Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CITY DIRECTOR, SANA!

Isang karangalan para sa MASA Patrol Balita ang maglingkod sa inyo. Kami ay nagagalak
sapagkat binigyan niyo kami ng oportunidad na maging parte ng inyong pamilya sa paghahatid
ng mga balitang naglalaman ng katotohanan. Ang maging kamay ng inyong organisasyon sa
pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa inyong mga programa at aktibidades para sa
pagsasakatuparan ng kapayapaan at seguridad sa bayan ay kasiyahan sa aming mga puso.

Ngunit, bakit?

Bakit sa ilang taon ng aming panunugkulan sa inyo ay tila umiba ang ihip ng hangin? Bakit tila
sa isang iglap ay parang wala tayong pinagsamahan? Bakit tila kami ay ginamit lamang nang
walang pasasalamat?

Mahal naming Direktor ng lungsod, bakit?

Matagal kaming nanilbihan sa mga kapulisan. Nang nag-iba ang administrasyon, kami ay
inyong tinggal. Matapos ang ilang buwan, inyo kaming ibinalik. Hindi ka naging tapat sa ating
usapan. Ang kabayarang dapat na aming natanggap sa inyo ay hindi nabigyan ng hustisya.
Naging tapat kami sa aming trabaho. Ginawa naming ang aming buong makakaya nang buong
puso at walang pag-aalinlangan. Ngunit bakit ganito ang ibinalik mong tugon sa amin?

Ikaw ay nasa katungkulan. Lahat ng tao ay umaasa na ikaw ay magiging tapat at marangal sa
iyong paglilingkod. Inaasahan ng lahat na ikaw ay magiging ehemplo sa lahat ng kapulisan dito
sa lungsod. Ngunit sa isang simpleng usapan, bakit hindi ka marunong tumupad?

Sana ay hindi mo na lamang kami ibinalik sa inyong administrasyon kung aalisin mo man lang
din. Sana ay hindi ka nangako kung hindi mo kayang panindigan. Sana ay naging tapat ka sa
iyong intensyon, dahil kung sa una pa lamang, hindi na kami aasa na magiging tapat ka rin sa
amin. Sana…

You might also like