Organikong Pakwan PDF

You might also like

Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 2
PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA Itanim sa mabuhanging-banlik na lupa na sagana sa organikong bagay at may pH na 5.8-6.6. Mahalagang hindi tinitigilan ng tubig ang lupa. Ang mahabang panahon na mainit at tuyo ang kailangan para sa pagtatanim ng pakwan kaya madalas itong itinatanim sa tag-araw. Angkop ang temperaturang 18°C hanggang 35°C para sa pagtatanim nito. PAGPILI NG BINHI Pumili ng binhing angkop sa kundisyon ng lugar, may mataas na pangangailangan sa pamilihan at may panlaban sa mga sakit at peste. Gumamit ng binhing hindi nilagyan ng fungicide. PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN Araruhin at suyurin ang taniman 2-3 beses hanggang sa maging buhaghag ang lupa, Maglagay ng binulok na dumi ng hayop sa dami na 10-15 tonelada kada ektarya. Gumawa ng mga tudling na may pagitan na 2 m. Maaaring maglagay ng mulch na plastik nang sa gayon ay mapamahalaan nang wasto ang damo at mapanatili ang pagkabasa ng lupa. g e PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON: Mag-text'sa PhilRice text center 0920-911 -1398 rige_matters (twitter), | rice,matters (facebook) Bisitahin ang Pinoy Rice Kowedge @ank_www.pinoyrice.com ‘Ang pakwan (Citrullus /anatus) ay kabilang sa grupo ng mga gulay ngunit itinuturing na prutas dahil sa madalas itong kainin bilang panghimagas. Karaniwan itong itinatanim sa tag-araw sa mga buwan ng Oktubre hanggang Enero subalit maaari ring itanim simula Agosto dahil mas mataas ang presyo ng mga prutas na wala sa panahon. Ito ay binubuo ng 92% na ‘tubig at sagana sa bitamina A, B6, C, at lycopene. PAGTATANIM Kailangan ng 1-3 kg na buto para sa isang ektarya. Gumawa ng mga butas sa bawat tudling na may pagitan na 2 mat magtanim 3-4 na buto bawat butas sa lalim na 2.5 em. Bawasan ang mga punla sa bawat butas/tundos kapag mayroon nna itong 3-4 na dahon. Magtira lamang ng isang punla bawat tundos. PANGANGALAGA Nangangailangan ang pakwan 180 kg bawat ektarya na nitroheno (N), 168 kg bawat ektarya phosphorus (P), at 168 kg bawat ektarya na potassium (kK). Magdagdag ng binulok na dumi ng hayop © kompost kung kinakailangan. Maaari ring mag-aplay ng manure tea at fermented plant juice (FP). Magdilig ng isang beses sa 1 linggo 0 5-6 nia beses mula pagkatanim hanggang umani depende sa panahon at uri ng lupa. Mage lamang kung kinakailangan kapag bata pa ang mga halaman upang maging maayos ang Pagtubo ng mga ugat. Ingatang hindi mabasa ang mga bunga upang maiawasan ang pagkabulok at pagkasira 1ng mga ito. PHILRICE OGGGSROS? SMBRROBEEn Ss SEPM CE oe Isabay ang pagdadamo sa pagbabawas ng inla ngunit tiyaking hindi masira ang mga ititrang punla habang ginagawa ito. Mahalagang mapanatili ang dami ng mga bubuyog upang makabuo ang maraming bunga. Maaring magtanim ng mga namumulaklak na halaman sa paligid upang makahikayat ang mga bubuyog. Magbawas ‘ng mga malllit na bunga at magtira ng 2 ‘bunga bawat baging ng halaman. PAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE Dapulak na nagdadala_ng mosaic virus, uwang, gagambang hanip at harabas ang mga karaniwang peste ng _pakwan. Mag-spray ng tinunaw na sabon (4 na kutsara sa 16 L na tubig) para sa uwang. Ang katas ng sili (100 g dinurog na sili sa 16 Lng ‘tubig) na hinalo sa tinunaw na sabon naman ang mabisa para sa dapulak. Ang paggamit ng kulay pilak na plastik mulch ay nakakatulong din upang maitaboy ang mga peste. Mapaminsalang sakit naman nito ang amag, anthracnose, cucumber mosaic virus (CMV), pagkalanta sani ng Fusarium at pagkabulok. Upang maiwasan ang mga ito, gumamit ng binhing may panlaban sa sakit, Pamahalaan nang wasto ang pagpapatubig at magtanim ng ibang uri ng gulay sa mga susunod na panahon ng taniman. Tanggalin din ang halaman o parte ng halaman na may sakit upang maiwasan ang pagkalat nito feieaterr Pinsala ng gagambang hanip Harabas/beet armyworm Mosaic virus PAG-ANI Maaari ng anihin ang mga bunga 3 buwan pagkatanim o 35 araw simula pagkabuo ng mga ito. Ang mga palantandaan na maaaring tingnan ay pagtambol pag pinitik, pagdidilaw sa bahaging nakalapat sa lupa at pagkatuyo rng tangkay ng bunga SECU RDU RAS STP RR a SIP? 7) Popes cage y TPR eee ahs in ee) REFERENCES Baameur A, Hartz TK, Turini T, Natwick E, Takele E, Aguiar J, Cantwell M, Mickler J. 2009. Watermeion Production in California. The Regents of the University of California, Division of Agriculture and Natural Resources. Publication 7213.5 p. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa anrcatalog.ucanr.edu. Department of Agriculture, Forestry and Fisheries. Production Guidelines: Watermelon (Citrullus lanatus). Directorate Agricultural Information Services, Department of Agriculture, Forestry and Fisheries, South Africa. 32 p. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.nda.agric.za/docs/Brochures/PG_watermelon.pdf. George RAT. 2011. Tropical Vegetable Production. CAB International, UK. 225 p. Hankins A. 2003. Organic Production of Watermelons. Virginia Cooperative Extension, Virginia State University. 4 p. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa pubs.ext.vtedu. National Watermelon Promotion Board. Nutrition: Health 101. . Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.watermelon.org. Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development. 2014. Organic Squash Production (Pulyeto). PCARRD Information Bulletin No. 43. Szalay J. 2014, Watermelon: Health Benefits, Risks & Nutrition Facts. Livescience. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa wwwilivescience.com. The University of Georgia. 2000. Commercial Watermelon Production. Cooperative Extension Service, The University of Georgia, College of Agricultural and Environmental Sciences. Bulletin 996. 40 p. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.agmrc.org. 2009. Growing Watermelon. Pinoy Bisnes Ideas. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.pinoybisnes.com. 2015. Watermelon Production Guide. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa businessdiary.com.ph. ‘Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring kinuha ng buo o isinalaysay sa sariling paliwanag mula sa pinaghalawan. ‘Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan. eo SRR ce

You might also like