BUOD

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Chenie Nica B.

Coronel
12 – PRUDENCE

SA BAGONG PARAISO

Sina Ariel at Cleofe ay kapwa magkababata. Lumaki sila sa isang lalawigan na


nagsilbing Paraiso nila. Ang dalawa ay laging magkasama, di tulad ng ibang bata na
maraming kalaro at kaibigan. Ang dalawa ay kuntento sa kanilang samahan. Palagi
silang naglalaro sa damuhan at kung minsang sila ay magsawa ay nagtutungo sila sa
dalampasigan upang kumuha ng kabibi. Sa damuhan sila ay naglalaro, naghahabulan
at kung makaramdam ng pagod ay magpapahinga at hihiga sa damuhan habang
tinatanaw nila ang langit na kulay kahel. Kung sasapit naman ang pagbubukas ng
eskwela ay kambal-tuko rin ang dalawang tila di mapahhihiwalay. Ngunit sa kanilang
paglaki, unti-unting nabubuo ang pader sa pagitan nilang dalawa. Hindi tulad ng sila ay
bata pa lamang, maraming bagay na ang nagbabago sa kanila. Sa pagdagdag ng edad
nila, naging mahigpit ang tadhana. Sa pagtungtong nila sa bagong yugto ng kanilang
buhay, mas naging mahigpit ang kanilang mga magulang. Sila ay pilit na pinaglalayo
dahil sinasabi na maaaring sila ay maging tukso ng isa’t-isa. Ito ay paulit-ulit na
nagsusumigaw sa kanilang isipan hanggang ang katagang ito ay tumatak na sa kanila.
Ang lungsod na puno ng tukso ang kanilang naging bagong paraiso. Hindi maikubli ng
dalawa ang kagustuhang makita ang isa’t-isa kung kaya’t gumawa sila ng paraan upang
makapiling ang isat-isa. Ngunit mukhang sinusubok sila ng tadhana ng malaman ng
magulang ni Cleofe ang palihim na pagkikita ng dalawa, sinabihan niya ang dalaga ng
masasakit na salita sa liham. Ngunit dahil nangingibabaw ang kagustuhang
magkasama, nagpasya ang dalawa na magkita sa pook na walang nakakakilala sa
kanila. Ang dating paraiso ng dalawa ay naging mas maliit, mas masikip at mas
madilim. Masaya sila sa kanilang bagong Paraiso, ngunit sa hindi inaasahang
pangyayari ang pilit na ipinauunawa ng kanilang mga magulang ay biglang nangyari.

You might also like