BISOC

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BISOC: Ipinaliwanag ni PLTCOL Solares

Sa isang pakikipagpanayam na isinagawa ng MASA PATROL Balita kay PLTCOL Jesus I.


Solares Jr., ipinaliwanag niya ang isang pagsasanay na isinasagawa para sa mga
kapulisan sa ilalim ng BISOC na kanyang pinamumunuan.

Ayon sa kanya, bago pa magsimula ang kahit na anong Training Program, mayroong mga
kwalipikasyong sinusunod ang mga kapulisan. Aniya, sa BISOC ang normal at pinaka-
unang kwalipikasyon sa mga lalahok sa pagsasanay ay ang pagkakaroon nito ng
magandang pisikal na pangangatawan na makakayang lagpasan ang mga inihanda na
mga pisikal na aktibidades sa ilalim ng kanilang programa. Ito ay sapagkat hindi madali ang
mga aktibidades na daraanan ng mga pulis na napasailalim sa pagsasanay nito lalo pa at
ito ang pinakamahirap na pagsasanay na haharapin ng isang pulis matapos siyang mag-
aral.

Binigyang-diin niya na kinakailangan na ang mga lalahok sa pagsasanay ay maging handa sa


pisikal o emosyonal mang aspeto, at maging sa ispiritwal na isa ring parte ng kanilang Internal
Cleansing Program.

Aniya, bago pa man makarating ang mga kapulisan sa lebel ng pagsasanay na ito ay dumaan na
sila sa isang screening process. Kaya, kapag sila ay napili upang mapasailalim sa isang masusing
pagsasanay, isang bagay na lamang ang hinahanap sa kanila- magandang pisikal na
pangangatawan. Sa gitna ng mga pagsasanay, doon masusukat ang kakayahan ng mga
kapulisan sa pisikal na aspeto. Marami rin ang napag-alamang buntis sa gitna ng pagsasanay
dahil madalas may iilang mga kababaihang nahihimatay. Bago pa man sila magpapalabas ng
rekomendasyon, daraan muna ang mga ito sa Medical Check-ups upang makakuha ng
pangalawang rekomendsyon upang makumpirma ang naturang mga pangyayari. Ito ay daraan
sa Regional Health Service, kung saan ang resulta mula rito ay magiging pinal na basehan nila
para sa mga rekomendasyon na ang isang babae o lalakeng pulis ay hindi Physically Fit para
makapagpatuloy sa programa.

Upang ma-monitor ang kalusugan ng mga kapulisan, nagkakaroon sila ng regular na mga
Check-Up. Ito ay upang masiguro na nasa maayos na kalagayan ang bawat kalusugan ng
kapulisan, dahil hindi lamang masusukat sa pagkakaroon ng malalakas na katawan ang
malusog na kalusugan.

Ang mga kababaihang na-kumpirmang buntis ay hindi pinapayagang makapagpatuloy sa


pagsasanay kahit pa na nais nilang magpatuloy. Kung sila ay nakapagpanganak na, sila ay
binibigyan ng tsansang makapagsanay ulit ngunit sila ay babalik sa unang hakbang. Kung may
mga Subjects na sa tingin ng Training Personnel na hindi na niya kailangan pang balikan, maaari
siyang dumaan na lamang sa isang Refresher course.
Sa mga kababaihang kalahok sa pagsasanay ay may tatlong grupo ng mga PNP Personnel o
Training Staffs na magtuturo na kadalasang mga kababaihan rin. Mayroon lamang inilagay na
mga lalakeng personnel na mangunguna sa mga aktibidades na medyo mabibigat. Sa mga
kalalakihan naman, ang lahat ng kanilang mga training staffs ay mga kalalakihan. Sa bawat
klase ay mayroong 50-80 na mga babaeng pulis.

Ipinarating ni PLTCOL Solares, na ang minimithi ng bawa Training Staff, Course Director, at
Training Manager ay ang makapagtapos sa Training Program ang mga kapulisan na may
positibong epekto. Ibigsabihin, ang ninanais nilang output ng bawat isa ay maisa-puso mai-
sagawa nila ang lahat ng kanilang natutunan sa panahon ng kanilang pagsisilbi sa bayan.
Binigyang-diin niya na dapat ay gamitin lamang ng mga kapulisan ang mahahalagang aral mula
rito sa kabutihan. Malaking kagalakan para sa kanila na ang lahat ng kanilang natutunang
kasanayan ay nagkaron ng aplikasyon sa oras na ginampanan na ng mga ito ang kanilang mga
trabaho para sa bansa.

You might also like