabili ka na nito

sa mga botika sa buong Pilipinas. Sa tamang Paggamit nito araw-araw mararanasan mo na

ang kagandahang hindi mo Inaakala. Kaya sugod na sa mga tindahan at bili na.
“Paraisong Natagpuan”
(Naratibo)

Sina Coco at kyla ay matalik na Magkaibigan lagi silang naglalaro sa malawak na

damuhan malapit sa kanilang mga bahay. Tuwing hapon ay lagi silang nagtatakbuhan sa may

dalampasigan, Ngunit nagsimula silang pagbawalan ng kanilang mga magulang nang

nagsimula na silang mag-binata at mag-dalaga. Ang payo ng kanilang mga magulang ay dapat

atupagin at ang kanilang pag-aaral ay dapat nilang unahin. Dahil sa labis na pagiging malapit

sa isa’t-isa nina Coco at Kyla ay nagawa nilang suwayin ang bilin ng kanilang mga magulang.

Ang tila mag-kaibigang turingan ay nauwi sa hindi inaasahan sapagkat si kyla ay nagdalang-

tao matapos na may mangyari sa kanila ni Coco. Ang kanilang kamusmusan ay mabilis na

pinawi ng mga pagbabagong pisikal at emosyonal. Nagawa nilang buwagin ang pader na

naghihiwalay sa kanila at namulat sa katotohanang sila ay hindi na nga mga bata. Maraming

pagbabagong pisikal ang kanilang naranasan tulad na lamang ng paglaki ng boses ni Coco at

ang kaniyang kamulatan sa pagiging ganap na lalaki. Samantalang si kyla naman ay

natutunan na meron siyang kakayahang magsilang ng isang sanggol mula ng siya ay

magkaroon ng kaniyang buwanang dalaw. Nabatid din niya na hindi biro ang nangyari sa

pagitan nila ni Coco. Napagtagpo nina Coco at kyla ang pagkakapareho ng kanilang

kinalalagyan noon ng Makita nila sa malawak na damuhan at dalampasigan sa di-kalayuan ng

kanilang tahanan at ang paraisong natagpuan nila sa piling ng isa’t-isa. Ngunit, ang malaking

bahagi ng kanilang kamulatan ay ang katotohanang hindi na sila maaari pang umasal bilang

mga bata. Sila, katulad ng kanilang mga magulang ay magkakaroon narin ng responsibilidad.

Ang bata na nasa sinapupunan ni kyla ay ang patunay na sila ni Coco ay minsang nagkulang

sa pang-unawa sa mga aral ng kanilang mga magulang.


“Droga sa kabataan”
(Argumentatibo)

Isa sa mga kinakaharap na problema ng bansa ay ang patuloy na paggamit ng mga

kabataan sa mga ipinagbabawal na gamot tulad ng Mariwana at Droga. Itong mga gawain ay

nakakasira sa kinabukasan ng mga kabataan ngayon. Marami na akong narinig at nabalitaan

ukol sa iba’t-ibang gawain ng mga kabataan ngayon. Pagkalulong sa droga ay isa sa mga

iyon. Maraming namamatay araw-araw dahil sa kompanya ng Pangulo laban sa droga. OO,

totoong may masamang naidudulot ito sa mga kabataan. Isa sa mga dahilan kung bakit

napapasok ng mga kabataan ngayon ang ganitong gawain dahil narin sa impluwensiya ng

mga tropa o kaya naman ay may pinagdadaanan sa buhay at nalilito kung ano ang dapat

nilang gawin. Maraming nagsasabi na may mabuti din naman daw itong naidudulot tulad ng

kaya nitong magpagaling ng sakit. Ngunit hindi kongkreto ang mga ebidensya na

nagpapatunay dito. Marahil Isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. Ang

totoong dahilan lang naman kung bakit ito Mabuti ay dahil narin sa sinasabing

nakapagpapagaling ito ng sakit at nagiging masama lamang ito dahil sa sobrang paggamit nito

at pagabuso sa mga ito. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila

gumagamit nito ay dahil nagging gawi at nakasanayan na nila ito.


“Mga hakbang sa Patatanim ng Sitaw”
(Tekstong Prosidyural)

Mga Kasangkapan:

 Buto ng Sitaw  Pataba

 Asarol  Sevin

 Trowel  Tubig

Mga Hakbang:

1. Maaghanap ng lupang pagtataniman.

2. Araruhin at Suyurin nang dalawa hanggang tatlong ulit ang lupang taniman. Upang ito’y

maging pino at buhaghag.

3. Maglagay ng abono sa mga hanay bago magtanim.

4. Magtanim ng dalawa hanggang tatlong binhi sa lalim ng tatlong sentimetro sa bawat

binhi ay dapat may pagitan o layong 60-80 sentimetro.

5. Maglagay ng tulos na kahoy sa bawat butas kapag sumibol na ang tanim.

6. Maggapas o magalis ng damo kung may tumutubo dito.

7. Diligin ito tuwing ika-sampung araw kung tag-araw.

8. Upang mapangalagaan ang mga pananim magbomba ng sevin o pamatay-insekto kung

kinakailangan.

9. Ang mga murang bunga na panggulay ay maaari nang anihin pagkaraan ng dalawa o

hanggang dalawa’t kalahating buwan. Ang mga tuyong bunga ay maaaring anihin

pagkaraan ng tatlong buwan.


Asian Institute of Computer Studies
Senior High School Department

Pagkukumpleto ng Teksto sa Filipino 112

Ipinasa kay:
Bb. Iranielyn Toquero
Feb 24, 2020

Ipinasa ni:
Hazel Iris F. Valde
ABM1MA
Asian Institute of Computer Studies
Senior High School Department

Pagkukumpleto ng Teksto sa Filipino 112

Ipinasa kay:
Bb. Iranielyn Toquero
Feb 24, 2020

Ipinasa ni:
Lexbeth A. Tubola
ABM1MA

You might also like