Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Talambuhay ni Gloria Macapagal Arroyo

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong


Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang
babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod


bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa
pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula
1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph
Estrada. kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng
korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng
Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa
Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto dahil sa mapayapang
demonstrasyon sa EDSA, at kagyat nanumpa si Gloria Arroyo bilang pangulo noong Enero 20,
2001. Nahalal siyang muli ng anim na taon pa at nanumpa sa tungkulin noong Hunyo 30, 2004.

Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macaraeg Macapagal ng pulitikong Diosdado


Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr.
Diosdado “Boboy” Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao,
Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid
mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa
ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras
sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya’y maglabing-isang taon. Mahusay siya sa Wikang
Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.

Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ay nahalal bilang pangulo ang kanyang ama. Siya
at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang bayan ang
ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya at
sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian
noong 1964.

Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal
na Pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila.
Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na
valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School
of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging
kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili
ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa
Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968.

Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo
na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan
pa lamang.  Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at
si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha
ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena
degree sa EKonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985. [4] Mula 1977 hanggang
1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba’t ibang mga paaralan, gaya ng
Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.

Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan
bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote
bilang undersecretary pagkatapos ng dalawng taon.

You might also like