Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Samantha A.

Mance
ABM 173 – Luke

“Nandito ako Kaibigan”

Narinig mo na ba ang mga salitang “Andito lang ako sa oras na kakailanganin mo ko”, “Hindi ka
naman nag iisa” o di kaya “Masaya ako pag kasama kita”. Hindi ba masarap sa pakiramdam makarinig ng
mga ganyang salita? Maaring simple lang para sa iba , ngunit isang napakalaking bagay na para sa iilan.
Iilan na nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa, labis na kalungkutan, mababang pagtingin sa sarili at ang
pinakamalala sa lahat, ang pag papakamatay.

Tinatayang tatlong milyong Pilipino ang nakakaranas ng depresyon ayon sa world health
organization at ito ay nakakapangamba dahil ang mga nagpapakamatay sa sakit na ito ay nagmumula sa
edad na labing tatlo hanggang dalawamput siyam nakapangangamba dahil sa murang edad ay naiisip na
nila ang pagkitil sa kanilang sariling buhay.Kamakailan lang ay may isang mag-aaral mula sa isang kilalang
paaralan ang nagpakamatay dahil lamang siya ay nakatanggap ng mababang grado sa isang asignatura,
nakakabahala hindi ba? Ang depresyon ay hindi kaartehan lamang, hindi ito uri ng pagpapapansin o
kadramahan bagkus ito ay isang seryosong sikolohikal na sakit na negatibo ang naibibigay sa ikinikilos,
iniiisip at nararamdaman ng isang tao. Ngunit, naisip mo ba na baka ikaw ang isa sa mga dahilan ng
pagkakaranas ng depresyon ng isang tao? Naisip mo ba na ang mga ikinikilos at sinasabi mo ay may
malaking epekto sa buhay ng isang tao? Ang mga taong nakakaranas ng depresyon ay ang mga taong
nakakatanggap ng panghuhusga, pamamaliit, at pambabalewala ng ibang tao. Hindi sasagi sa isip ng
isang tao ang ano mang ngeatibong bagay kung siya ay nakakatanggap ng importansya at pag mamahal.
Maging bukas tayo sa posibilidad na ang lahat ng tao ay may problema, lahat tayong mga kabataan ay
may kanya kanyang dinaramdam kaya’t huwag na tayong makidagdag pa. Sa patuloy na pagtaas ng
depresyon sa ating bansa ang department of health ay nag bukas na ng tinatawag na ‘hopeline’ para
masolusyonan ang nakakabahalang isyung ito.

Naniniwala ako na lahat tayo ay may pag asa pa. Hindi tayo bibigyan ng diyos ng pagsubok na
hindi natin kakayanin, paraan niya ito upang tayo ay ihanda sa mas malala upang tayo ay mas magiging
matatag. Kaya ngayon kung isa ka sa kanila, kung isa ka na nakakaramdam ng labis na kalungkutan at
kawalan ng importansya, ibabalik ko sayo ang mga salitang “Andito ako sa oras na kakailanganin mo ako
at lagi mong tatandaang hindi ka nag iisa.”

You might also like