Mayor Cynthia

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gangsterism Sa Lungsod ng Cotabato: Binigyang-Solusyon

Noong ika-16 ng Agosto ng taong ito ay nagkaroon ng isang pakikipagpanayam si Atty. Mayor
Cynthia Guiani- Sayadi sa mga media partikular na sa isyu ng Gangsterism sa lungsod ng
Cotabato.

Ipinahayag ng mayora na marami na silang natatanggap na mga reklamo sa social media


tungkol sa isyung ito. Maraming mga magulang ang nag-aalala dahil sa maaaring maging dulot
nito sa kanilang mga anak. Kahit pa ang ibang mga kabataan na hindi naman talaga nag nanais
na mapabilang sa mga grupong ito ay napipilitang sumali dulot ng takot na mabugbog ng
mga miyembro nito.

Sa kasalukuyan ay masusing tinututukan ang problemang ito ng bawat barangay kasabay ng


pakikipagtulungan ng mga kapulisan ng lungsod.

May kabataang nahuli kung saan nagsasagawa ng kanilang estratihiya ng paghahanap ng


magiging parte ng kanilang grupo. Sila ay nananampal nang walang dahilan sa kung sinuman
at kung magpapakita ng katapangan ay hihikayatin nila ito na sumali, kung tatanggi man ay
kanilang pagbabantaan.

Kinilala ang mga grupo ng mga kabataang ito na may mga pangalang: Bagwados, mga grupong
humahanga kay Coco Martin, Bendita, Lusetas, Black Angel, Fairytale, Syetedyes, Pulang
Araw, Canisares Temple Gang, at iba pa. Umaapela siya sa lahat ng paaralan lalo na sa bawat
guro na kung mayroon silang malalaman ay bigyan ng aksyon agad dahil mas alam nila ang
mga nangyayari sa kanilang paaralan lalo pa at sila naman ang pangalawang magulang ng mga
bata at ang mga ibang magulang ay abala sa paghahanapbuhay. Nananawagan ang mayora
na tumulong sila sa pagkilala sa mga grupong ito sa ireport sa pinakamalapit na estasyon ng
pulis para magawaan ng paraan.

Nanawagan rin sila sa mga magulang na kung may napapansin silang kakaiba sa kanilang mga
anak gaya ng pagkakaroon ng tattoo ay nararapat nilang mabigyan ng atensyon ito.
Nalulungkot ang mayora dahil marami ng mga bata ang lumiliban sa klase dahil sa takot na
baka bugbugin ng mga miyembro ng gang na ito.

Ang lahat na madadakip ay pino-profile sa oswd at sa mga kapulisan at sa may mga nagawa ay
kakasuhan pa rin sila at sila ay imomonitor ng oswd, magrereport rin ang mga kabataan sa
opisina ng kapulisan nang regular upang masubaybayan ang kanilang mga ginagawa.

Nabigyan na rin ng utos ng mayora ang bawat kapitan ng Barangay na imonitor ang mga
batang kabilang sa mga ito at ireport sa kanya kung ano ang mga impormasyon tungkol sa
kanila.

May limang mga kabataan ang kinilala nila na kabilang sa Out of School Youth. Pinayuhan sila
ng mayora na mag-enrol sa TESDA at sila'y mabibigyan ng tsansang magkaroon ng
oportunidad na hasain ang kanilang kasanayan sa partikular na larangan.

Ayon sa mayora, kung hindi naagapan ang problemang ito nang maaga ay maaaring maging
kabilang pa ang mga kabataang ito sa ibang malalaking organisasyon. Ipinahayag ng mayora
na siya ay isang ina rin at alam niya kung ano ang mamaramdaman ng isang magulang kaya
siya any nakikiisa sa kanila.

Naniniwala ang mayora na lahat sila ay mayroon paring maliwanag na kinabukasan. Kaya
hinihikayat niya ang pakikipagtulungan ng bawat isa upang masugpo ang

"Kung alanganin ang tapang ninyo, ibulsa na lang ninyo yan. Kung talagang sa palagay ninyo
matapang kayo, gawin ninyo ang gusto ninyo, pero tatandaan ninyo ang batas sa Cotabato ay
hindi natutulog", panawagan naman ng mayora sa mga lider ng mga gang na hindi pa
sumusuko.

Noong ika-18 naman ng Agosto, si Atty. Mayor Cynthia Guiani Sayadi ay personal na nakipag-
usap sa mga miyembro ng mga gang na sumuko sa mga awtoridad. Pipirma sila ng kasulatang
tinatawag na "Peace Pac" na ang ibigsabihin ay wala ng gulo.

"Ang nanay ninyo mabait sa inyo, pero pag matigas ang ulo ninyo papaluin ko kayo", wika ng
mayora.

Kinausap niya ang mga ito na hindi na gagawa pa ng kaguluhan at silang lahat naman ay
umayon sa kondisyon ng mayora.
Maraming mga kabataan na napabilang sa mga gang na ito na dayuhan sa lungsod. Sila ay
nagmula pa sa Parang, Datu Puti, Sultan Kudarat, Datu Biac at iba pa.

Nanawagan rin ang mayora sa mga magulang na OFW na alamin at siyasatin ang kalagayan
ng kanilang mga anak upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

May mga aktibidades naman ang nakahanda para sa mga kabataang ito na pangungunahan ng
OSWD.

Ibibigay rin ng lokal na gobyerno ang mga palakasan na ninanais ng mga kabataang ito nang sa
gayon ay magkaroon sila ng pansariling libangan.

Sila ay pumirma sa isang kasunduang ginawa ng lokal na gobyerno na naglalaman ng mga


sumusunod na kondisyon: hindi na sila manggugulo, bubuwagin na nila ang grupong kanilang
nabuo, hindi na sila kukuha pa ng bagong miyembro, at hindi na gagawa ng gulo sa pagitan ng
anumang grupo sa lungsod ng Cotabato.

You might also like