Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Color Fun Run

Muling isinagawa ang taunang Color Fun Run sa Hilario E. Hermosa Memorial High School noong ika-26
ng Hulyo, 2019, na nilahukan ng mga estudyanteng mula sa nasabing paaralan.

Ang nasabing programa ay isang fund raising program na layunin na makalikom ng tulong pinansiyal na
mula sa mga estudyante para sa mga atletang magre-representa ng paaralan sa Gabaldon-Laur Athletic
Meet (GLAM).

Sinumulan ang programa sa pamamagitan ng isang Zumba na pinangunahan ng mga mananayaw at mga
guro, at ang pagbasa ng tubig mula naman ng mga Bureau of Fire Protection-Laur (BFP) sa mga
estudyante na hudyat bilang simula na ng pagtakbo.

Mayroong tatlong istasyon ang pagtakbo na kung saan may sari-sarili ring kulay, una, sa boundary ng
Barangay Siclong at San Vicente na may kulay asul, plaza ng San Vicente, dilaw, at sa Purok Abagatan ng
San Vicente, pula.

Congress

Sa kauna-unahang pagkakataon isinagawa ang Nueva Ecija Campus Journalits’ Congress sa Crystal Waves
Events, Talavera, Nueva Ecija, noong Agosto 1-2, 2019 na dinaluhan ng humigit kumulang sa dalawang
libong mga estudyanteng mamahayag mula sa Elementarya at Sekondarya ng Dibisyon ng Nueva Ecija.
At School Paper Advisers (SPA).

Layunin ng gawain na ito magbigay pa ng karagdagang kaalaman sa mga SPA at estudyante ukol sa iba’t-
ibang kategorya sa journalism.

Sinimulan ni Carmencita Gatmaitan, English Education Program Supervisor I (EPS- I), at ang punong abala
sa nasabing gawain, ang programa sa pamamagitan ng pagbati sa bawat dumalo at pagpapa-kilala sa
mga taga-pagsalita na si Dado, na nagbigay impormasyon sa pag-susulat ng balita at paglalagay ng
headline.

Sa ikalawang araw ng gawain, inilahad naman ang mga salik na nakapaloob sa Science Writing,
paanayam ukol sa Cartooning na kung saan itinuro kung paano ang tamang pagbuo ng konsepto.

At bilang pagtatapos ng programa, muling nagpasalamat si Gatmaitan sa bawat isang dumalo at


nangakong ang programang ito ay mauulit pa sa susunod na taon.

Isa ang programang ito sa repormang ginagawa ng Dibisyon ng Nueva Ecija upang palakasin ang
larangan ng Pamamahayag at para na rin sa nalalapit na Schools Press Conference.

Birthday
Dagundong ng isang masiglang “Happy Birthday” song ang bumungad kay Jenny Lynn T. Batoy, Principal
ng Hilario E. Hermosa Memorial High School sa pagdaraos ng kaniyang surprise birthday party na
pinangunahan ng mga guro at kooperasyon ng bawat estudyante, na ginanap sa Gymnasium ng paaralan
noong ika-9 ng Hulyo ng umaga.

Sa pagbibigay ng mga regalo at pagbabahagi ng talento gaya ng pagsayaw, pagkanta, at pagtula


ibinuhos ng mga estudyante at mga guro ang kanilang pagbati.

Bago magtapos ang selebrasyon, sinabi ni Gng. Batoy, gamit ang mga matang naluluha sa tuwa, na lubos
siyang nagpapasalamat at natutuwa sa paraan ng pagdaraos ng kaniyang kaarawan.

Mathematics

Walong mag-aaral ng Hilario E. Hermosa Memorial High School (HEHMHS) ang nagkamit ng karangalan
sa ginanap na 2019 Congressional District III mathematics Competition HEHMHS noong ika-25 ng
Setyembre, taong kasalukuyan.

May dalawang kategorya ang kompetisyon, ang Group category at Individual Category.

Sa Individual category na Grade level Quiz Bee, nakamit ni Mark Jade Bautista, (9-Kamagong), ang 5 th
place; Samantha Baysa, (10-Bonifacio), 6th place; at Christian Calamba, (12-General Academic Strand ),
6th place.

Nasungkit naman ni Mark Anthony Flores, 10-Bonifacio, ang 6 th place sa pagbuo ng Rubik’s Cube sa
Junior High School level, at si Fervin Jigs Badua, 9-Kamagong ang 3 rd place sa Sudoku Junior High School
Level.

Sa Group Category naman na Math Trail Competition, nakamit nila Airreane Michelle Aquino, (10-
Bonifacio), Shanna Alvarez, (9-Kamagong), Laira Mae Javier, (8-Rosal), at Angelo Barrientos, (7-Pearl) ang
6th place.

CD Presscon

Dalawa mag-aaral ng Hilario E. Hermosa Memorial High School ang nagkamit ng karangalan sa ginanap
na Congressional District III Press-Conference na ginanap sa Bongabon National High School noong ika-
19 ng Setyembre 2019.

Nasungkit ni Shanna Alvarez, patnugot ng Baliktanaw, 9-Kamagong, ang ika-apat na pwesto sa Column
writing-English, at Ruth Quire, 11-HUMSS, ang pang-apat rin na pwesto sa Sports Writing-Filipino.

Sila ay muling sasabak sa kompetisyon at magrerepresinta ng paaralan ng HEHMHS sa Division School


Press-Conference na gaganapin naman sa Cabiao National High School, Cabiao, Nueva Ecija.

School-Based
“Fostering 21st Century Skills and Character-based though Campus Journalism.”, ang naging tema ng
taunang gawain na School-Based Press Conference sa Hilario E. Hermosa Memorial High School, noong
ika-18 ng Hulyo.

Layunin ng aktibidad na ito na hasain ang mga estudyanteng mahuhusay sa pagsulat at pagguit na
magrerepresinta ng HEHMHS para sa nalalapit na Congressional District III Press Conference.

Bilang gabay, ang mga guro na kabilang sa departamento ng Language ay nag-bigay ng mga lektura
patungkol sa iba’tibang kategorya sa Journalism, Richard Agnes, Pagsulat ng Balita; Evangeline Pagatpat,
Pagsulat ng Lathalain; Janeth Macatula, at Zaira Senal, Photojournalism; Kimberly sadural, Column
Writing; Ermina Tungpalan, Editorial Writing; Angfelica Badua, Editorial Cartooning; Lea Zapatero,
Science Writing; Rosalie Maniago, Sports Writing; at Mary Leoncio, Copy Reading and Headline Writing.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan at inorganisa ng mga School Paper Adviser (SPA) na sina
Kimberly Sadural at Richard Agnes.

You might also like