Komfil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Bilang isang kabataang Pilipino at mamamayan ng bansang Pilipinas mahalaga para sa akin ang
komunikasyon dahil dito ko nailalabas ang aking mga opinyon at nalalaman. Ang komunikasyon
din ang nag-uugnay ng mga mensahe na nais nating ipabatid sa ating mga kausap at kapwa. Ang
komunikasyon din ang pag araw-araw na ginagamit natin sa ating mga pamumuhay.
Komunikasyon din ang nag bibigay kaalaman at ideya satin sa araw-araw na ating pamumuhay
lalo na sa panahon ng pandemya na ating kinakaharap ng dahil sa pag babalita nalalaman natin
kung ano na ang sitwasyon ng ating bansa at ng bawat isa.

2. Mahalaga na isaalang-alang natin ang konteksto ng komunikasyon para malaman natin kung
paano natin masasabi ang mga mensahe na gusto natin sabihin sa ating mga kausap. At kung
ano ang mga wasto na gamit ng mga ito. Upang magkaroon tayo ng maayos na pakikitungo sa
ating kapwa. Ang konteksto ng komunikasyon ay nagtuturo satin ng wastong gamit nito kung
paano tayo makikitungo sa ating kapwa ng walang inaapakan na ibang tao. Dahil tama ang mga
mensahe na ating naihatid sa kanila.

3. Makakatulong at mahalaga satin ang pagsasaalang-alang sa mga hadlang o sagabal sa proseso


ng komunikasyon dahil nalalaman natin kung tama pa ba ang mga mensahe na sinasabi natin sa
ating mga kausap. Dahil dito mapag-aaralan at mapag-iisipan natin ang mga bagay bagay lalo na
sa pakikitungo o pakikipag-usap natin sa ating kapwa. Mahalaga na malaman natin ang mga
hadlang at sagabal sa proseso ng komunikasyon upang malaman natin at mapag-isipan ang
nararamdaman ng ating mga kausap kung mali ang ating mga bibitawang salita. At ang
prosesong ito ang magtuturo satin upang maayos at maging maganda ang komunikasyon natin
sating kapwa at maging kaaya-aya ang dating ng ating mga mensahe sa mga kausap.

4. Mahalaga na pag nilayan natin ang ating mga sarili dahil tayo ang lubos na nakakakilala sa ating
mga sarili. Alam natin kunh paano natin maitatama ang mga pagkakamaling nagagawa natin
sating mga sarili. Dahil sa pagninilay na ating mga ginagawa sa pang araw-araw nating mga
buhay napag-iisipan at napag-aaralan natin ang mga salita na gusto nating mga bitawan. Dahil
dito mas magiging maganda at maayos ang mga salita na gusto nating sabihin at mas magiging
responsable tayong kausap. Sa panahon natin ngayon mahalaga na pagnilayan natin ang ating
mga sarili lalo na ang ating mga pananalita dahil kung minsan hindi natin napapansin na
nakakasakit na tayo sa pamamagitan ng ating mga pananalita at kelangan nating pag-isipan ng
mabuti ang mga mensahe na gusto nating bitawan upang makapag-intindihan tayo ng maayos at
maiwasan ang hindi pag kakaintindihan.

You might also like