Maliliit na paghakbang para sa nangangatog na puso
Pinupulot ang maisasalba sa mundong biglang gumuho Pero hindi pa man tapos ay may biglang nagsimula Tila nahipan lahat ng galos mula sa lahat ng pagkadapa
Nagsimula sa unang dampi ng pagsulyap ko sa mukha mong nakakaganda
Hanggang sa para akong namalikmata Sinigurado ko kung totoo ka Kaya tumingin ako nang pangalawa, At dahil maluho ang aking nga mata
Sumipat ako nang pangatlo, pang-apat, panlima
Hanggang sa mahalata mo na Sa pang-anim, pampito ikay napatingin sa aking mata At do’n na ang simula ng pagkalulong ko sayo
Hindi ko na ngayon mabilang kung ilang bese ka’ng tinignan
At kung ilang beses nang nagpalutang-lutang sa munti nating kalawakan Kung saan sinungkit tayo ng buwan, mga tala, at kalangitan Isa kang drogang sinusubukan na hindi ko na matigil-tigilan
Nahahanap ko ang sarili pag naliligaw sa iyong kaluluwa
Nabubuo ang mga kulang kapang tinutunaw ng iyong mga mata At sa daming ulit na pananakit na ginawa sa akin ng mundo Sa isang tao na lang ako ngayon hindi takot magtiwala – sa iyo