Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Sa Bagong Paraiso”

ni: Efren Abueg


Ang kabataan ang pinakamasayang yugto ng ating buhay na siyang nagbibigay kulay
sa ating ala-ala. Yugto na kung saan sarili pa lamang natin ang inaalala at pag uwi ng
matagal sa hapon ang ikina aabala . Sa kwento, dalawang kabtaan ang itinampok na kung
saan pakikipag palitan ng ligaya ang namutawi sa dalawa. Paghahabulan sa damuhan, pag
akyat sa puno, pag abang at pagmamasid sa pulang takip silim ng araw, iilan lang yan sa
mga bagay na madalas nilang gawin sa buong araw. Sa kanilang kamusmusan, kasiyahan
ang namuo sa kanilang dalawa. Di alintana ang mga sugat sa siko, mga galos sa tuhod at
mas malala pa ay minsa’y pagkabali ng buto.
Ngunit aabot talaga tayo sa puntong matutuldukan ang pantasya na ating
inakalang panghabang-buhay. At haharapin ang bagong paraiso/mundo na tunay na
simula ng pakikipagdigma sa hamon ng buhay. Ang musmos na babae ay magiging dalagita
at ang lalaking paslit naman ay magiging binatilyo hanggang sa sila ay tumanda.
Kuryusidad ang namutawi sa kanilang mga puso at isipan na namuo nang sila ay mga paslit
pa lamang. Mga pagbabago sa kanilang paligid lalo na ang mga pananaw ng ibang tao
habang sila ay lumalaki.
Mga di maipaliwanag na bagay na tanging mga nakatatanda lamang ang nakaka-
alam at makasasagot . mga bagay na di pa dapat maranasan ng ating kamusmusan. Ang pag
bilis ng pintig ng puso, mga sagot sa kanilang mga katanungan na hindi pa akma sa kanilang
mga edad. Lingid sa kanilang kaalaman ay isa na pala itong pag-ibig, pag-ibig na namuo sa
dalawa sa paglipas ng panahon. Masasabing pag –ibig ito sapagkat namumuo lamang ang
pag-ibig kung lubusan mo nang kilala ang isang tao. At sa kanilang piniling landas ay
mamahantong sa pagsisisi at pagkadismaya.
Kahit anong pilit na babagan ng pader ang tadhana . ang pag-ibig ang siyang
gagawa’t gagawa ng paraan upang sila ay magkita. Ipina-iral nila ang mga damdamin ng
kanilang mga puso, sinuway ang mga bilin at babala ng kanilang mga magulang. Di alintana
sa kanila ang kahihinatnan ng kanilang mapusok na damdamin. Di na rin alintana para sa
kanila ang mga matang nakatitig at mga bibig ng chismosang nakabuntot sa kanila. Mas
pinili nila ang sandaling kaligayahan kung kaya’t sa huli ay nagdusa at nagsisi sila. Mas
pinili nila ang pag-ibig kaysa tuparin ang kanilang mga pangarap at gusting propesyon sa
buhay.
Lubhang napakahirap labanan ang tukso lalo na’t sila ang naging dahilan ng ating
pagtawa at ang rason kung bakit may saysay ang mundo. Minsan ang pakiramdam na ito ay
hindi naiintindihan ng ibang tao kung kaya’t madali lang sa kanilang sabihin ang salitang
“Lumayo ka sa tukso!” Minsan tayo ay nadadala sa saya kung kaya’t nakakalimutan natin
ang pangarap sa atin ng iba. Ngunit sa kwentong ito, ito’y nagpapahiwatig na kahit ano
man ang maging dahilan mo dapat parin tayong magising sa ating munting pagiisip tungkol
sa larangan ng pag-ibig. Aral muna ang dapat asikasuhin upang mas maabot natin ang
ating mga pangarap sa buhay at makatulong sa ating mga magulang dahil ang totoong pag-
ibig ay nakapaghihintay.
kasalukuyan ang ibig sabihin ng bagong paraiso ay ang kanilang tatahakin landas at
kinakailangan natin ng gabay ng mga magulang at mga nakatatanda. Mahal tayo ng ating
mga magulang at ayaw nila tayong ipahamak. Sinasaad ng maikling kwentong ito na
nararapat lamang na sundin natin ang kanilang mga payo dahil gusto lamang nila ang
mapabuti ang ating mga buhay. Ang ating mga nararanasan ngayon ay kanila ng naranasan,
sabi nga nila, "papunta ka pa lamang ay pabalik na ako."

You might also like