Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“SANA”

By Razel Luarez

Sana,
Salitang laging laman ng mapaglarong utak
Na minsan gusto kong isaksak sa lumilipad kong utak
Na kalianman hindi na maibabalik pa ang dating relasyong nawasak.
Saksi ang kalangitan
Sa pangakong walang katapusan
At pag-ibig na tila walang hanggan.
Gabi-gabing umiiyak ng malaman na ika’y nawala nalang nang isang kislap
Dahil aking napagtanto
Na wala naman talagang tayo.
Naalala ko pa yung mga panahong tayo’y nagkakilala
Ako’y iyong chinat na siyang dahilan ng ating pagkakamabutihan
Hindi ko malimutan ang mga ngiti na nakaukit sa aking mga labi
Tayo’y nagkasiyahan sa madilim na kalawakan
At di ko namalayan na ako pala’y nahulog na sa di malamang dahilan.
Nagdaan ang araw at buwan
Pinaramdam mo na mahalaga ako
Pero aking napagtanto
Na iba ang mahalaga sa salitang mahal kita.
Lumabas man sa iyong bibig
Mga salitang gusto kong marinig mula sa kaibuturan nang iyong dibdib,
Mahal kita,
Pero bakit biglang nag-iba?
May iba naba?
Ayoko sanang magduda
Pero ang isip at puso ko’y nagproprotesta.
Ako’y iyong iniwan sa gitna ng malawak na bundok na puno ng katanungan
Nakabitin sa mundo ng kawalan
Wasak at umiiyak
Di malaman kung sa’n mahahanap ang mga sagot
Sa nagwawala kong puso’t utak
Nasan kana?
Sana nandito ka.
Dahil pipiliin ko paring marinig
Ang salitang noo’y laging bukambibig.
Sana,
Sana mahal mo pa ako
Sana ako parin ang laman ng puso’t isip mo
Na sana kahit busy ka
Sa pag-aaral man o sa mahal mong pamilya
Maalala mo na may isang babaeng nagmahal sayo
Babaeng kahit nasasaktan sa di mo pagpaparamdam
Kasi nandito parin ako
Umaasa at nagmamahal sayo.
Pero akala ko ang salitang sana ay di na maiwawaglit pa
Kasi hinintay ko na sana masambit mo
Ang salitang mahal mo parin ako
Nong binigyan tayo ng pagkakataon na magkausap sa konting panahon
Pero nasambit mo lang “Pinaasa ba kita? Umasa kaba?”
Di ko akalain na ganon lang pala para sayo ating mga alaala
Nawala na parang bula
Natangay na pala nang hangin
At di ko na kayang hanapin.
Gusto kong itanong sayo “ano ba ako sayo?”
Pero natatakot ako sa anomang sagot mo
Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko
Pero di ko masumbat
Kasi ayokong magkaroon ka rin ng sugat,
Sugat na inukit mo sa mapurok kong puso.
Napagod na ako kakahintay sayo
Na sana andito ka sa piling ko.
Pero kung maibabalik ko lang sana
Mga panahon na tayoy nagkakilala
Di na sana tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana
Na sana iniwasan ko nalang mga chat mong walang kwenta
Para di ko nalang maranasan ang pait ng pag-ibig
Na kailan man di ko ninais na mabatid.
Pero ako parin ay nagpapasalamat
Sa pag-ibig na minsa’y nadama
Sa piling ng bawat isa.
Ngunit ako’y may isang hiling
Na sa muli nating pagkikita
Ika’y masaya na
Sa piling ng taong magpapadama sayo na ika’y mahalaga
At kontento sa kilos at salitang mahal kita.

You might also like