Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

KAUSWAGAN:

Pagsusulong ng Aktibong Pagkamamamayan upang Patibayin ang Demokrasya

I. Mga Layunin

Sa kabila ng pagiging pinakalumang demokrasya sa Timog Silangang Asya, ang Pilipinas sa loob ng
maraming taon ay itinuring ng Democracy Index bilang isang "flawed democracy," kung saan
ginaganap ang malayang halalan at kinikilala ang kalayaang sibil ngunit umiiral pa rin ang mga isyu
sa pamamahala.Noon at maging hanggang ngayon ay palagi ring hinahamon ng pagkakataon ang
mamamayang Pilipino.Maraming Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan sa
kamay ng mga mananakop na dayuhan, nagkaisa upang wakasan ang rehimeng Marcos noong EDSA
People Power Revolution, at nagsasama-samang kumikilos sa panahon ng kalamidad. Ngunit ang
pagkamamamayang Pilipino, ayon sa pag-aaral, ay maaaring maituring na “seasonal” o ”reactionary.”
Ibig sabihin ay ipinapakita lamang nila ang kanilang pagiging tunay na mamamayan kapag
kinakailangan. Hindi sila naging aktibo sa pakikibahagi sa mga desisyon ng pamahalaan at sa halip ay
naging bahala na lamang ang pamahalaan sa kanilang kapalaran. Bilang pinakamaliit at pangunahing
politikal na yunit ng sistemang pampamahalaan ng Pilipinas, ang mga barangay ay dapat magsilbing
mekanismo ng demokratikong pamamahala at kaunlaran sa komunidad. Dahil dito, layunin ng
proyektong Kauswagan na magpatupad ng mga gawain at plataporma sa Barangay Apas na
maghihikayat sa mga mamamayan na maging aktibo sa pakikibahagi sa mga desisyon hindi lang sa
barangay kundi sa pamahalaan din.Ang proyekto ay partikular na naglalayong:

 magpalaganap ng kaaalaman sa mga residente tungkol sa pagiging tunay na mamamayan at


sa mga konkretong paraan kung paaano ito maipapakita
 magbigay ng malalim at nakakaengganyong pagsasanay sa mga residente kritikal na
kaalaman, saloobin, at kasanayan na kinakailangan upang maging mabisang mamamayan sa
isang demokrasya
 pagkalooban ang mga residente ng mabisang akses sa impormasyon sa mga programa,
budget, aktibidad at serbisyo ng barangay
 maglaan ng pagkakataon para maipahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga puna,
mungkahi, at pagkabahala sa mga isyu sa pamayanan at tugunan ito nang may kaangkupan
 hikayatin ang mga residente lalo na ang kabataan, na maging aktibo sa mga proyekto ng
gobyerno o mga non-government organizations na nagtataguyod ng aktibong
pagkamamamayan
II. Pangalan ng Proyekto at Deskripsyon

Ang “kauswagan” ay nangangahulugang kaunlaran sa Filipino. Ang kaunlaran naman ay ang


pagkakaroon ng pag-asenso o pag-angat ng isang bansa, lugar o pamayanan. Tunay na minimithi ito
ng lahat sapagkat natutugunan ang lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga tao kapag may
kaunlaran. Ito ang pangunahing itataguyod ng proyekto sa pamamagitan ng mga aktibidad at
plataporma na naghihikayat sa mga mamamayan ng Barangay Apas na maging aktibong mamamayan
na ipinapakita ang tatlong uri ng pakikilahok batay sa makabagong pananaw ng pagkamamamayan
gaya ng pagiging personally responsible, participatory citizen, at justice-oriented citizen. Ang
proyektong ito, gaya ng United Nations Development Programme (UNDP), ay lubos na naniniwala
na ang higit at aktibong pakikilahok ng mga tao sa gawain ng pamahalaan ay magreresulta sa mas
mahusay na kalidad ng serbisyo sa publiko para sa lahat ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi dapat
tinatanggihan ng akses sa impormasyon at transparency ng gobyerno ang mga mamamayan upang
magkaroon sila ng tiwala sa pamahalaan na magdudulot ng aktibong kooperasyon na kailangan sa
pagtataguyod ng mabuting pamahalaan.Ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng
pamahalaan at mga mamamayan ay napakahalaga upang mas mas magiging matatag ang demokrasiya
sa bansa at magkaroon ng pangmatagalang kaunlaran.

Sangkot ng proyektong Kauswagan ang lahat ng uri ng pakikilahok batay sa makabagong


pananaw ng pagkamamamayan at ito ay ang personally responsible, participatory-citizen at justice-
oriented citizen. Naniniwala ang proyekto na mayroong kaugnayan ang tatlong ito at hindi posibleng
isang uri lang ang pagtutuunan ng pansin. Una, ang mga personally responsible na mamamayan ay
hindi makakalahok sa mga programa kapag walang mga participatory-citizen na nagpaplano at nag-
iisip ng mga gawaing pansibiko at panlipunan, at hindi siya tatalima sa kaniyang mga responsibilidad
sa komunidad kung hindi niya nauunawaan ang ugnayan ng mga panlipunan, pang-ekonomiya, at
pampolitikang aspekto gaya ng isang justice-oriented person. Pangalawa, kailangan ng mga
participatory citizen ang mga personally responsible na mamamayan upang mayroong sasali at
susuporta sa kanilang mga programa.Maaari rin silang gumawa ng mga programang tinutugunan ang
mga panlipunang isyu batay sa iminumungkahing dahilan o solusyon ng mga justice-oriented citizen.
Ito ang napiling proyekto sapagkat ang edukasyon at pagkaroon ng kaalaman ang pinakasimple pero
epektibong paraan para magiging aktibong mamamayan ang mga residente, at sinusuportahan din nito
ang mga proyekto ng gobyerno. Ang proyekto ay mayroong paraan upang masukat ang partisipasyon
ng mga mamamayan at mayroong resulta upang masukat ang kapakinabangan nito. Angkop din sa
sitwasyon, pondo, at mga mapagkukunan ng pamahalaan at sa kakayahan ng mga mamamayan ng
Barangay Apas ang nilalaman ng proyekto. Higit sa lahat, pangmatagalan ang sakop nito.
III. Mga Alintuntunin

Ang paghimok sa mga residente ng Barangay Apas na maging aktibong mamamayan ay


nangangailangan ng pagtutulungan. Kaya, ang proyektong Kauswagan ay binubuo ng tatlong
hakbang. Ang pagpapanatili ng proyektong ito ay nangangailangan ng masusing kaalaman at mga
kapaki-pakinabang na kilos ng mga residente tungkol sa pagiging aktibong mamamayan. Ang
pamamaraan kung paano isasagawa ang tatlong hakbang ay ang mga sumusunod:

UNANG
HAKBANG:
Pagpaplano

PANGATLONG PANGALAWANG
HAKBANG: HAKBANG:
Pagsubaybay at
Pagsusuri Pagsasakatuparan

Unang Hakbang: Pagpaplano

Ang paglikha ng isang plano ay unang hakbang na dapat ginagawa sa anumang proyekto.Upang
gawin ito ay dapat magkaroon ng pagpupulong ang Sangguniang Barangay ng Apas na
pangunguluhan ng Punong Barangay, magsisimula sa Disyembre 2020, at gaganapin sa barangay
hall. Ang mayoryang bilang ng mga kagawad ng Sangguniang Barangay na nahalal at nakapanumpa
ay maaaring bumuo ng korum. Sa buwan ng Disyembre ay magkakaroon sila ng pagkikita araw-araw
sa unang linggo lamang upang mapatibay ang plano. Sa mga buwan sa susunod na taon ay
magkakaroon naman sila ng pagkikita dalawang beses. Sa kanilang pagpupulong lalong lalo na sa
buwan ng Disyembre ay tatalakayin nila ang mga proseso at pangkalahatang-ideya ng proyektong
ipapatupad, mga tao at bagay na kakailanganin, ang ilalaang badyet, at ang time frame. Kapag ito ay
natapos na ay dapat silang makikipag-ugnayan sa mga taong kailangan sa mga proyekto at isali sila sa
mga pagkikita. Sa mga natitirang buwan naman ay tatalakayin nila ang kahihinatnan ng mga proyekto
at maaaring mag-isip ng karagdagang gawain kung kailangan. Nasa ibaba ang plano ng proyekto.
Tao at Materyal na Tinatayang
Layunin at Aktibidad Time Frame
Kakailanganin badyet
1.) Magpalaganap ng kaaalaman sa A. Pagtuturo ng Aktibidad A: Aktibidad A:
mga residente tungkol sa pagiging konsepto ng Sa itatakdang
tunay na mamamayan at sa mga pagkamamamayan sa petsa ng
konkretong paraan kung paaano ito paaralan pasukan at
maipapakita  Mga Guro sa Araling 0 pagtatapos sa
Panlipunan at lahat mga paaralan
 Aktibidad:
ng guro sa Apas ng DepEd na
A. Pagtuturo ng konsepto ng
National High School karaniwang
pagkamamamayan sa paaralan
at Camp Lapulapu magsisimula
1.) Papaalahanan ng mga opisyal Elementary School sa Hunyo at
ng barangay na dapat patuloy na  Sulat na ibibigay sa 0 magtatapos
tinuturuan ng mga guro sa dalawang paaralan sa Abril sa
Araling Panlipunan ang lahat ng tungkol sa mga sumunod na
estudyante ng mga paksang paalala at aktibidad taon
konektado sa pagiging aktibong  Meryenda para sa
mamamayan. Papaalahanan din mga tuturuan:
ang lahat ng guro na turuan ang Aktibidad B:
o 80 pcs Pan ₱400
mga mag-aaral tungkol sa (x 16 na Enero 2021-
de coco
kanilang mga responsibilidad sa pagkikita) Disyembre
o 8 Zest-O
komunidad at pag-usapan ang ₱600
2022
200ml (x16 na
mga panlipunang isyu. pagkikita)
Orange
Flavor (Tetra
Aktibidad C:
Pak )-10pcs
2.) Magkakaroon ng tutorial Enero 2021-
 Printer para sa 0
sessions na sasalihan ng mga Disyembre
worksheets sa Ingles,
mag-aaral ng ikalima hanggang 2022
matematika, agham,
ikalabindalawang baitang at
Filipino, at araling
gaganapin sa kanilang paaralan
panlipunan na may
tuwing pangalawa at huling
tatlong pahina at
Sabado sa kanilang itinalagang
back-to-back (x8 na
buwan.
baitang) Aktibidad B:
B. Pagkakaroon ng buwanang B. Pagkakaroon ng
seminar buwanang seminar
₱2,000
 1 resource speaker
1.) Magkakaroon ng seminar 0
 Lugar (venue)
tuwing unang Sabado ng buwan ₱1,500
bago ang pormal na Barangay  Meryenda para sa

Assembly sa Barangay Apas lahat ng dadalo


0
Sports Complex.  LCD Projector
₱1,000
 Sound system
2.) Iimbitahan ang isang ispiker ₱500
 Token
na kasapi ng Junior Chamber (x 12 na
International (JCI) – Cebu na pagkikita)

magsasalita tungkol sa tunay na


kahulugan ng pagkamamamayan
at kung paano ito isasabuhay.
Aktibidad C:
C. Pagbibigay ng infographics C. Pagbibigay ng
infographics
1.) Naglalaman ito ng mga
 60 resma ng maikling ₱17,400
impormasyon tungkol sa
bond paper
pagiging aktibong mamamayan,
₱14,000
ang kahalagahan nito at kung  Apat na printer
₱12,000
paano ito ipapakita. Kasami rin  10 na mga set ng

dito ang impormasyon tungkol tinta na may apat na

sa seminar, Barangay Assembly, kulay

workshop, Facebook Page ng


barangay, at papremyo sa mga
lilikha ng mga programang
panlipunan at mga sasali dito.

2.) Ibibigay ang infographics


pagkatapos ng seminar at sa mga
paaralan. Ipopost rin ito sa sa
Facebook Page ng barangay.

2.)Magbigay ng malalim at A.    Pagkakaroo Aktibidad A: Aktibidad A:


nakakaengganyong pagsasanay sa n ng buwanang
workshop Enero 2021-
mga residente kritikal na kaalaman, ·       5 na mga ₱10,000 Disyembre
saloobin, at kasanayan na facilitator na 2022
galing sa Junior
kinakailangan upang maging Chamber
mabisang mamamayan sa isang International
(JCI) – Cebu Aktibidad B:
demokrasya
·       5 na mga
 Aktibidad: pipiliing tao na ₱1,000 Sa itatakdang
maghahanda sa
A. Pagkakaroon ng buwanang petsa ng
lugar (venue)
workshop ·       Pagkain pasukan at
para sa apat na ₱6,000 pagtatapos sa
1.) Ipapaalam ng Punong araw
·       LCD mga paaralan
Barangay sa Barangay Assembly 0 ng DepEd na
Projector
na magkakaroon ng libreng apat ·       Sound 0 karaniwang
na araw na workshop tuwing System
·       5 na mga ₱2,500 magsisimula
huling linggo ng buwan. Ito ay
token para sa sa Hunyo at
gaganapin pa rin sa Barangay mga facilitator (x 12 na magtatapos
Apas Sports Complex at galing sa Junior pagkikita)
Chamber sa Abril sa
pangungunahan ng mga International sumunod na
miyembro ng Junior Chamber (JCI) – Cebu
taon
·       Mga
International (JCI) – Cebu. Ang
materyales ₱13,000
mga sasali ay dapat isang para sa mga
mamamayang Pilipino, may aktibidad gaya
ng mga
edad na labing walo hanggang
envelopes,
apatnapu't taong gulang, at may bolpen,
ideya sa social enterprise o may padpapers at iba
pa. ₱420
social enterpirse na tumatakbo ·       20 na set ng
ng mas mababa sa dalawang parchment
taon. paper (10 pcs)
para sa mga
sertipiko

2.) Ang ilan sa mga aktibidad sa


Aktibidad B:
workshop ay lecture-discussions,
discussion-workshops, solidarity 0
sessions, debate, at public
governance scorecard workshop.

B. Apasanong Maalagaron

1.) Ang aktibidad na ito ay isang 0


portfolio-based civic education
0
program at nangangailangan ng
0
pakikipag-ugnayan sa mga
tauhan ng DepEd. Ang
0
alituntunin ng aktibidad na ito ay
ilalahad sa mga punong-guro ng
₱5,760
Apas National High School at
Camp Lapulapu Elementary
School. Ito ay magsisilbing isang
mandatory extra-curricular
activity.
0
2.) Magkakaroon ng seminar ang 0
mga guro sa Araling Panlipunan
₱65
sa loob ng dalawang araw sa
Barangay Apas Sports Complex.
₱2,000
Ang seminar na ito ay
magbibigay ng modules tungkol
sa pansibikong edukasyon,
paggawa ng mga polisya, at
hands-on session sa mga
hakbang sa aktibidad.

4.)Pagkatapos nito ay sisimulan


na ang pagbigay ng mga guro sa
aktibidad sa mga mag-aaral na
nasa ikalima hanggang
ikalabindalawang baitang.

5.) Ang mga mag-aaral sa bawat


klase ay hahatiin sa dalawang
pangkat upang pumili ng isang
problema sa pamayanan na sa
palagay nila ay hindi
tinutugunan o hindi maayos ang
pagkahawak ng pamahalaan.
Magsasagawa sila ng panana-
liksik sa problema sa
pamamagitan ng pakikipanayam
sa mga opisyal ng komunidad,
miyembro ng komunidad at iba
pang pangunahing tauhan.

6.) Pagkatapos nito ay tutukuyin


ng mga estudyante ang mga
posibleng solusyon para sa
problema at maaaring
kumonsulta sa mga institusyong
maaaring makatulong sa kanila.
Ang solusyon na kanilang
pipiliin ay dapat iyong sa tingin
nila ay pinakamahusay na
nagbibigay ng tugon sa isyu.
Ang iminungkahing solusyon sa
problema ay dapat
nangangailangan ng aksyon ng
gobyerno at hindi lumalabag sa
mga probisyon ng Konstitusyon.

7.) Kasunod ay gagawa ang mga


mag-aaral ng action plan upang
maimpluwensyahan ang mga
naaangkop na ahensya ng
gobyerno para isaalang-alang o
kunin ang kanilang solusyon sa
problema.

8.) Kapag nakumpleto ang mga


gawaing ito, pipili ang guro ng
dalawang pinakamahusay na
action plan bawat baitang.
Kapag sila ay napili ay itatala
nila ang mga resulta ng kanilang
trabaho sa isang portfolio at
documentation binder. Ang
portfolio ay isang organisadong
koleksyon ng impormasyon na
bumubuo sa plano ng grupo.
Karaniwan itong binubuo ng
apat na malalaking panel na
tumatalakay sa problema, mga
alternatibong patakaran,
patakaran sa klase, at action
plan.

9.)Ang mga napiling grupo ay


sasama sa simulated public
hearing sa Barangay Apas Sports
Complex kung saan ilalahad nila
ang mga resulta ng kanilang
trabaho at ipapakita ang kanilang
portfolio sa isang panel na
binubuo ng mga miyembro ng
Sangguniang Barangay at
kasama ang mayor ng siyudad
ng Cebu. Sa mga pagdinig na
ito, tatanungin ang mga mag-
aaral kung gaano kahusay ang
kanilang ginawa sa kanilang
pananaliksik sa komunidad at
problema at solusyon. Ang panel
ay magkakaroon din ng
pagkakataon na magbigay ng
puna sa mga mag-aaral.

10.) Pagkatapos ng simulated


public hearing ay ibinibigay ang
mga espesyal na parangal upang
kilalanin ang mga mahusay na
pananaliksik, portfolio, at
paglalahad sa bawat baitang.

11.) Ang lahat ng mag-aaral ay


dapat magsumite sa kanilang
guro sa Araling Panlipunan ng
repleksiyon tungkol sa kanilang
karanasan sa aktibidad.
3.) Magkaroon ang mga residente ng A. Pagkakaroon ng Aktibidad A: Enero 2021-
mabisang akses sa impormasyon sa buwanang Barangay Disyembre
mga programa, budget, aktibidad at Assembly 2022
serbisyo ng barangay  Lugar (venue) 0

 Meryenda para sa 0
 Aktibidad:
lahat ng dadalo
A. Pagkakaroon ng buwanang
Barangay Assembly  LCD Projector 0
 Sound system 0
1.) Ang Barangay Assembly ay
gaganapin sa unang Sabado ng B.) Paggamit ng Aktibidad B:

buwan sa Barangay Apas Sports Facebook Page


Complex
 Computer 0
2.) Iba’t ibang pangkat ang dapat
sasali upang lahat ay bibigyan ng
pagkakataong makalahok dito.
Ang mga sasali ay dapat
labinlimang taon o mas matanda,
na naninirahan sa barangay nang
hindi bababa sa anim na buwan,
at nakarehistro sa listahan ng
mga miyembro ng Barangay
Assembly sa ilalim ng pag-
aalaga ng Barangay Secretary.

3.) Bago magsimula ang pormal


na Barangay Assembly ay
magkaroon muna ng isang
seminar tungkol sa aktibong
pagkamamamayan. Pagkatapos
nito ay tinatalakay na ng Punong
Barangay ang sumusunod:

a.) Sate of Barangay Address


(SOBA) na nakatuon sa:

 Mga tagumpay sa
pangalawang semestro
ng Calendar Year 2020
 Financial report para sa
pangalawang semestro
ng Calendar Year 2020
 Mga plano,programa at
proyekto para sa
Calendar Year 2021
 Mga bagong ordinansa
sa barangay

b.)Pagpapaalala sa mga
pambansang batas gaya ng:

 RA 9003 O Ecological
Solid Waste
Management Act of
2000
 Republic Act.10361 o
ang Batas Kasambahay
 Republic Act 11032 o
ang Ease of Doing
Business and Efficient
Government Service
Delivery Act of 2018

c.) Mga isyu na nakakaapekto sa


barangay, tulad ng ngunit hindi
limitado sa:

 Disaster Preparedness
 Solid Waste
Management
 Kapayapaan at kaayusan

B.) Paggamit ng Facebook Page

Gagamitin ng Sangguniang
Barangay ang kanilang
Facebook Page (https://www
.facebook.com/ApasBarangayCa
ptain/) bilang isang plataporma
kung saan maipapakita nila ang
kanilang mga programa,
serbisyo at mga transaksyon sa
badyet.

4.) Maglaan ng pagkakataon para A.) Pagsasagawa ng open Aktibidad A: Enero 2021-
maipahayag ng mga mamamayan forum Disyembre
ang kanilang mga puna, mungkahi, 2022
 Lugar (venue) 0
at pagkabahala sa mga isyu sa
 Sound system 0
pamayanan at tugunan ito nang may
kaangkupan B.) Paggamit ng Aktibidad B:
 Aktibidad: Facebook Page

A.) Pagsasagawa ng open forum  Computer 0

Pagkatapos ng pag-uulat ng
Punong Barangay sa Barangay
Assembly ay magkakaroon ng
isang open forum kung saan ang
mga residente ay maaaring
magtaas ng mga katanungan,
magmungkahi ng mga solusyon,
o humingi ng mga sagot mula sa
kanilang lokal na opisyal.

B. Paggamit ng Facebook Page

Gagamitin ng Sangguniang
Barangay ang kanilang
Facebook Page (https://www
.facebook.com/ApasBarangayCa
ptain/) bilang isang plataporma
kung saan maaaring magtaas ng
mga katanungan, magmungkahi
ng mga solusyon, at ipahayag
ang kanilang mga pagkabahala.
5.) Hikayatin ang mga residente na  Lugar (venue) 0 Enero 2021-
maging aktibo sa mga proyekto ng  Sound system 0 Disyembre
gobyerno o mga non-government  Computer 2022
0
organizations na nagtataguyod ng  Papremyo
aktibong pagkamamamayan

 Aktibidad:

Iaanunsiyo ng Punong Barangay


bilang isang proyekto na
magkaroon ng pagkikilala at
premyo sa mga taong mag-
oorganisa at sasali sa mga
programang pansibiko at
panlipunan. Sila ay gagawaran
ng parangal sa huling Barangay
Assembly para sa taon. Dapat
silang magsumite ng pruweba na
sila ay nag-organisa o sumali ng
mga programang kapaki-
pakinabang sa pamayanan.
Kabuuan: ∑= ₱ 374,645

Pangalawang Hakbang: Pagsasakatuparan

Sa bahaging ito ay isinasakatuparan na ang lahat ng plano ng proyekto. Ito ang mga aktibidad na
saklaw sa proyekto at ang mga katumbas na proseso nito.

A.
IV. Maglakip ng isang larawan ng iyong project prototype

You might also like