Sina Ariel at Cleofe ay kapwa magkababata. Lumaki sila sa isang lalawigan na
nagsilbing Paraiso nila. Ang dalawa ay laging magkasama, di tulad ng ibang bata na maraming kalaro at kaibigan. Ang dalawa ay kuntento sa kanilang samahan. Palagi silang naglalaro sa damuhan at kung minsang sila ay magsawa ay nagtutungo sila sa dalampasigan upang kumuha ng kabibi. Sa damuhan sila ay naglalaro, naghahabulan at kung makaramdam ng pagod ay magpapahinga at hihiga sa damuhan habang tinatanaw nila ang langit na kulay kahel. Kung sasapit naman ang pagbubukas ng eskwela ay kambal-tuko rin ang dalawang tila di mapahhihiwalay. Ngunit sa kanilang paglaki, unti-unting nabubuo ang pader sa pagitan nilang dalawa. Hindi tulad ng sila ay bata pa lamang, maraming bagay na ang nagbabago sa kanila. Sa pagdagdag ng edad nila, naging mahigpit ang tadhana. Sa pagtungtong nila sa bagong yugto ng kanilang buhay, mas naging mahigpit ang kanilang mga magulang. Sila ay pilit na pinaglalayo dahil sinasabi na maaaring sila ay maging tukso ng isa’t-isa. Ito ay paulit-ulit na nagsusumigaw sa kanilang isipan hanggang ang katagang ito ay tumatak na sa kanila. Ang lungsod na puno ng tukso ang kanilang naging bagong paraiso. Hindi maikubli ng dalawa ang kagustuhang makita ang isa’t-isa kung kaya’t gumawa sila ng paraan upang makapiling ang isat-isa. Ngunit mukhang sinusubok sila ng tadhana ng malaman ng magulang ni Cleofe ang palihim na pagkikita ng dalawa, sinabihan niya ang dalaga ng masasakit na salita sa liham. Ngunit dahil nangingibabaw ang kagustuhang magkasama, nagpasya ang dalawa na magkita sa pook na walang nakakakilala sa kanila. Ang dating paraiso ng dalawa ay naging mas maliit, mas masikip at mas madilim. Masaya sila sa kanilang bagong Paraiso, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang pilit na ipinauunawa ng kanilang mga magulang ay biglang nangyari.