Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3 (FILIPINO10)
Modyul 3 (FILIPINO10)
Ikatlong Modyul:
Parabula at Mga Elemento Nito
Marami sa atin ang naimpluwensiyahan na ng mga kultura at panitikang galing sa ibang
bansa. Isa na rito ang parabula na nagbigay gabay sa atin para magkaroon tayo ng
magandang-asal. Dahil dito nag-iba ng paniniwala ang mga tao, mula sa kulturang
pagbibigay alay sa mga anito para dinggin ang panalangin hanggang sa dumating ang mga
dayuhan gaya ng mga Kastila na ipinakilala ang kristiyanismo.
Dahil dito nagsimula na ang paniniwala ng Pilipino kay Kristo, at ngayon marami na silang
pinakilalang iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na rito ang parabula na ipinapakita ang
kagandahang asal at mga aral na makakatulong sa atin para magkaroon ng matiwasay na
pamumuhay.
Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay
sa mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na
parabole na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.
SUBUKIN
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaano-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
13. Parabulang tungkol sa isang anak na nalihis ang landas at muling bumalik sa
piling ng ama.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Mabuting Samaritano
B. Ang Matalinong Haring si Solomon D. Parabula ng Nawawalang Tupa
14. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni ____.
A. Hesus C. Maria
B. Matthew D. Pedro
TUKLASIN
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang kwentong naglalahad o
nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba pang bagay. Karamihan sa
mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung
ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay
may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula sa Elements of
Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
Ang Alibughang Anak
Parabula ng Sampung Dalaga
Ang Mabuting Samaritano
Parabula ng Nawawalang Tupa
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin
ELEMENTO NG PARABULA
Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula:
1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na
maaaring makapagbigay ng magandang aral sa mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar
na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababanggit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa
kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong
isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa banal na Bibliya
PAGYAMANIN
Tin-edyer pa lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at sinusunod niya
ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya
sa kaniya sa panaginip: “Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?”
Sumagot si Solomon, “Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong
maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa
tamang paraan.”
Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya, “Dahil sa humingi ka ng
karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas marunong
kaysa sinumang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at karangalan.”
Hindi nagtagal, may dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit kay
Solomon. Sabi ng isa, “Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang araw
makaraan nanganak din siya. Isang gabi, namatay ang anak niya, samantalang natutulog
ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.”
Sinabi ng ikalawa: “Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay sa kaniya!” Nagtalo
sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
Nagpakuha siya ng espada at sinabi, “Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan ang mga
babae ng tigkakalahati!”
Ang tunay na ina ay sumigaw: “Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay na lang
ninyo sa kaniya!” Pero ang ikalawa ay nagsabi, “Sinuman sa amin ay huwag ninyong
bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.”
Kaya sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa unang babae.
Siya ang tunay na ina.” Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina ang
bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang
mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari.
Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain.
Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana
sila.
Gawain 1: Pag-ugnayin batay sa naunawaan mong mensahe sa parabula. Ilahad ang mga
bahagi/pangyayaring nagsasaad ng kabutihan, katotohanan at kagandahang asal.
Kagandahang Asal
Parabula: Ang
Matalinong
Katotohanan Haring si
Solomon Kabutihan
ISAISIP
Gawain 2: Patunayan Mo! Tingnan natin kung ano ang inyong mga natutuhan
sa aralin. Punan ng tamang salita ang patlang.
ISAGAWA
KARAGDAGANG GAWAIN