Mga Lugar at Pangyayari

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga lugar at Pangyayari

Mga pangyayari :
 Isang Pagtitipon
- Sa kabanata 1 ng noli mayroong marangyang salu salon a ipinaanyayahan ni
kapitan tiago sa kanyang tahanan. Maraming panauhin ang imbitado kabilang na
dito ang isang dayuhan na kung saan inaalam niya ang asa ng mga indiyo.
Nakausap ng dayuhan si padre damaso at napagusapan nila ang tungkol sa
monopoly ng tabako , na kung saan nilait ni padre damaso ang mga indiyo , dahil
ang mga indiyo daw ay hamak at mababa. Ito’ y sumisimbolo sa ating
kapanahunan sa mga taong napakataas ng tingin sa kanilang mga sarili , dahil sa
magandang antas ng kanilang pamumuhay sila’y nanghuhusga at nanlalait ng
kapwa.

 Si Crisostomo Ibarra
- Sa kabanata 2 ng Noli , si Crisostomo Ibarra ay naimbitahan din sa salu-salo.
Lumapit siya kay padre damaso upang makipag kamay dahil alam niya na si
padre damaso ay kaibigang matalik ng kanyang Ama. Ngunit ito ay hindi inamin
ng pari , bagkus ikinaila pa ni padre damaso na kaibigan niya ang ama ni Ibarra
dahil si padre damaso at Don Rafael Ibarra ay may nagkaaway. Napahiya si
Ibarra at iniatras ang kamay. Ito’y sumisimbolo sa ating kapanahunan sa mga
taong hindi maayos makitungo o pili lamang ang pinakikitunguhan , sa kabila ng
iyong mabuting layunin sa pakikipagkapwa may mga taong ito’y babaliwalain
lamang. Kapag hindi ka popular at pakikinabangan hindi maayos ang
pakikipagkapwa sayo.

 Ang Hapunan
- Sa kabanata 3 ng Noli, isa isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng
hapagkainan. Sa mga panauhin si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si
kapitan Tiyago. Pero , kagaya ng may karaniwang may pahanda , magalang na
tumanggi ang kapitan. Sinimulan idulot ng ang pagkain, naini si padre damaso
dahil sa inihaing tinola , dahil puro upo , leeg , at pakpak ng manok ang napunta
sa kaniya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng
pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra. Ito’y sumisimbolo
sa ating kapanahunan sa mga taong hindi marunong makuntento lalo na sa mga
namumuno, dahil sa karangyaan ng buhay ito ay nagdudulot ng pagrereklamo na
kung tutuusin dapat tayo ay maging masaya sa lahat ng mayroon tayo. Dahil sa
pagnanais naten ng mga magagandang bagay nakakalimutan naten ang mag
pasalamat sa mga bagay na mayroon tayo.
Mga lugar :
 Bagumbayan
- Sa kabanata 8 ng noli ( Mga alala ) habang nakasakay si Ibarra sa kalesa nadaan
nila ang bagumbayan nakung saan naalala niya ang bilin sa kanya ng kakilala
niyang pari bago siya noon tumulak sa ibang bansa. Ito’y ay ang mga : Ang
karunungan ay para sa tao , ngunit ito ay natatamo lamang ng may mga puso ;
kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa susunod na salin-
lahi at ; ang mga dayuhan ay nagpunta sa pilipinas upang humanap ng ginto kung
kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin
naman ang kanilang ginto. Ito ay sumisimbolo sa ating bansa na kung saan ito’y
isang buhay na patotoo sa mga sakripisyo na ginawa ng mga taong may mga
malasakit at pagmamahal sa bayan , ito ay ang ating mga bayani. Ito ay
nagpapaalala satin na huwag nating hayaan na mawalang kabuluhan ang
kanilang ginawa para sa ating henerasyon bagkus pagyamanin pa naten ang
ating mga karunungan upang maisalin din ito sa mga susunod na henerasyon.
Magkaroon tayo ng paninindigan at pagmamahal sa ating bayan, huwag nating
hayaan na maging alaala na lamang ang ating mayamang kultura at mapalitan ng
kultura ng dayuhan.

 Bayan ng San Diego


- Kagaya ng ibang bayan sa pilipinas , ang San Diego ay mayroong itinatagong
alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay
matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong
gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit , alahas at salapi. Hindi nagtagal
ang matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay
nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at
nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng
baliti. Dahil sa pagkamatay ng matanda , lalo siyang kinatakutan sapagkat nung
nabubuhay pa siya , takot na takot sa kaniya ang mga babae sapagkat bahaw ang
tinig nito , paimpit kung tumawa at malalim ang mata. Ito ay sumisimbolo sa
yaman ng kultura ng ating bansa , dahil sa bawat lalawigan ay buhay na buhay
ang ating sining sa pamamagitan ng mga alamat , mga pabula at kwentong bayan.
Pinapakita lamang nito na ang mga Pilipino ay likas na malilikhain at may
pagmamahal sa ating sining.

You might also like