Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

NIGHTMARE

I see myself lost in a crowded place. The noises of different sounds echoing inside my head and makes it
even heavier. I can't help but to felt dizzy and wandering for an escape. There's a lot of people that
surrounding me, throwing criticisms and judgements. They won't leave my sight, they won't leave me.
They watched me slowly die, they are killing me until I can't breathe. I am their prisoner until I can't
recognize who I am. No one dares to lend a hand as I trembles in fear and trauma. I can see no mercy
from their eyes but I can still hear the vehement voices of accusements. I can still picture out their
unpleasant look at me, full of shame and madness, some are pointing their fingers at me. They want me
to vanished, they want me gone. I am just a lost girl in this universe, I don't belong them. I'm a total
misfit, they are flawless and powerful while I'm just a disgrace, another disappointment. In every step
that I take is another mistake, Every move that I make is a wrong decision. I'm just a total failure in
everyone's eye.

My visions were clouded by tears that my eyes won't let go. I keep my head held high, I tried to not look
them in the eye. I tried to walk normally with their eyes watch my every move and every mistakes that I
might commit. I'm doing my best to be stronger in their view though my weakness are already
consuming me. Everyday's a nightmare, In every each day, everything's getting worst. I wanted to go
home but I don't know how. I screamed for help but no one's listening. I decided to cover my ears but I
can still hear their voices. I tried to shut my eyes but everything's still vivid. The light has been killed by
the darkness, my torn heart has been numb, my vengeful soul can't accept the catastrophe, the demon
smiled in success. This is my reality, there's no way out. God, don't be deaf. I'm lonely and lost. I cried
every night for your help.
"Salamat sinta at ika’y nakilala"
Ni Grae Dela Torre
Sa kapingarot na oras na sa aki’y iyong nailaan,
tuwa ko’y umaapaw, mata ko’y sumisigaw sa kagalakan.
Bawat minuto ika’y nakakasama, 
sinusulit na, oh sinta ika’y napakagandang alaala.
Trabaho ko’y isinasantabi,
para sa pagtulog ika’y makatabi.
Ika’y gusto kong makasama,
buong gabi hanggang sa pagdating ng bagong umaga.
Sa paggising ko oh aking sinta,
gustong masilayan mukha mong kay ganda,
Sa paggising, nais ika’y yakapin at hagkan
Anong tuwa ng puso ko sa tuwing ngiti mo’y masilayan
Sa bawat araw na hindi ka nakakasama,
panlulumo ng puso ko’y di pumapalya.
Matatawag kong “you’re my sunshine”, sapagkat nang ika’y makilala
sa buhay ko, liwanag ang yong dala sa bawat hinagpis na aking nadarama
Sa bawat araw na ako’y lubog sa sakit,
isang ngiti mo lang, sakit, hinagpis, lahat ay nawawaglit.
Kaibigan natin nagsasabing , sakit lamang sa puso ko’y iyong dala
sagot ko naman, ikaw din ang rason sa ligayang aking nadarama.
Mali man sa mata ng mga tao ang relasyong meron tayo,
pero ano ang magagawa kong sa maling pagkakataon tayo ay pinagtagpo.
Hangad ko sinta ang kaligayahan mo,
Kahit hindi man sa piling ko ito matatamo.
Ika’y napakagandang alaala,
Salamat sinta at ika’y nakilala.
“Nararamdaman ko”
ni DJYF ♥

Hindi ko alam, kung paano sisimulan


Ang tulang gagamitin, upang ika’y makalimutan
Sa bawat paglapat ng tinta sa sulatan
Ala-ala’y nagbabalik parang ugoy ng sa duyan
Noon ikaw ang tala sa gabi kong madilim
Ikaw ang ilaw ng gasera sa kwarto kong itim
Ang larawan mong maganda na isinabit ko sa dingding
Ay tinatago pa rin, minamahal nang taimtim
Noon ikaw ang prinsesa at ako ang iyong prinsepe
Sabay na naglalakad pauwi pag wala tayong pamasahe
Sinabi mong sabay nating susungkitin ang mga bituwin
Subalit nawala ka, animo’y natunaw na asin
Ako’y nandirito pa din, naghihintay sa’yong pagdating 
Nagdadalawang isip, kung akin bang buburahin
Ang pangalan mo na nakasulat sa puso ko
Nakapagdesisyon na yata ako
Kalilimutan na kita, patawarin mo ako
Totoo ngang pati ang araw ay nauubusan ng liwanag
Ang dating malambot na mamon ay tila naging bato
Matapos ko itong isulat, ako na muli ay panatag.
"Sa aking pagtulog"

Sa aking pagtulog
Ikaw na naman ang nasa isip.
Hindi maikubli ang sakit 
Na nararamdaman.
Mahal, saan ako nag kulang? 
Para pag ibig ko ay hindi sumapat,
At ibigin ako ng tapat? 
Puso ay dapat na bang ilayo?
Sapagkat sa paglipas ng araw, 
Mundong ko'y gumugulo. 
Mga ala ala ay nagbabalik tanaw
Sa puso at isip noong tayo ay masaya.
Panandalian nga lang ba ang iyong pagdating? 
Sapagkat dinaig mo pa ang isang manlalakbay.
Na tumitigil ng kinatagalan. 
Ngunit bakit ikaw tila ba ang dali mo nagsawa? 
Nakulitan at nawalan agad ng gana.
Hindi ako handa,
Na ikaw ay dadaan lang sa buhay ko. 
Yung dating matamlay ay nagkaroon ng kulay . 
Subalit, ganoon talaga ang buhay.
Sadyang mapaglaro. 
Hindi lahat ng gusto ay nakukuha.. 
At hindi lahat ng umaalis 
Ay dapat pang habulin.
Kung iyan ang makakapagpasiya sayo. 
Sige humayo kana.
Hindi kita pipigilan. 
Tanggap ko na hindi tayo para sa isat isa.
Isa ka nalang alaala sakin sinta. 
Na minsan nagbigay pag asa
Sa buhay na maging makulay. 
Salamat.
Ito na ang huling tulang nakalaan para sayo. Sapat na ang lahat ng salita 
Para tuluyan ng makalaya 
Ang damdaming matagal ng naikubli.
Pinapalaya ko na lahat ng sakit, emosyon,pagasa, pagmamahal 
Na minsan inilaan sa maling tao. 
Pinagtagpo ngunit sadyang
hindi talaga tayo itinadhana.
Isang pahina na nman ang magbubukas. 
Patuloy na umaasa
Na darating din ang taong nakalaan para saakin. 
Sa tamang panahon at pagkakataon. 
Abutin man ng panibagong taon.
Salamat. 
Paalam.
PAALALA LANG
ni maimai
Ako'y masaya ng muli kang ngumiti sa social media.
Pero may puot ng makitang may kasama kang iba.
Sabihin mo, siya na nga ba?.
Siya ba ang dahilan ng iyong pagliligaya?.
Ang sarap tignan mga ngiti sa inyong labi.
Hapdi't kirot ng maalala ko ganyan tayo dati.
Dapat ba akong magsisi?.
Dahil sa bumitiw ako at ngayo'y nasawi?.
Tila tinupad mo nga ang huli kong salita.
Nakahanap ka ng babaeng marunong mag magpakumbaba at mag-aruga.
Laking pasasalamat ko ng kayo'y pinagtagpo ng tadhana.
Marami siyang talento at tilay matiyaga.
Relasyon niyoy parang panghabangbuhay.
Ang tamis tignan na para bang hindi na maghihiwalay.
Ramdam ko na pagmamahalan niyo'y titibay.
Pero sa puso ko'y para na akong sinalakay.
Huwag kang mag-alala kaya ko kayong tignan.
Kahit may sakit na naka tago dito sa kalooban.
Mga luha ko'y kaya kong punasan
At ngingiti sabay scroll down.
Normal lang sa akin na masakatan.
Hindi ko alam basta mahirap kalimutan.
Binura naman kita sa isipan.
Pero sa puso koy kumatok ka ng sapilitan.
Para kang cancer na hindi alam kung paano malulunasan.
Huwag niyo sanang dibdibid ang tulang ginawa ko.
Wala kasi akong maka-usap sa mga sandaling ito.
Sinulat ko nalang kong anong meron sa puso ko.
Paalala lang hindi ko intensyon ang manggulo.
HULI NA
ni maimai
Alam kong hindi ko na dapat to ginawa.
Alam kong hindi ko na kailangan to gawin.
Wag kang mag alala sandali lang to.
Hindi ko naman pinilit na basahin mo to.
Nais ko lang maibahagi ang nararamdaman ko.
Ang sakit at saya na naghahalo-halo.
Hindi ko na lalo maintindihan ang nasa puso't isip ko.
Kaya paumanhin hayaan mo kong gawin to.
Alam kong mahigit isang taon na tayong wala.
Akala ko tapos na ang lahat.
Akala ko tapos na ako sayo.
Akala ko tapos na ang pagmamahal ko sayo.
Akala ko tapos na ang sakit at puot dito sa puso ko.
Akala ko lang pala lahat yon.
Nang dahil sa akala na iyan nasaktan nanaman ako.
Nang dahil sa akala na iyan umiiyak nanaman ako.
Ano ba! Ano bang meron ka?.
Sino ka ba! Sino ka ba para bigyan ko ng ganitong halaga?.
Gaano ka nga ba kahalaga?.
Pwedeng bilhin nalang kita, maari po ba?.
Makakalimutin naman talaga ako eh.
Pero pag dating sayo ayaw gumana.
Para bang naka program kana na bawal mabura.
Ayaw mabura ni ayaw mawala.
Sa bawat pag oonline mo may nabuong ngiti dito sa mga labi ko.
Sa bawat pag oonline mo may nabuong sakit dito sa puso ko.
Sa bawat pag oonline mo pinasaya mo na ako.
Sa bawat pag oonline mo naging tanga nanaman ako.
Ginawa ko naman talagang kalimutan ka.
Pinilit kong gawin pero wala eh.
Mismo sarili ko nag sinungaling ako.
Mismo sarili ko pinahirapan ko.
Hindi ko hinangad na mapasaakin ka.
Alam kong malabo at imposible na bumalik ka.
Alam kong masaya kana kapiling niya.
Wag kang mag alala handa akong lumaban sa sarili ko makalimutan lang kita.
Ngayon ko lang nalaman na ganito ka pala kahalaga.
Ngayon ko lang nalaman na ang sakit pala makita kitang masaya kapiling ang iba. Ngayon ko lang nalaman na
mahal na mahal pala kita.
Huli na ang lahat kayat pasensya na totoo palang minahal kita ng sobra!
"Pagsuko"
ni Alfie Felipe
Ayoko pa sana...kaso 'yun lang ang paraan
Na kailangan ng wakasan ang ipinaglalaban...
Maiwasan ding madamay ang walang kinalaman
At sa bawat isa ay walang sino pa mang masaktan
Mahirap tanggapin, pero yun talaga ang totoo
Na kailanman ay di magiging ikaw at ako.
Ano pa man ang aking gawing mga sakripisyo
Hindi sa akin iikot ang iyong mundo..
Siguro'y di naman masama ang gagawin
Ito lang ang paraang makakapagpalaya sa 'tin
At siya na ring sagot na magbibigay ng diin…
Nang sa katotohana'y dapat ng magising na rin.
Marami man akong napatunayan..
Subalit sayoy, di yun makahulugan..
Dahil sa pusong nagbubulag bulagan..
Iba ang tunay na sigaw ng kalooban...
Susuko ako ng sa labi ay may ngiti
Sa tadhanang aking nakatunggali
Marahan kong ihahagis ang panyong puti
Sa garden ng pag ibig....na sa akin ay gumapi.
"SA MULI MONG PAGLINGON"
ni Colee
Kung sakali mang balang araw mas pinili mong bitawan ang aking kamay,
Mas pinili mong sa ibang direksyon ka maglakbay,
Mas nanaisin mong humakbang paalis sa ating tagpuan,
At piniling sumuko sa kalagitnaan ng laban
Mahal, hindi kita pipigilan
Hindi kita pipiliting lumingon sa kung saan mo ko piniling talikuran.
Kung mas pinili mo na hawakan siya,
Mas pinili mo na ipaglaban siya,
At pinilit mo na napamahal ka na sa kanya,
Doon ako, sa kung saan ka sasaya.
Kung ang tadhana man ang magtatakda sa pagkikita nating muli,
Maaari ba nating ibalik ang walang ilangan sa ating mga ngiti?
At kahit ang mga hilaw na sugat ay muling humahapdi,
Dahil may natitira pang pagba-bakasakali—
Ang pagkikita nating muling yaon
Maaari bang sa huling pagkakataon,
Sa akin ka naman lumingon?
"MUNDO NGAYON"
ni Katrin Mae Joves
Ginawa mo na ang lahat, pero hindi parin sapat, nakatalikod sila at iilan lang ang nakaharap ngunit
malakas ang bulungan na para bang alam na nila ang lahat.
Ganyan ang mundo minsan kahit pilitin mo maging positibo napakaraming aaligid upang gawin kang negatibo,
dadalawa lng ang mata ng tao ngunit bakit tila talampakan nilay nakakakita rin ng husto na akala nila sila ang
wasto?
Karamihan pa nagsisimba linggo linggo, luluhod at nagpapakasanto, magdarasal sa harap ng maraming tao
pumipikit pa at nakikisalo sa awiting may koro. Ngunit paglabas ng simbahan o templo hindi na diyos ko ang
nasa bibig nito kundi malansang pananalita laban sa ibang tao.
Hindi mo na alam kung sino ang totoo sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala sa tao.
Gumawa ka ng mabuti, may masasabi.
Nakagawa ka ng kaunting pagkakamali, huhusgahan kana ng todo na para kang nakapatay ng tao.
Ayusin mo ang pagkakamali mo at naayos mo ang buhay mo, huhusgahan ka parin nila basi sa kung ano ang
nakaraan mo hindi kung ano ang kasalukuyan at narating mo.
Meron pa bang ibang mundo?
Iyong walang mapanghusga at nagmamagaling na kapwa tao?
Kasi kung meron man ora-orada lilipat ako.
“IT'S YOU”
by Katrin Mae Joves
In the midst of my sorrow it’s you who gave smile to my sigh, you offer me a rainbow despite of the
nimbus clouds around, despite of impediments brought by people you still held my hands so tight,
you still hug me so temperate that removed my solitude inside.
It’s you who stopped my life in a moment and transformed into a better one, you taught me to firmly fight that
gave me strength in my everyday life, I decided to unload all my burdens and you’re the reason why.
I changed into a better because it’s you who encouraged me to be, you’re giving me inspiration to keep my
optimism so high, you religiously showing me your attention and it’s always highly appreciated my love, I
promise to stand by you forever and I will love you so hard, no one can separate us because we are locked up
as one.
"Hopeless Romantic"
by Zander Lloyd Lagatic
I don't know what is this strange that I am feeling
But I am sure that this is a really weird thing
Something I haven't felt for a long time
I love it, but I am afraid to try
I understand if this one for you is cringing
But you are the most beautiful girl that I have ever seen
Seeing your smile even just once for a day
Fulfills my mood and makes everything is okay
I cannot think straight when I am with you
I cannot feel my face, and I can't believe that it's you
Every time you talk to me, I cannot breathe
I don't know what to say; my eyes always want to look away
Adorable is the word that almost perfectly suits you,
Cannot deny it, everybody knows it too
Have your mom told you that you're good-looking?
As it is really obvious that you are really amazing
I don't think words can explain your beauty
As if the words ain't enough to say how you're beautiful to me Cherishing our moments together is my favorite
God knows how much I'm praying for you to be with me
Even though you cannot love me
And I am just somebody that cannot be with thee
Because I am not that kind of a man you'll wish for
And not that perfect to deserve something more.
"Kumapit sa wala"
ni Jerome Concepcion Delay
Isinilang akong laki sa hirap
Ninanais ang masaganang pangarap
Na tuparin ito sa sariling pag sisikap
Sa murang isip ay nakita ang tunay na kulay ng mundo
Marumi at mapagpanggap
Hindi ako sanay na magtiwala kahit kanino
Dahil alam ko mismo
Na ang mga tao ay manloloko 
wala silang sinasanto kahit nino
Hinubug ako nitong mundo
Na huwag mag tiwala kahit kanino
Ngunit noong ako'y nakatagpo
Ng isang taong magpapatibok ng aking puso
Nalaman kong hindi pala ito totoo
Na sadyang natakot lang sa mga nangyayari sa kapaligiran ko
Umibig ako sa'yo
Nabighani ako sa'yo
Sinagot mo ko ng oo
Na nagpataba ng aking puso
Lumawig ang ating pag iibigan
Na walang away at pagtatampuhan
Mahal halos mag lilimang taon na tayo
Matagal na para makilala kung ano talaga ang kulay mo
Alam ko na kung anong ugali at gawain mo
Pinangakuan mo ko ng marami 
Na iibigin hanggang wakas
Na walang iwanan peksman
yan ang mga linyahan mo, 
Nakakatuwa tuwing naririnig ko 
ang mga salitang nakakapagpagaan ng loob ko
Dahil alam ko na komportable na 'ko sa'yo 
Dahil sa mga pangako mo na akoy hindi mo iiwan.
Ngunit dumaan ang mga panahon na ika'y nagtamlay
Hindi kuna maramdaman ang presensya ng aking mahal,
Nag tatanong kung ano ba ang naging mali 
kung bakit nag kakaganito
Hindi sapat ang mga salitang
"wala lang"
para malaman ko kung anong problemang meron tayo
Tapos na ba tayo? 
Bakit hindi na kita makita?
Namimis na kasi kita.... 
Pati na rin yung mga salitang nag papagaan ng aking kalooban.
Nasaan ka na ba mahal?
Yan ang mga salitang sinambit ko sa text 
noong na ngungulila ako sa'yo,
Nangamba ako
Mahal nasaan na ang panga ko?
Na hanggang sa huli ay tayo
Bakit hindi ka nag paalam na lilisan ka na
Bakit hindi man lang kita nayakap
Bakit hindi ko man lang na sabi na mahal kita 
bago ka kunin ng Diyos
Ganito na lang ba ito magtatapos?
Mahal kinapitan ko yung pangako mo
Pero naging malabo ito
Sabi mo walang iwanan ngunit ikaw mismo ang bumitaw
Hindi sapat ang limang taon 
para maparamdam 'ko sa'yo 
kung gaano kita kamahal
Isa ka kung bakit naging masaya ako
Ngunit ikaw din ang naging sanhi ng pag luha ko,
Natutu ako na sa lahat ng saya 
ay may nag-aabang na pagluha.
sayo ko rin natutunan
Na sa lahat ng umpisa ay may hangganan
Salamat mahal hangang sa muli nating pagkikita.
"Magsasawa ka rin"
ni ynartemo
Magsasawa ka rin katulad nila
Darating at mawawala ng parang bula
O di kaya lilisan ng walang dahilan
Bukas makalawa sa iba kana nakatangan
Mapapagod ka rin sa kakatingin sa akin
Sa mga mata kong sayo lang nakatoon
Magsasawa ka na rin hawakan ang aking mga kamay
Pati sa paghalik sa mga labi kong sayo lang inaalay
Isang araw hindi mo na rin mapapansin aking lambing
O di kaya pagod ka na sa pag lambing sa akin
Mawawalan ka na rin ng gana 'pag ako'y kapiling
Dahil sa iba ka na pala nakatingin
Hindi mo na rin mapapansin ang mga text ko
Hindi mo na rin sasagutin mga tawag ko
Ayaw mo na akong kausap
Palagi ka na lang wala at hindi mahagilap
Hindi mo na ako sinusundo katulad ng dati
Pati paghatid hanggang kanto tinatamad ka na ring gawin
Palagi ka na lang may dahilan
May sakit, ot, tulog o inuman
Bukas makalawa ano na naman?
Magsasawa ka rin sa boses ko
Pati sa luto ayaw mo na ng lasa nito
Ipagtutulakan palabas ng pinto
Hanggang isang araw sa buhay mo ayaw mo na ako rito
Kaya ngayon pa pa lang tigilan mo na ako
Dahil alam ko isang araw mangyayari ito
Pagod na ako masaktan 
Ayoko na ulitin ang nakaraan
Kaya nakikiusap ako sayo
Ngayon pa lang ay tigilan mo na ito
Ayoko ng biro, lalo ayoko ng laro
Dahil pagod na ang puso ko umasa at mabigo
Kaya paki usap wag na lang akong iyong mahalin
Baka katulad ka rin nila at magsasawa ka rin.
"Storya nating dalawa"
ni Cathlyn Alcober
Saan ko ba uumpisahan?
Sa una o,
Doon sa huli na.
Saan ako mag uumpisa?
Sa storyang pamagat palang nag wakas na.
Saan ko pa tatapusin?
Kung titulo pa lang,
Sumuko na tayong gawin.
Paano natin patatagalin?
Kung yung relasyon natin,
Binalak mo ng hatiin.
Minahal kita!
Sobrang mahal kita!
Pero bakit kasing tagal lang ng ulan sa umaga?
Hindi patayo nag sasama,
Pero sakit na,
Yung nararamdaman nating dalawa.
Sa una lang tayo naging masaya,
Sa una maayos pa,
Sa una lahat nag umpisa,
At noong nandoon na tayo sa unang talata,
Nawala kana lang bigla.
Gusto kong lumaban pa,
Pero bakit bumitaw ka,
Ayokong mawala ka,
Kase mahal na mahal kita.
Alam moba kung gaano kasakit?
Kung gaano kasakit na mawala,
Yung taong minahal ko,
kahit milya milya ang layo mo.
Yung taong sineryso ko,
Yung taong minahal ko,
Na handa kong intindihin,
Kahit masakit na yung pag tibok ng puso ko.
Kahit masakit na lalaban pa rin ako,
Pero wala,
Pinalaya mo na lang ako,
Ni isang pigil wala akong natamo.
Ang sakit...
Ito palagi yung nararamdaman ko,
Pero manhid na ata ako,
Ni hindi kona maramdaman kung titibok pa ba yung puso ko.
Hindi ko na alam kung mag mamahal pa ba ko,
Mahal kita,
Yaan palagi sinasabi ng bibig ko,
Pero sa bawat pantig ng salitang ito,
Unti unting humahapdi yung pagtibok ng puso ko.
Nang hihinayang ako nawala ka,
Pero mahal kita,
Kaya inisip kong hindi na tayo mag tatagal pa,
PagTAPOS na lang yung solusyon,
Para hindi na tayo masaktan pa.
Na kahit anong piliin natin sa dalawa,
Kung tutuloy pa ba o,
Susuko na,
Masasaktan at masasaktan lang tayong dalawa.
Hindi talaga tayo para sa isat isa,
Kaya pasensya ka na,
Hindi kona kayang maghintay sa resulta,
Resultang ikaw ba yung tamang lalaki,
Pero maling panahon?
O ikaw yung lalaking mali,
Pero tama yung panahon at oras ngayon.
Pinalaya kita dahil mahal na mahal kita,
Pinalaya kita para di na tayo masaktan pa.
Naiintindihan ko kung pinalaya mo na rin ako,
Alam kong ayaw mong masaktan ako ng dahil sa'yo.
Kaya salamat,
Salamat sa lahat ng sakit,
Salamat sa lahat ng saya,
Salamat sa lahat ng tiwala,
Salamat sa relasyon nating wala na.
Patawadin mo sana ako,
Kung sandali lang naging tayo,
Pakiramdam ko nagkamali ako.
Kaya sana makahanap ka ng taong 
dapat at lapat sa pagkatao mo.
Masaya kong nakasama ka,
Masaya ako na naging isa ka sa parte ng buhay ko,
Tulad nila.
Ito na yung mga huling salita kasabay ng mga huling luha.
Huling mga luhang papatak,
Huling hapdi at sakit,
Huling gabi at araw,
Ito na yung huling tula na may mga luha sa bawat pahina.
"Kailan Mali ang Pag-ibig"
ni WeatherCaster
Pag-ibig
Nang dahil sa pag-ibig kung bakit tayo nakakaramdam ng saya, kagaanan, kapayapaan at
kagalakan.
Pero tanong ng karamihan..
Kailan Mali ang Pag-ibig?
Tanong na kung saan tila baga naghahanap ng masisi..
Kailan nga ba?
Kapag ba tayo ay nasasaktan na?
Na kapag ang mga hatid ng pag-ibig ay nauwi sa kabaliktaran?
Na kapag ang saya ay napalitan ng lungkot..
Na kapag ang gaan na iyong nadarama ay napalitan ng bigat..
Na kapag ang kapayapaan ay napalitan ng pagkadurog..
At kapag ang galak ay napalitan ng pagdurusa..
Bakit sa pag-ibig ang sisi?
Dahil ba mali ang pag-ibig?
Siya nga ba ang nagkamali?
O tayo ang nagpumilit?
Huwag natin isisi ang lahat sa pag-ibig
Dahil tandaan mo mas malaki ang parte mo kung bakit ka nasasaktan ngayon.
Ikaw ang pumipili at ikaw ang nagdedesisyon.
Hindi pag-ibig ang nagkamali marahil tayo ang nagpabaya.
Sana makita natin ng mas malawak at malinaw ang lahat.
Upang malaman natin na kahit sa pag-ibig ang sisi ng lahat, nang dahil pa rin sa pag-ibig kung bakit tayo
nagpapatuloy.
Ang dahilan kung bakit sa kabila ng lungkot nagagawa pa rin nating ngumiti..
Na sa kabila ng pagkadurog ay may pag-asa tayong nakikita..
Na sa kabila ng pagdurusa ay may kapayapaang namamayani.
Kailan man hindi nagkamali ang pag-ibig
dahil ang tanging hangad lamang nito ay ang sumaya tayo.
"I love you. I just love you"
by Bisyo
I dont know. 
I dont know how i fell so deeply unto you. 
I dont know why everytime i woke up id be looking for you.
I cant determine what reactions id be implying.
Watching you smile gives butterflies in my stomach.
I'd love staring at you.
I'd love being with you.
Your chuckles is like music in my ears.
I dont know how to express this. 
I'm too afraid everything will be the same. 
Hopefully you wouldnt notice, i'm just too scared you'll know.
I'm just me. Only me. 
But if i'd be given a chance, i would make you my queen. 
I'll be the sweetest. 
Every efforts i will do for you.
Everyday of being with you, keeps me fall and fall for you.
Dont like this feeling.
But i'm happy being with you. 
I may not have what they do, but i can love you more than anyone will do.
I'd be treating you my queen, my everything darling.
How would I ask for a yes if you dont know yet.
Damn me!
For letting myself fall unto you.
Now I dont know what to do. 
Been wanting you all day through.
I love you for all of you.
I love everything about you.
It's just faith wouldnt let us be true. 
I know I love you, but your so numb to feel it to.
I'm too inlove with you!
My heart would skip its beat when i'm with you.
I've overthink this for millionth times. 
But i kept coming back to the thought of you.
"The Risk I Wanna Take"
- Anonymous
I met you once when you were so blue
I couldn't imagine talking to you.
I let time pass and let it takeover
If it'll let us to meet each other.
And that day came,
I was so lame. 
I want to impress you but I don't know how
Wish I could be as pretty so you'll be like "WOW!"
I realized how much I like you
I was kind of afraid to tell you
But you also said that you like me too.
So we decided to know each other more 
That's what's needed if we want to stay forevermore.
Hesitations are always there.
Maybe we won't go nowhere.
You're afraid that you might just hurt me 
But dear, I am ready for what will gonna be.
I've been risking my whole life
And now that I found a new light,
I will not blew off the chance. 
If worst comes to worst and we were not meant to be,
I know in the end I could say, "It's all worth it."
SUSI
ni Jezreel Faith Valdez
Su- susubukang buksan muli
Si- sisikaping puso'y muling mapangiti
Su- sumapit ang mga oras, minuto, taon at panahon
Si- sinubukang kalimutan ang lungkot ng kahapon
Su- sumaglit na nagpahinga sa pagod na nadama
Si- sinikap na bumangon sa pagkakadapa
Su- susubukan kong puso'y buksan muli
Si- sinubukan ko ngunit wala ang susi
Susing magbubukas ng pusong sarado
sinarado, hindi niya kundi ko
Oo, tama! Ko, sinarado ko
sinarado ko para wala ng makapasok at magtuklap ng sugat na dulot mo
patuloy kong hinanap ang susi ng aking puso
umaasang magbubukas muli ito
kinatok ko puso ko, bakit parang may laman
nagtaka ako ngunit wala namang tao nung iyon ay aking sinaraduhan
ngunit bakit parang may naririnig akong ingay
gusto kong tingnan, gusto kong buksan
ngunit wala ang susi, wala sa aking kamay
sinubukan kong alalahanin kung saan ko nailagay
para akong kumakapa sa dilim
na parang patuloy humihiling
humihiling na sana mahanap na
hindi para sakin kundi para sa iba
ako ay masaya na kahit ang puso ko ay nakasara
ngunit naisip kong gusto rin palang pumasok ng iba
tila nasasaktan na sila
ngunit wala silang nais kundi ako ay mapasaya
Bigla akong may naalala
pagkaalis mo nga pala, sinarado ko na ang puso ko
ngunit naiwan ang susi sa loob nito
iyon pala, iyon pala ang ingay na naririnig ko
nandoon lang pala ang susi sa loob ng aking puso
pano ko muling mabubuksan ito
pano ako muling makakapagpapasok sa puso ko
nakanino?
nakanino ang duplicate ng susi ng aking puso
SA WAKAS, NATAGPUAN NA DIN KITA"
ni Wil L.
Sa wakas, natagpuan na din kita
Ilang beses na rin akong paulit ulit
Nahanap ko na ang mga kasagutan at kinapitan ng kay higpit
Nahalughog ko na rin ang lahat ng libro na maaring makapukaw sa kalituhan ko
Naubos na rin ang mga piraso papel 
Na syang pinagsulatan ng mga salita na di pipigil
At nagamit ko na din ang lahat ng letra ng syang tugma sa nararamdaman kong di makawala
Upang hanapin ang kapiraso nito na matagal nang makawala
At maging sa panaginip ay sinundan ko ang naiwan mong bakas sa mga tala
Sa loob ng mahaba na pagkatulog sa wakas nahanap kita
Minsan na tayong pinaghiwalay ng tadhana
At pinagtagpo na tila bang may nag pana
Pero ang totoo nyan ay inihanda tayo ng may likha
Na sa muling pagkita tayo ay maging handa
Sa anumang darating na sakuna
Lingid sa ating kaalaman
Bago pa man ang nakaraan
Dalawang libong taon ang nagdaan
Ang ating mga kaluluwa ay matagal nang kalaan
Kaya walang duda ng tayo'y lumisan
Mula sa masalimoot nating nakaraan
Alam ko ikaw at ako ay may babalikan
Pagkatapos ng huli kitang hagkan
Sabi nila pagnahap mo na daw sya sa iyong harapan
At kaba ang iyong naramdaman
Kasabay ng panginginig ng iyong katawan
Na hindi mo maintindihan
Pakiwari nila, huwag na daw bitawan
Ngunit kaibigan, maling mali sila
Dahil ang sabi Nya magtiwala ka
Pagka't ang plano Nya ay higit pa sa iyong akala
Kaya huwag kang mag alala
Huwag kang magmadali o di kaya'y mabahala
Sapagkat ang may likha na mismo ang nagtala
Sa kwento nyo na akala mo ay walang wala
Minsan ko na rin naramdaman
Na tila ba nasa byahe ako na di ko alam ang daan
Na hinayaan nya akong maligaw para may matutunan
At ang sakit na aking naramdaman
Ay syang dahilan para ako'y maging handa sa susunod na daan kaibigan,
Nakalimutan ko na ang nagmamaneho
Ay ang syang may plano
Para dalhin ako sa daan patungo sayo
Kaya heto ako sa harapan mo
Upang sabihin sayo nang buong buo
Mahal...handa na ako
Na sagipin ang sakit na nararamdaman mo
At ibalik ang nawawalang kaperaso sa iyong puso
At isakatuparan ang matagal na nyang plano
At tuldukan kung ano man ito
Dahil mahal ang totoo...
Malinaw na sakin ang lahat at nawala na ang pagkalito
O gulo bunga nang sarili kong gusto
Pagkalito, gulo o sakit sa ulo maging pagkatalo
Ang mga iyon ay natangay na dahil sa kanyang plano
Ngayon na muli tayong nagtagpo
Maniwala ka, hinding hindi na ako magpapatalo sa hagupit ng bagyo.

You might also like