Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Karagdagang gawain:

Sa Makati at Divisorya, Denims and Hanap Nila

Masasabi naming ang akdang 'Sa Makati at Divisorya, Denims and Hanap Nila'ni Valerio L. Nofuente ay
isang halimbawa ng tekstong impormatibo sapagkatnaglalaman ito ng totoo at mahahalagang
impormasyon ukol sa paksang 'denims' atito rin ay mayroong tamang pagkakasunod-sunod ng detalye.
Sinimulan niya angpagtatalakay sa denims sa pamamagitan ng isang introduksyon kung gaano ba
karamio kung sino ba ang mga gumagamit ng denims. Sumunod ay tsaka inilahad angimpormasyon sa
kung saan at paano nagsimula ang serge de nimes o sa katagalannga'y naging denims na lang ang tawag.
Ipinakita rin sa akda kung paanong angpagsusuot ng denims ay nagkaroon ng diskriminasyon at kung
paano naging simboloito ng rebelyon para sa mga kabataan.

Nang maglaon ay natanggap din ng mgamamamayan at mas lumaganap pa ang pagsusuot ng denims
kahit ano pa ang antas ngpamumuhay. Sabay sa pagka-uso ng denims ay ang pagkakataong kumita para
sa mganamumuhunan at ang paglitaw ng mga kumpanyang gumagawa ng denims, kabilang naang Levi's
(sa pangunguna ni Levi Strauss, ang nagpasimula ng kasuotang denims), Wrangler, Amco, Jag, Bax at iba
pa. Binanggit din ng may akda kung paanong mayiba pang kasuotan ang nauso bukod sa denims ngunit
ang mga tao'y mas pinili pa ringsuotin ito. Talagang sa pagbasa ng akdang ito ay may makakalap tayong
impormasyonukol sa denims alinsunod sa layunin ng tekstong impormatibo.

Panuto: Basahin at unawain ang tekstong iyong mababsa sa iba, tapos sagutan ang mga katanungan
patungkol sa nsabing teksto.

UNIPORME NG DAIGDIG

Mahigit nang isang dekadang nauuso ang pantalong maong sa daigdig ng modang publikong kay
daling manghinawa. Ang matagal na pamamalagi ng usong ito ay isa nang kasaysayan.

Tinaangkang patalsikin sa luklukan ng hari ang mong noonr 1976 nang ilunsad ang Shoe Mart
ang “khaki craze.” Lumubog ang hindi halos nakalitaw na khaki ngunit ang denims ay nakakapit pa rin sa
baywang at binti nina Juan at Johnny.

Dumaa ang mini skirt, pumasok ang modi, ngunit sina Juanita at Juan ay nanatiling tapat sa
natagpuang angkop na kasuotang pang-unisex, De-baston ito noong 1960, hanging bell bottoms
pagpasok ng 1970 at ngayo’y muli na namang nagiging de-baston. Ito’y mayabang na nakabitin sa
sampayan ng mga naghihikahos na distrito ng Tundo at malinis na nakahanger sa cabinet ng taga- Forbes
Park; buwan-buwan ay may bagong etiketang sumisipot sa mga department store upang
makipagsabayan sa paghigop ng salapi ng publiko.

May humuhulang aabutin pa ng paglipat ng siglo ang denims at may naghahaka ring baka ito
maideklarang opisyal na kasuotan ng lahat ng nilalang sa lupa. Lung magkakagayon, maging santo o
pagdaigdig na bayani kaya si Levi Strauss?
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang tekstong nagbibigay impormasyon?


2. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tekstong nagbibigay impormasyon?
3. Bakit kailangan maging makatotohanan ang isang tekstong nagbibigay impormasyon?
4. Ano-ano ang kongkretong impormasyon na iyong nakuha mula sa Makati at Divisoria, Denims
ang Hnap Nila ni Valerio Nofuente? Magbigay ng lima.
5. Ano-anong katangian ng awtor ang nangibabaw sa teksto?

Source:

Lolita T. Bandril et.al :Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

You might also like