Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aralin 1: Ang Pambansang Pamahalaan at kapanagyarihan ng Sangay Nito

Pangalan: _____________________ Baitang:________________


LRN No.: ______________________ Puntos: ____________________

Layunin:

Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan


AP4PAB- IIIa-1

ALAMIN NATIN

Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na


itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

Sangay ng Tagapagbatas o ang Kongreso ang gumagawa ng mga batas ng


bansa. May dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas: ang mataas na
kapulungan at ang mababang kapulungan. Ang Senado ang mataas nag
kapulungan at ang Kapulungan ng mga Kanatawan ay ang mababang
kapulungan.

Sangay na Tagapagpaganap ang tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng


Kongreso ay maipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga
mamayan.

Sangay na Tagapaghukom ang sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng


batas. Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang
Hukuman o Korte Suprema at mababang hukuman.
NATUTUHAN KO
Sagutin ng tama o mali. Kung mali, isulat ang salita o mga salitang
nagpamali rito at itama ito. Isulat sa mga sagot sa notbuk.
____1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.

____2. May dalawang sangay ang pambansang pamahlaan ng Pilipinas.


_____3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado.
_____4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na tagapagpaganap.
_____5. Magkaugnay ang lahat ng mga sangay ang pambansang pamahalaan.
_____6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga mambatas.
_____7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at pagpapatupad
ng mga programa para sa mga mamamayan.
_____8. Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas.
_____9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan.
_____10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito
maging yaong mga nasa ibang bansa man.

TANDAAN MO

 Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng


Pangulo ng bansa.
 Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na
itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtagtag ng
kaayusan at magpanatili ng naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
 Ang panbansang pamahalaan ay binubuo ng sangay na
tagapagpaganap, sangay na tagapagbatas , at sangay na tagapaghukom.
 Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay tagapagbatas,tagapapaganap, at
tagapaghukom
 Ang sangay na tagapagpaganap ang nagtutupad ng mga batas.
 Ang sangay na tagapagbatas ay Kongreso n gating bansa na siyang
gumagawa ng mga batas. Ito ay may dalawang kapulungan: ang
Senado na mataas na kapulungan at ang Kapulungan ng mga Katwiran
ng mababang kapulungan.
 Ang sangay na tagapaghukom ang nagbibigay-kahulugan sa mga batas
ng bansa.
Aralin 2: Mga Antas ng Pamahalaan

Pangalan: _____________________ Baitang:________________


LRN No.: ______________________ Puntos: ____________________

LAYUNIN:
Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas
AP4PAB-
IIIf-g-6
ALAMIN NATIN

Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha ng maraming


trabaho, lalo nasa mga lalawigan, nagbibigay ang pamahalan ng kaukulang pondo
para sa mga proyektong pang imprastraktura, na kinabibilangan ng national roads
at mga tulay, mga paliparan, daungan at mga parola, mga silid-aralan at iba pang
pasilid na pang edukasyon, Sistema ng malinis na tustos ng tubig, irigasyon at
post-harvest faicilities at mga estruktura para sa pagpigil sab aha (flood control) at
proyteksiyon ng mga burol.
Ang P141.8 bilyong badyet noong 2011 ay ginawang P182.2 bilyong total
budget para sa imprastraktura ng gobyerno sa 2012 National Budget. Ito ay 25.6
bahagdang mas mataas kaysa sa alokasyon nang 2011 at kumakatawan sa 1.6
bahagdan ng Gross Domestic Product kung ihahambing sa 1.4 bahagdan noong
2011.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakakuha ng
bulto ng badyet para sa imprastraktura, na sinundan nga Department of
Agriculture (DA) at nag Department of Agrarian Reform (DAR) para sa farm to
market roads, post harvest facilities, at mga pasilidad sa patubig. Ang Department
od Education (DepEd) ay nagtatayo at nagkumpuni ng mga silid aralan, pati
patubig at sanitasyon sa mga pampublikong paaralan. Ang Department of
Transportation and Communication (DoTC), paliparan at daungan.

NATUTUHAN KO
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang kahulugan ng imprastraktura? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano-anong ahensiya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng mga
programang pang-imprastraktura?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang mga programang pang-imprastraktura sa pag-unlad ng
bansa?
_____________________________________________________________
4. Ano ang kaugnayan ng imprastraktura sa pagpaunlad ng bansa?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Nakakatulong ba ang imprastraktura para sa mamamayan? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

TANDAAN MO

You might also like