Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

REPUBLIKA NG PILIPINAS

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS


Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO

PAGSUSURI NG AKDANG

PAMPANITIKAN

Ipinasa nina:

Bajao, Cyndy
Borja, Keezha Mae
Damgo, Floriemae
Cabojoc, Myca Kyle
Jabagat, Jequel
Lapitan, Yvonne Jezelle
Montecalvo, Win Love
Tangliben, Kate Darlene
Tuvida, Vaneza
Ipinasa kay:

Prof. Fe S. Bermiso
Guro
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY MINDANAO
National Teacher for Teaching Education
Institute of Teaching and Learning
Prosperidad, Agusan del Sur

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman

I. Panimula
_________________________________________________________________________

Isa ka bang mapanuring mambabasa? Mga kwento ba’y pasok sa iyong panlasa?
Nagugulumihan ba minsan ang iyong isipan sa mga akdang hindi mo maunawaan?
Halina’t ilantad natin ang katotohanan at bigyang kasagutan ang mga katanungan!
LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman!

Ang LIWANIP ay mga letrang pinag-isa na nabuo mula sa mga salitang


“Liwanag ng Isip”. Sa proseso ng pagbasa, hindi maiiwasang may mga pahayag o
diwang nakakubli’t hindi maunawaan ng mga mambabasa. Ang mambabasa ay may
karapatang mamili ng mga babasahin na kanyang napupusuan. Kadalasang pinipili ng
mga mambabasa ay mga kwentong madaling maunawaan at may magandang wakas.
May iba’t ibang uri ng kwento; ito ay ang mga kwento ng tauhan, kwento ng
katutubong kulay, kwento ng kababalaghan, kwento ng madulang pangyayari at
marami pang iba. Ito ay naaayon sa kung ano ang layunin ng manunulat sa kanyang
akdang isinulat. Gayunpaman, nasa kamay pa rin ng mga mambabasa kung ano ang
kanyang pagpapakahulugan o pakakaunawa sa kanyang binasang teksto. Dahil dito,
malimit na nagkakaiba-iba ang interpretasyon ng mga mambabasa at minsa’y
nagiging bulag dahil hindi lubos na nabatid ang nakakubling laman ng mga kwentong
nabasa.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 1


Ang pamagat ng aming pagsusuri ay may kaugnayan sa pagbabasa. Kapag tayo ay
nagbabasa, minsan ay maraming nabubuong katanungan sa ating isipan na nais nating
itanong sa may-akda. May mga pagkakataon pa na paulit-ulit nating binabasa ang
kwento upang mabatid natin ang pangunahing diwa na nakatago rito. Ang bawat
pahayag na mabibigyang kahulugan ay nakapagbibigay sa atin ng ibayong kasiyahang
abot hanggang sa kalangitan. Kakaibang pakiramdam na kahit mga ibon sa
himpapawid ay hindi mararamdaman.

Sa papel na ito, ibubunyag namin ang mga nakakubling laman ng dalawang


akdang binasa’t sinuri. Mga akdang sa unang basa’y literal ang pagpapakahulugan
ngunit sa kailalima’y may lamang nakatago’t hindi nasaksihan. May kakaibang
mensahe na maiuugnay sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan. Sa
pamamagitan nito’y maliliwanagan ang isipan at masasagutan ang mga katanungang
nabuo mula sa lihim na diwa ng akda.

Ang mga akdang aming ibubunyag ang siyang nagmulat sa aming musmos na
isipan na laliman ang pagpapakahulugan at hukayin pa ang mga nakakubling laman.
Gaya na lamang ng kasabihang “Don’t judge the book by its cover”, dahil hindi lahat
ng mga nakikita ng ating mga mata ay pawang totoo, ang iba’y nalinlang lamang ng
kakaibang kagandahan nito. Sa ibang salita, ang tunay na kagandahan ay hindi basta-
bastang nakikita, ito ay nakatago kaya’t kailangan nating hanapin. Halina’t samahan
ninyo kami sa aming mapangahas na pagbubunyag upang lubos na madama ang tunay
na kariktan ng mga nakakubling laman ng dalawang akdang magbibigay liwanag sa
inyong isipan!

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 2


II. Kritisismong Pagdulog
A. Dulog na Ginamit
 Pagdulog Realismo
B. Mga Bahagi ng Pagsusuri

1. May-akda

Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso


2009) o mas kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ay isang bantog
na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat
sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at
mga asignaturang pang-edukasyon.

Siya ay nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan


din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng apatnapu’t anim (46)
na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang Normal
ng Pilipinas. 

Sa karera niya bilang isang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal  mula sa
Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of
Education at marami pang iba. Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling
Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti. Ang kanyang
kwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ay nagwagi rin ng Gawad Palanca noong 1955, at
ang Parusa noong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong
1992.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento"
ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang
"Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for
Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang


Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 3


Ipinanganak siya noong ika-3 ng Enero 1915. Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa
edad na 94. Ang kanyang buhiting asawa ay si Efifano Matute.

Unang Akda

2. Ang Akda

Bangkang Papel
ni Genoveva Edroza-Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang
araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob
ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw
nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwing ako’y may makakikitang bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang
batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang sa tubig kailanman...
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob
ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,
nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 4


Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang
makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay
ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong
ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli.
Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat
ng dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
“Inay, umuulan, ano?”
“Oo, anak, kanina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
“Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang
likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi ay naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi
nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na
walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng
lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni Miling ay hinila niya ang kumot at
ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa
hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan
niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanang kamay sa
kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli
sa kumot.
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng
mga bangkang ginawa mo.”
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng
tubig.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 5


Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng
kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina.
Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay
noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
“Siya, matulog ka na.”
Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas
na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may
mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina.
Ngunit ito’y hindi sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa
karimlan ay hindi niya makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito.
Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangarap ng batang yaon, ang
panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag
at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng
hangin at ulan...
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay
dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang
kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si Feli, at si
Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 6


Nahihintakutang mga batang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng
batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si
Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata
noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang
kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming
tao rito?”
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap.
Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y
biglang natigil nang siya’y makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos
ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”
Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong
ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
“Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y
ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw
sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila’y palabas na sa bayan,
silang mag-iina, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-
kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa
sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa
sa paghakbang.
“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 7


Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha.
Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
“Iyon din ang nais kong malaman, anak iyon din ang nais kong malaman.”
Samantala...
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan
ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga
bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal.
Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang
papel na hindi niya napalutang kailanman...

3. Pagsusuri

A. Porma ng Wika at Istelo

Ang sunuring akda ay isang maikling kwento. “Isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.” ang
pagpapakahulugan ni Edgar Allan Poe, (ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento) sa maikling
kwento. Ito rin ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay din sa maikling kwento ang
natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

Maraming uri ng maikling kwento gaya na lamang ng kwentong nagsasalaysay,


kwentong pangkatauhan, kwentong katatawanan, kwentong katatakutan, kwentong sikolohiko at
marami pang iba. Ang uri ng maikling kwento na ito ay isang kwentong nagsasalaysay sapagkat
ang layunin nito ay magpahayag ng mga pangyayaring naganap sa kwento, mga pangyayari
tungkol sa mga naging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran.

Ang mga salitang ginamit sa akda ay karaniwang pormal. Kapansin-pansin din ang
paggamit ng awtor ng mga salitang hindi pamilyar sa mga mambabasa. Sa halip na gumamit ang

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 8


awtor ng mga salitang mas madaling maunawaan ay gumamit ito ng mga salitang di-pamilyar na
siyang nagdagdag sa kasiningan ng kwento.

Halimbawa:
“Wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis.”
“Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin.”
“Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. ”
“Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli.”
“Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba…”

Sa halip na gamitin ang salitang sinag ay silahis ang ginamit, hagibis sa halip na
belosidad, salitang naparam na maaari namang gamitan ng salitang naglaho, nagugulumihan sa
halip na naguguluhan at tigib ng pangamba na maaari namang sabihing puno ng pangamba.

Gumamit din ang awtor ng salitang konotasyon (Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa
pangkaraniwang pakahulugan), narito ang pahayag:

“Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi.”


Konotasyon: Nananahimik

Ang istelong ginamit naman ng awtor sa kanyang pagsasalaysay sa kwento ay


“flashback” na kung saan ay ginunita ng nagsasalaysay ang mga nangyari sa buhay ng batang
lalaki at sa kanyang pamilya. Pinatunayan ito ng mga pahayag na “Sa tuwing ako’y may
makakikitang bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang
batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa
tubig kailanman...”

B. Elemento ng Maikling Kwento:


 Banghay:
1. Simula/Panimula

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 9


Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang
araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob
ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw
nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

2. Saglit na kasiglahan

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob
ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,
nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

3. Suliranin
Ang paghihintay ng batang lalaki sa pagbabalik ng kanyang ama.
Patuloy na hinihintay at hinahanap ng batang lalaki sa kanyang ina kung kailan babalik
ang kanyang ama. Walang kaalam-alam ang bata sa kung saan namamalagi ang kanyang ama sa
tuwing wala ito sa kanilang tahanan. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan
kung bakit hindi pa umuuwi ang kanyang ama at hindi ipinapaliwanag ng kanyang ina ang mga
pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid.

4. Tunggalian
 Tao laban sa Kalikasan: Patuloy na pag-ulan sa loob ng limang araw sa lugar na tinitirhan
ng batang lalaki at ng kanyang pamilya .
 Tao laban sa Tao: Pagkamatay ng kanyang ama sa sagupaan sa pagitan ng mga kawal at
ng taong-bayan.
5. Kasukdulan

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 10


Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila
naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si Feli, at si
Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

6. Kakalasan

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap
nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos
ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”

7. Wakas

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan


ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng
mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang
tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng
tugon.
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang
papel na hindi niya napalutang kailanman...

 Tauhan:

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 11


a. Batang Lalaki: Gumawa ng tatlong malalakingbangkang papel na hindi niya napalutang
sa tubig kailanman.
b. Ina: Ina ng batang lalaki at ni Miling
c. Miling: Kapatid ng batang lalaki
d. Tatay: Ama nina Miling at ng batang lalaki nanapaslang ng mga kawal
e. Mga Kapitbahay:
 Aling Berta
 Mang Pedring
 Aling Ading
 Feli
 Turing
 Pepe.

 Tagpuan
Lansangan: Ang lugar kung saan naglalaro ang mga bata.
C. Tema

Ang kwento ay tungkol sa batang lalaki na hinihintay ang pagdating ng kanyang ama,
kasama na dito ang paghahangad niya na palutangin ang mga bangkang papel na kanyang
ginawa.

Ang akdang ito ay hindi lang tungkol sa literal na paglalaro ng bata sa bangkang yari sa
papel. Ito ay sumisimbolo rin sa pangarap ng bata sa kwento na naudlot dahil sa pagkasawi ng
kanyang ama. Isa lamang siya sa mga batang maagang naulila dahil sa pangyayaring naganap sa
kanyang ama na namatay sa kasagsagan ng giyera. Mahirap mamuhay lalo na kung ang nasa
paligid mo ay hindi payapa. Sa madaling salita, ipinapakita dito ang masamang epekto ng giyera
lalo na sa mga kaanak ng mga taong nasawi. Ganito rin ang magiging epekto kapag patuloy ang
tunggalian sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde, maraming pamilya ang magkakawatak-
watak at maraming mga bata ang masisira ang kinabukasan.

Ito ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy tayong mag-aaway lalo na kung patuloy
ang pagrerebelde ng mga tao. Sa madaling salita, walang kapayapaan at katahimikan.

D. Pagsusuri sa Pananalig Pampanitikan


 Realismong Pagdulog

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 12


Ang gamit na dulog sa panunuring papel na ito ay Pagdulog Realismo. Ayon sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo ang teoryang realismo ay ang paniniwala na
ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali,
kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay na mundo".
Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman
kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).
Ayon naman sa http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-
pampanitikan.html ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng
may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo
ng kanyang sinulat.

Isang ulat sa https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-


36790003 ang nagsasabing ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan,
ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Ang karaniwang
paksain na ipinapakita nito’y pumapatungkol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen,
bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.

Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing ang


realismo ay isang reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng romantisismo.

Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng


nakararami tulad ng: pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng mga nasa gitnang uri,
prostitusyon, pakikibaka ng mga manggagawa, karaniwang panahon at lipunan, nagtatala ng mga
kaganapan sa panahong iyon ng kanyang lipunan sa masining na paraan, pag-unawa sa panahon
o kaligiran o sa mga kontekstong kultural, pulitikal at pangkabuhayan kung kailan naisulat ang
akda.
Inuri naman ng mga realista ang Realismong Pagdulog sa anim (6): (1) Kritikal na
Realismo Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito. (2) Sosyalistang Realismo – kaapihan ng mga
uring manggagawa. (3) Sikolohikal na Realismo na nagpapakita ng pagkilos ng tao bunsod ng
damdaming likha ng nakapaligid sa kanya. (4) Pino o Mabining Realismo ay may pagtitimping

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 13


ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik-
hindik. (5) Sentimental na Realismo ay naglalarawan ng mga mithiin ng mga tauhan na nauuwi
sa pangangarap ng gising, paghahangad ng magandang wakas, mga pag-asang
pinangingibabawan ng damdaming kaysa kaisipan sa paglutas ng anumang suliranin. (6)
Mahiwagang Realismo o Magic Realism ang pantasya at katotohanan nang may kamalayan.
Pinagsasama ng impluwesya ng mito at karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang
masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan.

Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900.
Nakatulong dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng
pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte
(kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong
pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism kung saan inuulat nang walang bahid ng
emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng potograpiya.

E. Pagsusuri Gamit ang Realismong Pagdulog

Sa maikling kwentong ito, tunay na naliwagan ang aming mga isipan at diwa sa
ipinakitang lantad na katotohanang maaaninag sa masalimoot nating lipunan. Ang palasak na
tunggalian ng mga paniniwala, ang paninindigan ng mga taong nasa tuktok ng tatsulok at ng mga
mamamayang nasa paanan nito.

Sa pagbubukas ng kwento ay maaaninag ang pagbabalik-tanaw ng nagsasalita nang


masilayan ang iilang mga kabataang nahuhumaling sa pagpapalayag ng bangkang papel.
Makulay na naglaro sa kanyang alaala ang bawat detalye ng mga kahapong nagdaan.

Sa pahayag na “Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel,


nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.” Makikita
ang likas na katangian ng mga kabataan. Ang kanilang inosenteng diwa at sensitibong pagkatao
ay siyang nagbibigay ng kakintalan sa kanilang mumunting daigdig. Ang kanilang pagkawalang
muwang sa mga kaganapan sa lipunan ay siyang naging kalasag nila sa mapait at mapanakit na
realidad.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 14


Sa mga mata ng isang bata, lahat ng bagay ay maganda at makulay. Lahat ay simple at
hindi komplekado. Walang kadenang galit, poot, inggit at pagkukunwaring gumagapos at unti-
unting nagpapatigas sa puso ng mga tao. Puro at totoo ang kanilang pagkatao, sumasalamin sa
personang bigong maisakatauhan ng nakararami sa atin.

Kaugnay ng kwentong ito ang akda na pinamagatang “Inukit na Pag-ibig at Kabayanihan


ni Itay”. Sa akda, mababasa na ang batang si Angela ay lumaki na walang inaalala kundi ang
kagandahan ng buhay. Walang pagdadalawang isip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa
kanyang lipunan. Lumaki siyang hindi alam kung nasaan ang kanyang ama, dahil ang kwento ng
kanyang ina ay ang mga magagandang alaala ng kanyang yumaong ama. Katulad na lang sa mga
pangyayaring nagaganap sa kwentong sinuri na pinamagatang “Isang Bangkang Papel” na kung
saan ang mga bata ay walang pakialam sa bulok na sistema ng lipunan. Sila’y lumalaki ng hindi
iniinda ang sakit na dinaranas ng nakararami. Sa akdang iniugnay, mababasang ang batang
walang kamuwang-muwang sa pangyayari sa lipunan ay hindi alam ang mga kaganapan sa
kanyang paligid. Siya’y lumalaking musmos pa rin ang isipan, dahil sa mga kwento ng kanyang
ina ay hindi niya maintindihan ang totoong nangyari sa kanyang ama. Nagkakaroon ng pag-
uugnay ang dalawang akda, ang sinuri at iniugnay dahil parehong mababasa sa mga akda ang
pagkakaroon ng sariling mundo ng mga bata. “Kakatok ako sa ating pinto, naroon ka mahal at
ang ating Angela ay naglalaro.” Sa pahayag na ito ng akdang iniugnay, mababasang sinabi ng
ama na sa kanyang pag-uwi ay masisilayan niyang naglalaro ang kanyang anak sa sala. Katulad
ng akdang sinuri, na ang mga bata ay walang ibang ginagawa kundi ang maglaro at walang ibang
iniisip kundi ang kanilang kasiyahan. Ipinapakita sa akdang sinuri at iniugnay na ang mga
kabataan ay nakapokus sa kanilang kaligayahan. Ang dalawang akda ay kakikitaan ng katotohan
dahil sa ating lipunan makikitang ang mga bata ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa
loob ng masalimoot na kaganapan sa lipunan. Waring katotohanang nagsasabi ng mga gawain ng
mga bata at ito’y may malaking pagkakaiba sa mga problemang dinadala ng mga matatanda.
Nailalarawan sa mga akda ang mga kalagayan ng mga bata na ang kanilang sarili ay umiikot sa
paglalaro. Hindi pumapasok sa isipan ng mga bata ang mga problema at hindi magandang
nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Sa ating lipunan tunay na masasaksihan ang mga batang mababaw ang kaisipan, walang
pakialam sa mundo at ang nais lamang ay ang maglaro at magsaya sa kahit anong paraan na

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 15


makapagbibigay sa kanila ng kaligayahang walang katapusan. Ang mga bagay na nais nilang
gawin ay nagsisilbing mga pangarap na kay hirap abutin, dahil kaakibat nito ang mga dahilang
hindi nila maiintindihan, para bang sinadyang ginawan sila ng utak na hindi maunawaan ang
realidad ng buhay. Ang mga musmos na nilalang sa ating lipunan ay patuloy na dadalhin ang
mga inipong mga tanong kung bakit sila napapagitnaan ng lungkot at kapighatian habang sila’y
nakikipagsapalaran. Narito ang isang videong nagpapatunay na ang mga bata ay walang gustong
gawin kundi ang maging masaya at tunay ngang malayong-malayo sila sa mundong puno ng
pangangamba at pagdurusa. https://youtu.be/s6z1FZfBuE

Kalakip sa pagiging bata ang pagiging sensitibo at mahina.


Bagong usbong ang kanilang kamalayan at hilaw pa ang naturang
mga karanasan kaya kailangan nila ng magiging panulukang bato
para sa binibuong pagkatao. Kailangan nila ng kamay na aakay at
huhubog sa kanilang murang pag-iisip. Dito na pumapasok ang mga
responsibilidad ng isang magulang. Ang kanilang katauhan ay
nagdudulot ng napakalaking impak sa paglinang ng mga kabataang magtataguyod ng
kinabukasan ng ating bansa. Sa mga katagang “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na
ba ang Tatay?” makikita ang simpleng paghahanap ng isang anak sa kanyang ama. Ngunit kung
iisiping mabuti ay may nakatago itong mabigat na suliranin. Ang mga katagang iyon ay
nagpapahiwatig na ito’y nangangailangan ng presensya na kakalinga at papawi sa walang
muwang niyang pagka-uhaw sa kaloob-looban na tanging ang isang ama lamang ang
makakapagbigay. Kung tutuusin, nasa harapan ng bata ang kanyang ina ngunit hinahanap-hanap
niya parin ang presensya ng kanyang ama. Tila ba may kakaibang init na dala ang pagkalinga ng
isang ama na tanging makapapawi sa lamig na tumusok sa kanyang pagkatao. Pinatunayan pa ito
ng linyang, “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng
mga bangkang ginawa mo.” Dagdag pa dito’y ang mga katagang, “Sa kanyang tabi’y naroon
ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 16


naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao”. Maaaninag na hindi sapat ang dalang init
ng yakap ng isang ina sa paggamot ng dalang lamig sa pagkatao ng isang bata. Walang damit o
alinmang kumot ang makakapawi dito dahil ang presenya ng isa lamang sa kanila’y di
makasasakop sa laki ng butas na naililikha ng kanilang pagkawala sa diwa at pagkatao ng isang
murang bata.

Sa palabas na ito https://www.youtube.com/watch?v=gEoyn-Tn9Eo na pinamagatang “I


am Sam”, makikita kung gaano kahalaga para sa isang anak na makapiling at makasama ang
kanyang ama. Sa kabila ng kapansanan ng kanyang ama ay hindi niya ito ikinahihiya at mas
minahal niya pa ito dahil alam niyang mas kailangan siya ng kanyang ama. Makikita dito na
kahit inampon na siya ay hinahanap niya pa rin ang kalinga ng kanyang ama dahil nasasanay na
siya na palagi silang magkasama. Maiuugnay din ito sa akdang sinuri dahil katulad ng bata sa
kwento ay hinahanap niya rin ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagtatanong ng kanyang ina
kung umuwi na ba ito. Pareho itong nagpapakita ng pagmamahal sa isang ama na kahit anong
mangyari ay mananatili ang pagmamahal ng isang bata sa kanyang ama. Sa palabas na I am Sam
may senaryo doon na tumakas si Lucy para lang makita ang kanyang ama at madama ang mainit
na yakap nito.
Ang mga batang gustong maramdaman ang pagkalinga ng
kanilang mga magulang ay isang malaking hamon at
responsibilidad para sa mga magulang na gampanan, kaya
nagsasakripisyo sila upang mabigyan ng magandang buhay ang
kanilang mga minamahal, kahit ang kapalit nito ay ang mga
panahong hindi nila masisilayan ang paglaki ng kanilang mga
anak. Sa akda ay hinahanap ng anak ang kanyang ama na para bang kahit kailan ay hindi niya
nasilayan, parang tigang na lupa na uhaw sa tubig at walang gustong mangyari kundi ang
maulanan ng pagmamahal na sabik na sabik ng maramdaman. Sa Pilipinas, maraming mga OFW
(Overseas Filipino Workers) na nagsasakripisyong makipagsapalaran sa ibang bansa, upang
matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.
Ang mga batang maagang nauulila ng kanilang mga magulang at nadudurog ang puso sa pag-alis
at sa tagal na kanilang hihintayin upang sila’y masilayang muli. Kagaya na lamang ng videong

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 17


ito https://www.youtube.com/watch?v=vVEdtVpJgEY makikitang lubos na nasaktan ang batang
babae sa paghatid niya sa kanyang daddy sa airport.
Ang mga luhang nahulog sa kanyang mga mata, pagyakap, at paglulupasay ay hindi naging sapat
upang hindi matuloy sa pag-alis ng kanyang ama. Nakakalungot isipin na walang pinipiling edad
upang makaramdam ka ng pangungulila at magpatuloy sa buhay na may kulang sa mundo ng
iyong kabataan at iyon ay ang pagmamahal ng isang magulang. Ang pagsasakripisyong marami
sa atin ang hindi agad naunawaan at patuloy na nagtatanong kung kinakailangan bang malayo
ang isa upang mabuhay ang mga natira.

Sa pagbabasa ng kwento, makakalikha ng isang malaking tanong sa iyong isipan ang


hindi pag-uwi ng ama ng bata sa kwento at ang mahiwagang pagkamatay nito sa hulihang
bahagi.
Kung titingnan at hihimayhimayin ng mabuti ay mapapansing gumamit ang awtor ng
hindi direktang pagpapahayag sa pagsiwalat ng tunay na dahilan ng pagkawala ng ama sa simula
ng kwento. Sa bahaging nagsasabi na “Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig.
“Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang
maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring
maiwan.” ay makikita ang hindi inaasahang pagliko ng daloy ng kwento. Nakalilikha ng isang
malaking palaisipan ang pagpapalisan sa kanila sa naturang lugar na tinitirahan. Nagsasaad ang
mga linyang ito na may nangyayaring kaguluhan kaya nais na masiguro ang kanilang kaligtasan.
Ang mga katagang ito ay sinundan pa ng pagsisisiwalat na “Sa labinlimang nangapatay kagabi
ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.”
Pansinin ang mga linyang, “Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok
dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”, sa unang bahagi at ang pariralang “sa sagupaan ng
mga kawal at taong-bayan.” Maipagtatagpi-tagpi mo ang mga pangayari at masasagot ang iyong
katanungan. Mapapansin na ang salitang “papasok dito” ay nagpapahiwatig na sila’y nasa loob
ng isang tagong lugar o pamayanan o maaring masabi nating kuta ng isang hindi kinikilalang
grupo o samahan. Sa pagbanggit naman ng mga salitang “kawal at taong-bayan” ay
mapapatunan ang naging hinuha. Ang sagupaang naganap sa bayan ay labanan ng rebelde at
kawal ng pamahalaan. Isang kaganapang palasak at napapanahon saan mang sulok ng mundo.
Mga labanan ng magkakalahi at magkababayan. Isang masakit na realidad na unti-unting

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 18


sumasakal sa ating bansa. Ang tatsulok na sistema ng lipunan ang nagpapabulok dito. Ang
patuloy na sagupaan ng mga nasa taas at nasa paanan nito’y patuloy na umiiral, patuloy na nag-
aalab. Mas pinapagsalita pa ang mga putok ng baril kaysa sa mga labi.
Ang masakit na realidad na ito’y nagdudulot pa ng mas malaking sigwa sa bayan kung
ang pag-uusapan ay ang kabataan. Mga kabataang walang muwang at inosente. Silang mga
anghel na unti-unting dinudurog ng malademonyong kaguluhan. Silang hindi paman
nagsisimulang mabuo ang pagkatao ay natatapos na. Silang mga nagtitiis at nagbabayad sa mga
kabulastugang ginagawa ng mga taong dapat na magprotekta at malinang sa kanila. Ang linyang
“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?” ay ang tanong ng nakararaming
kabataang nasasangkot sa labanan. Silang naiipit sa gulo at nakasasaksi ng patayan. “Bakit?”
bakit nga ba? Sapat kaya ang magiging dahilan ng bawat panig upang mabayaran ang sirang
naidulot nila sa bawat kinabukasan ng kabataan?
Mahirap bilang isang Pilipino ang makisalamuha sa
magulong sistema ng isang lipunan. Ang pahayag na ito “Hindi
nabuhay ang takot. Kahit araw-araw na panganib ang
sinusuyod” na mababasa sa akdang Inukit na Pag-ibig at
Kabayanihan ni Itay, ito’y simpleng pangungusap pero may
nakatagong malalim na kahulugan. Hindi madaling maunawaan kung ano ang kinakatakutan at
kung anong panganib ang nag-aabang, maaring makabubuo ito ng isang katanungan kung ano
nga ba ang pinagmulan. Mahirap sagutin sapagkat ang pangungusap ay mahirap din intindihin.
Narito pa ang ibang mga pangungusap na siyang magpapaliwanag ng iyong iniisip “Kung maaari
nga, mga ibon ang magdala ng pagmamahal ko patungo sa'yo” sa pangungusap na ito’y ikaw ay
makakapagtanong, nasaan ba siya at bakit parang ang layo nila sa isa’t isa? “Kailan kaya
matatapos itong gulo? Kailan kaya tayo magiging mga bata muli upang maiduyan kita sa ating
tagpuan”. Maaaring sa mga pangungusap na ito’y masasagot na ang iyong mga katanungan,
dahil ito’y nagpapahiwatig kung saan siya naroroon. Kung iisipin o iintindihing mabuti ang mga
sunod-sunod na mga pangungusap madali itong maintindihan kung ano nga ba ang kanyang
trabaho. Siya ay isang kawal ng Gobyerno. Ang dalawang akdang sinuri at ang iniugnay ay
parehong ang mga namatay ay waring sinusuong ang kahirapan ng buhay.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 19


Ayon sa http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com ang teoryang realismo ay nagpapahayag
ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Mababasa na pawang ang mga katotohanang
pangyayari ang mga nagaganap sa bawat akda. Realidad na kung saan nilalabanan nila ang
kalagayan o kahirapan ng buhay, handang magsakrispisyo, mabuhay lamang ang mga mahal sa
buhay. Narito pa ang panghuling katagang maiuugnay ko sa akdang Bangkang Papel “Hindi
pala ang Itay niya ang nakauwi at dumating, kundi ang mga taong nagpapaabot ng kanilang
pakikiramay” Nagsakripisyo ang kanyang ama sa pakikipagbakbakan sa giyera laban sa
katiwalian ng gobyerno. Isang malungkot na katotohanan pero ginawa niya ang kanyang
makakaya para lang sa kanilang pamilya. Magkaiba man ang storya ng dalawang akda, dahil sa
Bangkang Papel na akda ay kasapi ng rebelde ang kanyang ama, samantalang sa isa namang
akda ay kasapi ng gobyerno ang kanyang ama pero pareho nilang ipinaglalaban ang kanilang
karapatan na handa nilang gawin ang lahat para mapatunayan na mahal nila ang kani-kanilang
pamilya. Pareho mang nawalan ng mahal sa buhay ang mga bata sa bawat akda, ay hindi tumigil
ang kanilang buhay, nagpakalayo-layo at nagpatuloy pa silang lumaban para sa buhay na
inaasam.
Hindi maipagkakaila na kaliwa’t kanan ang rebelyon sa mundong ating ginagalawan,
dahil sa hindi pagkakaunwaan ng mga mamamayan at ng pamahalaan. Sa ating lipunan
maraming mga grupong nabuo at patuloy na isinusulong ang kanilang mga ipinaglalaban. Ang
mga grupong ito ay magkaiba man ang pinanggalingan ngunit iisa ang patutunguhan at iyon ay
ang mapansin ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing na kailanma’y hindi pinakinggan na
naging dahilan ng pag-aaklas at pakikidigma hanggang sa kasalukuyan. Sa Pilipinas yumanig sa
ating lahat ang isang masalimuot na pangyayari na naganap sa Marawi City, narito ang isang
videong nagpapakita sa suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas na hanggang ngayon ay
hindi pa nalulunasan https://www.youtube.com/watch?v=CODJGDkd_nI.
Marami sa atin ang nadadamay sa gulong nabuo sa pagitan ng mga rebelde at ng mga
sundalo. Masakit isipin na dahil dito marami ang nagbubuwis ng buhay sa pakikipaglaban ng
mga sundalo para sa kapayapaan at sa pakikipaglaban ng mga rebelde para sa pagkakapantay-
pantay na matagal na nilang gustong mapasakamay. Ang lubos na nakakaawa ay ang bawat
pamilyang umaasa na makabalik nang buhay ang kanilang mga minamahal na sangkot sa
digmaan. Lalong-lalo na ang mga anak na minsan lang nakita at nakasama ang kanilang mga
magulang. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ating pamahalaan sa pagsugpo ng mga Maute

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 20


na nais maghari sa bansa at sa pagbura ng grupong ito, upang malunasan ang sugat na namuo sa
bawat tahanang winasak ng karimlan.
Ang mga katagang “Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid
na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.” ay nagsasaad
ng ginawang paglisan ng bata sa lugar na kinalakihan, kasabay nito ay ang unti-unting
pagkadurog ng kanyang kabataan at ang pag-usbong ng matinding pangungulila sa amang
pumanaw. “Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at
ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang
tumagal. “Ang naturang madilim na pangyayari ang nagbura sa kanyang pahat na diwa at
maagang nagmulat sa kanya sa katotohanang hindi lahat dito sa mundo ay maganda at kaaya-
aya. Dahil sa likod ng kagandahang nakikita ay may nakakubling madilim at masang-sang na
realidad.
Ang hulihang pahayag na “Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking
bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...” ay nagsisiwalat ng iniwang resulta ng
sakuna, ang pagkasira ng bawat butil ng pangarap sa kaloob-looban ng mga kabataan. Ang
pagkawala ng kislap sa kanilang mata at nag-iiwan ng isang durog na kaluluwa. Ang pagbanggit
ng bangkang papel sa kwento ay nagsisislbing representasyon ng mga pangarap na naglalayag sa
puso ng mga kabataan. Ngunit dahil sa malupit na lipunang kinagisnan hindi paman nakalalayag
ang pangarap ay dinurog na ito ng mga alon ng sigwa at sakit.

“Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya
na nakatira sa lungsod.” Ito’y isang kataga na mababasa sa sanaysay na pinamagatang “Ako
po’y Pitong Taong Gulang”. Dahil sa kahirapan ay nakaya ng kanyang mga magulang na
ipamigay na lang siya sa isang mayamang pamilya. Sa kasamaang palad ay hindi siya pinag-aral
bagkus siya’y minamaltrato ng kanyang mga amo. Kagustuhan niya mang mag-aral pero hindi
iyon matutupad. Maiuugnay ang sanaysay na ito sa akdang sinuri dahil pareha silang nasira ang
mga pangarap dahil sa realidad ng buhay. Sa sanaysay ay ipinapahiwatig ang katotohanang dapat
labanan ang kahirapan ng buhay. Sa kwento naman ay nasira ang pangarap ng isang bata dahil sa
trahedyang nangyari sa kanyang ama. Mahirap man para sa mga bata ang kanilang
pinagdadaanan at magkaiba man ang kanilang kwento kakikitaan pa rin ito ng mga katotohanang

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 21


ang buhay ay hindi lang puro saya dahil sa bawat akdang ito ay nilalabanan nila pareho ang
kahirapan na labag man sa kanilang kalooban ay dapat pa rin nila itong harapin.

Ang pamilya ang pinakapangunahing sangkap na bumubuo ng isang lipunan. Sa loob ng


isang pamilya ay mayroong isang ina, ama at ang kanilang mga anak, ngunit laganap na sa
panahon natin ngayon ang mga pangyayaring akala natin ay madaling pasukin at iyon ay ang
pagkakaroon ng pamilyang biglaan o hindi napaghandaan. Napakalaki ng maidudulot nitong
problema sa pagpapalaki ng mga anak, dahil laganap na ngayon ang pagkakaroon ng hindi buo
ang pamilya. Sa ating lipunan ay hindi na mabilang kung ilan ang mga tinatawag nilang single
mom, single dad o di kaya’y inabandunang mga anak o mas kilalang mga ulila.

Malaki ang maitutulong ng mga magulang sa kanilang


mga anak, dahil sila ang nagiging inspirasyon ng kanilang mga
anak sa pagbuo at pagkamit ng kanilang mga pangarap, ang
magtuturo, mag-aalaga, at magmamahal sa kanila. Isang
halimbawa rito ay ang videong ito
https://www.youtube.com/watch?
v=LKKugXFfRE8&feature=youtu.be, ayon dito may labintatlong taong gulang na batang lalaki
na maagang naging magulang dahil sa pag-aalaga niya sa kanyang dalawang mga kapatid mula
noong iniwan na sila ng kanilang mga magulang at hindi na sila kailanman binalikan. Maagang
namulat sa kahirapan at pagsasakripisyo ang batang ito at masasabing naglaho ang kanyang
kabataan, ang pagkakataong maglaro at makisalamuha sa ibang bata dahil ginugugol niya nag
kanyang buong panahon sa pag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

Ikalawang Akda

PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA


ni Genoveva Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O


baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 22


kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin,
siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong
gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y
nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang
pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang
siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At
isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at
tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng
pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang
siya'y taga- ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito,
kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng
gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga
naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa
lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang
tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng
"Goodbye, Teacher!"

Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang


gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang
sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing
hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang
kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Unti-unti kong napagdugtong-
dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y
isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At
kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi
ang anak ng kanyang panginoon. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita
siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal,
napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong,

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 23


maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata. Tinatawag ko siya nang
madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa
kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga
iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa
katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin
- alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa
tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na
gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa
paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya
at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng
upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan,
umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking
minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga
upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa
Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang,
"Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa
akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa
kanya'y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata.
Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging
maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.

Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-
umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng
damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa,
ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 24


mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng
upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat
upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa
paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang
mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin
minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin
nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-
iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na
siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na
tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga
yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik
at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang
ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At
ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko
bukas… Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga
mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher,"
ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.

Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo,
ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa
kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa.
Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

A. Pagsusuri
1. Porma ng Wika at Istilo

Isang maikling kwento ang akdang sinuri at ito’y nakasulat sa Wikang Filipino.
Mapapansin na payak ang pagkakasulat ng kwento. Inilalarawan ng may-akda ang pang-araw-
araw na gawain o mga pangyayari sa pagitan ng isang guro at kanyang mga mag-aaral sa isang
klasrum at kung paano ang isang mag-aaral ay nagsilbing tagapagturo sa kanyang mismong guro.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 25


Ang kwento ay isinalaysay sa paraang “flashbacking” na kung saan inilahad ng guro ang
mga pangyayari sa simula pa lamang nang makilala at makasama niya ang bata. Mapapatunayan
ito sa bahaging ito ng kwento:

Halimbawa:
“Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang
tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon,
sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.”

Kahit na isinalaysay ang kwento sa paraang “flashbacking” ay nandoon pa rin ang


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at ang malinaw na paglalahad nito na madali lamang
maintindahan ng mga mambabasa.

Mapapansin na ang mga salitang ginamit ng akda ay pormal at simple. Ito ay pormal
sapagkat seryosong paksa ang tinatalakay nito at ang kwento ay simple at natural dahil
kinapapalooban ito ng matatapat na mga pahayag.

B. Elemento ng Maikling Kwento:


 Banghay:
1. Simula/Panimula
“Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan.
Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may
walong taong gulang.”
Sa simula ng kwento ay ipinakilala ang guro at ang bata bilang mga pangunahing tauhan.
Mababasa ito sa unang talata ng kwento na kung saan ginugunita ng guro ang kanyang
naging paboritong mag-aaral noon at kung ano na kaya ang naging buhay ng bata ngayon.
Masasabing malaki ang naging epekto ng bata sa buhay ng guro dahil kalaunan man ang
mahabang panahon nananatili pa rin sa puso at isip ng guro ang batang minsa’y naging
kaibigan niya.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 26


2. Saglit na kasiglahan
“Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang
buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa
paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.”

Nalaman ng guro ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng bata, isa itong ulila at
walang sinumang nag-aalaga nito kundi ang sarili lamang. Lumuwas ito ng Maynila upang
magtrabaho para buhayin ang sarili at para makapag-aral.

3. Suliranin
“Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa
mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.
Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan
ng buhay-bata.”

Pagkatapos malaman ng guro ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng bata ay iniisip
niya ang mga bagay kung paano niya mapapasaya at mababago ang ugali ng bata. Nadama
niya ang kalungkutan ng bata kaya gusto ng guro na makita ang bata na masaya at mamuhay
tulad ng isang normal na bata.

4. Tunggalian
Tao laban sa Sarili:
Ang bata ay mahiyain, gumagawa nang tahimik, nag-iisa at umiiwas sa iba.
Tao laban sa Tao:
Ang hindi pagkaaunawaan ng guro at ng bata.

5. Kasukdulan
“Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 27


umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa
bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na
aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya,
ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang
pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa
kanyang siya'y mahalaga at minamahal.”
Dumating ang araw na pinagalitan ng guro ang bata dahil sa hindi malamang dahilan.
Dahil sa bugso ng damdamin ay nagawa niya ang bagay na ito at hindi man lang niya inisip
ang maaaring maramdaman ng bata at nalimutan niya rin ang pagiging mapag-isa at
kalumbayan nito.

6. Kakalasan
“Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot
na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang
batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay
makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may
kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay
mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya
hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang
kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.”

Labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang nagawa sa bata na hanggang sa lumipas man ang
panahon ay hindi niya parin malimutan ang mga pangyayaring iyon. Nagdulot ito ng pagkapoot
ng bata sa kanya na naging dahilan din ng paglayo ng loob nito sa kanya at dahil doon ay
bumalik ang dati nitong pag-uugali -- ang pagiging tahimik nito, pagkamahiyain at ang pag-iwas
nito sa iba.

7. Wakas

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 28


“Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-
ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga
mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher,"
ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung
gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa
nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.”
Nagwakas ang kwento na na labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang ginawa sa bata. Hindi
na bumalik sa dati ang kanilang pagsasamahan at ang pagkakaibigang nabuo. Dahil sa mga
nangyari nasabi ng guro sa kanyang sarili na minsan ang bata ang kanyang naging guro at siya
ang tinuturuan nito sapagkat ang kanyang nagawang pagkakamali noon ay nagkaroon ng
malaking epekto sa kanyang katauhan at ito ay nagsilbing aral sa kanyang buhay.

 Tauhan:
 Bata - Pinakamaliit sa klase, pinakapangit, mayroong bilog at pipis na ilong, may
punto ang pagsasalita. Isa rin siyang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas
sa malaking lungsod bilang utusan, kalahating araw na pumapasok sa paaralan upang
may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang amo.
 Guro - Siya ang patuloy na gumugunita sa kanilang pinagsamahan ng mabuting
estudyante kahit na matagal na panahon na ang lumipas.

 Tagpuan
Umiikot ang buong pangyayari sa kwento sa loob ng isang silid aralan. Nagsimula at
nagwakas ang kwento sa loob parin ng klasrum na sa paggugunita ng guro sa buong pangyayari
noon ay hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal na nakaupo sa silid-aralang iyon.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 29


 Tema

Ang akda ay umiikot sa pagkakaibigan ng dalawang tao sa kabila ng malaking agwat sa


buhay. Kung paano ang isang guro ay nakahanap ng isang tunay na kaibigan sa isang batang
ulila at bukas na ang isipan sa buhay na kinalakhan sa murang edad pa lamang. Ganoon din sa
parte ng bata. Ipinapakita ang “pagmamahalan” at “pagmamalasakit” bilang pundasyon sa
pagkakaibigan.

Malaki rin ang epekto ng pagiging ulila ng isang bata sa pagharap ng kanyang buhay.
Hindi na bago sa atin ang ganitong sitwasyon, maraming ulilang mga bata na nagtagumpay sa
buhay kahit na walang magulang na gumagabay sa kanila dahil na rin sa sariling pagsisikap na
magtagumpay ngunit hindi rin lingid sa ating kaalaman na marami ring napariwara dahil
nawalan na sila ng pag-asa sa buhay. Ipinapakita rito na maraming naidudulot ang kahirapan sa
buhay ng isang tao, maaaring magsilbi itong inspirasyon sa iba para magtagumpay o
kabaliktaran.

Ipinapakita rin sa akda na dapat ay matuto tayong rumespeto sa etnisidad o


pinanggalingan ng isang tao. Huwag natin basta-bastang husgahan ang bawat isa lalo na kung
wala tayong alam sa naging buhay at paghihirap nito. Minsan, hindi natin malirip kung bakit
may mga taong kakaiba ang personalidad o pakikitungo sa ibang tao. Gayunpaman, dapat nating
tandaan na bago tayo magsimulang magsalita tungkol sa isang tao ay dapat alam natin ang buong
kwento ng kanyang buhay.

C. Pagsusuri Gamit ang Realismong Pagdulog

Maraming taon man ang lumipas, sadyang may mga tao sa ating paligid na kusang
dumarating, nanatili saglit at nakakalungkot man isipan ay lumilisan. Minsan, may mga taong
nagmamadali at nagbabagal, tulad ng gurong nagsasalaysay sa kwento, nakintal sa kanyang
gunita ang isang bagay na mahalaga at isang karanasang mananatili habang-buhay.

Sa pagbubukas ng kwento, maaaninag natin ang palagay ng guro sa mga maaaring


mangyari sa batang minsan niyang naging mag-aaral matapos lumipas ang ilang taon ng
pagiging guro niya sa batang ito.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 30


Sa mga pahayag na “Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak.
Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa
akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan,”
ginugunita ng isang guro ang isang mag-aaral na hindi niya makalimutan. Patunay lamang ito na
iniisip din ng isang guro kung ano ang kahihinatnan at magiging buhay ng kanyang mga
estudyante sa hinaharap.

May mga pagkakataon talaga na binabalikan natin ang ating mga nakaraan. Likas sa atin
ang pagbabalik tanaw sa mga taong naging bahagi ng ating kahapon. Mga alaalang hinding-hindi
malilimutan ilang taon man ang lumipas. Kung minsa’y ating iniisip na sana mabagal ang ikot ng
mundo upang matamasa natin nang matagal ang buhay ng ating kabataan. Tayo man sa ating
mga sarili’y hinangad din nating balikan ang mga nagdaan at baguhin ito kung mabibigyan lang
tayo ng pagkakataon.

Kaugnay dito ang isang Thai video advertisement na “Unsung Hero”


https://www.youtube.com/watch?v=yVbmUyc6NBo kung saan mayroong isang taong bukal sa
kanyang kalooban ang pagtulong sa kanyang kapwa. Ang isa sa kanyang mga tinutulungan ay
isang mag-inang nakatira sa lansangan. Mayroong papel na laging hawak ang bata na may
nakasulat na “For Education” at sa tabi niya ay isang lata na lalagyan ng kanyang malilimos. Sa
tuwing dumadaan siya sa kinaroroonan ng mag-ina, hindi niya nakakalimutang magbigay ng
limos sa mga ito. Hanggang sa isang araw nang dumaan siya sa kinaroroonan ng mga ito ay hindi
niya na nakita ang bata. Inakala niyang niloko siya nito, na ang binibigay niyang limos sa bata ay
ginamit sa ibang mga bagay at hindi para sa edukasyon. Ngunit paglingon niya, nakita niya ang
batang babae na naka-uniporme at handa nang pumasok sa paaralan.

Magkaiba man ang istorya ng akdang “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” at video clip
na “Unsung Hero”, mayroon pa rin silang pagkakapareho. Ang guro sa akdang sinuri ay
ginugunita kung ano na ang kalagayan ng batang kanyang naging estudyante. Ang taong
tumulong naman sa batang lansangan ay inisip niyang niloko siya nang makita niyang wala sa
pwesto nito ang bata pagkalipas ng ilang araw. Ngunit ang totoo ay wala roon sa pwesto niya ang
bata dahil sa siya’y handa ng pumasok sa eskwela. Napagtanto niya na sa konting tulong na
naibibigay niya ay mayroon pala talaga itong mapatutunguhan.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 31


Ang paggugunita ay isang bagay na
nagpapaalala na minsa’ y ating naranasan at gusto
nating balikan o ibalik upang ang mga pagkakamali
ay maitama at ng tayo’ y matututo. Ang videong
https://www.youtube.com/watch?v=aPz2smV6Wa4
ay isa sa mga patunay na sa paglipas ng panahon ay
may mga pagbabagong nagaganap na hindi natin inaakala at aakalaing mangyayari.

Mapapansin natin sa ating lipunan na ang mga tao ay binabalik-balikan ang mga bagay na
nagiging daan upang bigyan sila ng panibagong pag-asa at lakas para harapin ang bukas at mga
mga suliranin na darating sa kanilang buhay.

Isa sa mga katangian ng realismong pagdulog ay ang pagpapakita ng katotohanan kaysa


kagandahan at buong katapatang paglalahad ng mga pangyayari maging ito ma’y napakapangit.
Ito ay pinatutunayan ng mga pahayag na “Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa
pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang
iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin.

Hindi maikakaila na minsan ay nagiging mapanghusga at mapandiri sa panlabas na


kapangitan ng isang tao ang lipunang ating ginagalawan. Talamak ang diskriminasyon sa
panlabas na anyo ng isang tao mula noon hanggang ngayon. Hindi maiiwasan ang pamimintas ng
mga taong biniyayaan ng normal na anyo at katayuan sa buhay ng mga taong salat sa buhay at
maging ang pisikal nitong anyo.

Kaugnay sa kwentong sinuri ay ang kwentong pinamagatang “Impeng Negro”. Narito ang
mga katagang mababasa sa akdang iniugnay “Ang itim mo, Impen,” itutukso nito. “Kapatid mo
ba si Kano?” isasabad sa mga nasa gripo.“Sino bang talaga ang tatay mo?” “Sino pa,”
isisingit ni Ogor, “di si Dikyam.” Kung papansining mabuti ang dalawang akda ay parehong
hinuhusguhan ang kanilang katauhan. Pangit man ang kanilang mga panlabas na katangian pero
hindi mawawala ang pagkakaroon nila ng magagandang kalooban. Hindi nila iniinda ang mga
panghuhusgang ginagawa ng mga tao, bagkus ito ang kanilang naging kalakasan. Hindi
nagpapaapekto ang dalawang tao sa dalawang akda sa mga ginagawang panghuhusga laban sa
kanila. Patunay lamang na sa realismong pagdulog ay mas nangingibabaw ang katotohanan

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 32


kaysa sa kagandahan. Katotohanang ang mga tao ay hindi maiiwasang hindi makapanghusga sa
kapwa tao. Ito’y laganap na sa ating lipunan dahil ang mundong ating ginagalawan ay tunay na
mapanghusga dahil halos lahat ng tao ay nabubuhay sa mga panlalait ng mga taong pangit ang
panlabas na anyo. Hindi na bago sa ating mundo ang diskriminasyon na kung saan minamaliit at
hinuhusgahan ng lipunan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao.

Sa ating lipunan, may mga taong naging matagumpay sa kabila ng kanilang pagiging
kakaiba. Ang kanilang mga kapansanan ay hindi naging hadlang upang maipagpatuloy ang
karera ng kanilang mga buhay. Sa kabila ng panghuhusga ng ibang tao ay pinagpatuloy pa rin
nila ang kanilang pag-aaral. Mas naging pursigido sila na makapagtapos upang mapatunayang
hindi dahilan ang pagkakaroon ng kakaibang katangian upang abutin ang kanilang mga
pangarap.

Kagaya na lamang sa videong ito


https://www.youtube.com/watch?v=cirpQUhuJ3E, pinatunayan
ng isang special child na hindi hadlang ang kanyang
kapansanan na matuto’t makatapos ng pag-aaral. Ito ang
mensahe na nais ibahagi sa atin ng kwento ng isang batang
may kakaibang katangian, walang dahilan upang hindi
magtagumpay sa buhay.

Sa kasalukuyan, ang mga bata sa kwento maging sa mga videong napanuod ay mga
patunay na ang edukasyon ay para sa lahat. Walang pinipiling estado sa buhay, mayaman man o
mahirap, may kapansanan man o wala, lahat ay may karapatang matuto’t makamit ang
minimithing edukasyon upang makaahon sa kahirapan ng buhay.

Isang katotohanan sa likod ng mapanghusgang lipunan ang ating mababasa sa akda.


Gayunpaman, pinatunayan ng bata sa kwento na kahit hindi man siya biniyayaan ng magandang
pisikal na kaanyuan ay biniyayaan naman siya ng busilak na kalooban. Pinatunayan ito ng guro
sa kanyang pagmamasid sa bata at sa kanyang naging pahayag na “Ngunit may isang bagay na
kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya
tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 33


ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid
upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.”
Ang batang inilalarawan sa akda ay isang huwaran ng kanyang kapwa bata. Isang batang
masipag, matulungin at higit sa lahat, mabait. Kahit hindi naman siya inuutusan ay ginagawa
niya pa rin ang kanyang tungkulin gaya ng paglilinis at pagsasaayos ng kanilang silid.

Talaga nga namang tunay na naiiba ang mga taong espesyal. Naiiba sapagkat biniyayaan
ng kagandahang hindi basta-bastang nakikita ng mga tao sa lipunan. Kagandahang nakatago
kaya’t hindi napapansin. Isang patunay na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masisilayan ang
kagandahan sa pisikal o panlabas na kaanyuan.

“Hoy Leni anong gagawin mo diyan, may agta riyan? Hindi kayo bagay ni Negro! At
nagtatawanan ang iba. Nagbibingi-bingihan lang siya sapagkat punung-puno na,” ito ang mga
pangungusap na mababasa rin sa akdang “Yaong Itim na Bathala”. Kung susuriing mabuti,
pinapairal na naman ang pagiging mapanghusga ng mga tao sa kapwa tao. Hindi napipigilan ang
katotohanang mas nangingibabaw ang kasamaan. Sa akdang sinuri, hindi man sila magkapareho
ng pagkakalarawan sa panlabas na kaanyuan ay pareho naman silang nilalait ng karamihan.
Masakit para sa mga tauhan na ganun ang ginagawa sa kanila, pero pilit nila itong nilalabanan
dahil para sa kanila ay mali ang makipag-away sa iba. Narito pa ang ilang mga kataga na
mababasa sa akdang iniugnay, Alam mo, sabi ni Mama at Papa at ni Padre, hindi raw mainam
‘yong buskarido. Magsimba ka lang Bill, ‘tamo, hindi ka na lolokohin nina Butch dahil
tutulungan ka ng Diyos. Lahat ng nagdarasal ay tinutulungan niya. Iyon ang sabi ni Padre.”
“Pag nagdasal ako, Len, aanuhin kaya ng Diyos sina Butch, susuntukin ba Niya?” “Hindi, uy!
Hindi nanununtok ang Diyos, ang Diyos ay mabait, maunawain. Sige, Bill, ha, punta tayo sa
simbahan ngayong hapon.” Sa mga sinabi na ito ni Leni ay naging masigla ang batang si Billy
dahil ito ang magiging daan upang hindi na siya apihin ulit nina Butch at ng kanyang mga
kaibigan. Maitim man si Billy ay hindi niya yun ikinakahiya dahil para sa kanya yun ang bigay
ng maykapal. Ipinagmamalaki niya kung anong kulay mayroon siya. Sa pamamaghitan ng
pagkilala sa Diyos ay nagliwanag ang kanyang isipan na matutulungan nga siya ng Panginoon na
maiwasan na ang pang-aapi ng nakararami. Hindi maiiwasang tao’y nasasaktan dahil sa
mapanghusgang lipunan. Gayunpaman, kahit na ikaw ay hinuhusgahan, dapat pa ring pairalin
ang kabutihang taglay ng iyong pagkatao. Parehong mababasa sa dalawang akda na sinuri at

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 34


iniugnay ang pagtitimpi sa panghuhusga ng ibang tao. Hindi nila pinapansin ang mga masasakit
na salita na binibitawan ng iba. Patunay lamang ito na hindi natin kailangang dibdibin ang
sinasabi ng ibang tao dahil hindi ito makakatulong sa atin kung magpapadala tayo sa kanila.

Sa ating lipunan, nababalot ng mga panghuhusga sa mga taong walang kasalanan kung
bakit ganoon na lamang ang kanilang pisikal na kaanyuan. Sa Pilipinas, marami na rin ang
nakakaranas ng bullying sa kahit anong paraan. Sa kasamaang palad, ito’y nagdudulot ng
depresyon at kung minsan ay nagiging kapalit ang buhay ng isang inosenteng tao.

Narito ang estado ng bullying sa Pilipinas, ayon sa data collection ng NoBullying.com na


makikita sa site na ito https://nobullying.com/bullying-philippines/.

Humigit 1,700 ang naitalang kaso ng bullying sa Metro Manila mula 2013 hanggang 2014.
Sa kasalukuyang sarbey http://www.pacer.org/bullying/resources/stats.asp sa taong 2016
mayroong humigit isa sa limang (20.8%) bata ang nakaranas ng bullying at humigit kumulang
nasa 27.9% ang kabuuan nito. Nagpapatunay lamang ito na mataas ang kaso sa pangungutya at
pang-aapi sa mga inosenteng bata.

Isa rin sa katangiang ipinapakita ng bata sa kwento ay ang kanyang pagiging matatag na
labanan ang kahirapan sa buhay. Hindi nagpatinag at hinarap ng buong tapang ang mga bagyong
paparating at maaaring sumira sa kanyang kinabukasan. Ang mga linyang “siya'y isang munting
ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 35


siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
kanyang panginoon,” ay nagpapakita ng pagiging positibo ng bata. Sa kabila ng kanyang
pagiging ulila ay nakahanap pa rin siya ng paraan upang matugunan ang kanyang
pangangailangan sa pag-aaral.

Tunay nga na namamana ang kahirapan. Kung wala ka nga namang gagawin upang ito’y
malutas ay magiging laganap pa rin ito hanggang sa susunod na henerasyon. Ngunit ang batang
ito’y may determinasyon, pangarap at may malaking hangarin sa buhay dahil kahit kailangan
niyang pagsabayin ang magtrabaho at ang kaniyang pag-aaral ay gagawin niya para
makapagtapos at magkakaroon ng magandang trabaho upang makaahon sa kahirapan ang mga
mahal niya sa buhay.
Sa akdang “Isang Daang Damit” na isinulat ni Fanny Garcia, mababasa ang pagkakaroon
ng pagkakaugnay ng sinuri at iniugnay na akda. Narito ang mga linyang magpapatunay na
mayroong pagkakaugnay ang dalawang akda, “Alam n’yo,” aniya sa malakas at
nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang mga
kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong
maluma agad.” “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig
na sabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay.
Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang
kulay, kung may laso o bulaklak.” Sa mga katagang ito’y napaniwala niya ang kanyang mga
kaklase na mayroon nga siyang maraming damit. Iyon ang kanyang naging paraan para hindi na
siya tuksuhin ng kanyang mapanghusgang mga kaklase. Sa kabila ng mga paghuhusga ay
ginagawa niya pa rin ang lahat ng kanyang makakaya para lang maipakita na nagpupursigi siya
sa kanyng pag-aaral. Para sa batang mataas ang pangarap upang makamit ang ninanais at
makaginhawa sa buhay na puro panlalait ang nakukuha. Handa siya na gawin ang lahat maging
ang pagsisinungaling para lamang mapatunayan niyang makakatapos rin siya.
Sa akdang sinuri at iniugnay ay mababasa o makikita pareho na ang mga bata ay hindi
iniintindi ang kahirapan ng buhay. Ginagawa nila ang lahat para sa kanilang pangarap. Gusto
nilang patunayan na kahit ano pa ang sabihin sa kanila at kahit ganun pa ang mga panlabas

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 36


nilang kaanyuan ay kaya pa rin nilang ipaglaban ang kanilang karapatan na matupad ang
kanilang hinahangad na magandang pangarap.
Isa sa mga patunay na hindi hadlang ang kahirapan para
makapagtapos sa pag-aaral ay ang bidyong ito
https://www.youtube.com/watch?v=cirpQUhuJ3E. Kagaya ni
Nelmar, labingwalong taong gulang na nagsumikap para
makapag-aral kahit na hindi niya kapiling ang kanyang mga
magulang dahil sa kahirapan. Kahit labindalawang taong gulang
siyang tumungtong sa elementarya ay hindi niya dinibdib na
siya’y mas matanda sa kanyang mga kaklase.

Isa pang halimbawa ay ang bidyong ito


https://www.youtube.com/watch?v=paoRxjdyarA, mga batang
maagang bumukod sa kanilang mga magulang upang
makipagsapalaran na mag-aral sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Masakit isipin na may mga batang maagang nakaranas ng pait sa
buhay. Nakakahanga ang determinasyon ng mga batang kahit
salat sa buhay na mag-aral ay mas piniling huwag umasa sa
kanilang mga magulang o manatili na lamang sa bahay na walang gawin.

Mahalaga ang tungkulin ng isang guro upang higit na maging matagumpay ang
kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral. Ang guro ang siyang nagiging dahilan kung bakit
mayroong pagbabago sa buhay ng mga estudyante. Pinatunayan ito ng mga katagang “Nahuhuli
ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa
likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na
ipinagbabawal.”

Makikita natin ang pagbabagong nagaganap sa pangit na batang ito na kung saan
nagkakaroon na ng saya’t pag-asa ang kaniyang puso. Ito ang nagpapatunay na ang akda ay
napapabilang sa sikolohikal na uri ng realismong pagdulog dahil ang tauhan ay nagkakaroon ng
pagbabago batay na rin sa kanyang mga naging karanasan at sa mga taong nakakasama niya.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 37


Lubos pa itong pinatunayan ng mga linyang “Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin
ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.”

Kahit na sinumang bata’y nangarap na maranasan din ang lumigaya kahit saglit lamang.
Maihahalintulad din natin ito sa mga batang yagit na naglalaro kahit panandalian lamang upang
maranasan din nila kung paano tumawa’t humalakhak na may galak. Makikita rin natin sa ating
lipunan ang mga pangyayari na kung saan ay may mga taong naging instrumento upang
maranasan ng kabataan ang kasiyahang habangbuhay nilang babaunin kahit saan man sila dalhin
ng kanilang kapalaran.

Ang pelikulang “Taare Zameen Par” o “Every Child is


Special” https://www.youtube.com/watch?v=AM6taOcV9dc
ay may kahawig na mga eksena sa kwentong ito. Ang
pangunahing tauhan na si Ishaan na may karamdaman na
tinatawag na dyslexia ay natulungan ng kanyang guro na
matutong bumasa at sumulat. Ginawa ito ng guro sa
pamamagitan ng unti-unting pagkilala sa kanya. Inuutusan niya ito sa mga maliliit na bagay nang
sa gayon ay mapalapit siya dito. Ginawa rin ito ng guro sa kwento upang ipakita na may
malasakit siya at ipadama sa bata na mayroong nakakapansin sa kanya at may nagmamahal sa
kanya. ‘Di kalaunan, ang mga pagsusumikap ng guro na matulungan si Ishaan na magbasa at
sumulat ay nagbunga. Naging masaya na Ishaan dahil marunong na siyang magbasa at mas
naipapahayag niya ang kanyang pagiging malikhain sa tulong ng sining. Gaya ng bata sa kwento,
ang atensyon at pagmamalasakit na ibinigay ng guro ay may malaking epekto sa emosyon ng
bata. Naging masayahin na ito, nakikipaglaro na siya sa kapwa niya bata. Kapwa naramdaman
ng dalawang bata sa kwento at sa pelikula na may taong nagmamalasakit sa kanila, ‘yon ang
kanilang guro. Hindi madali ang ginawang pagtitiyaga at pagsakripisyo ng mga gurong ito upang
mapalapit ang loob sa kanilang mga estudyante at matulungan silang madaig ang kanilang mga
kahinaan.

Sa paaralan ay natututo ang mga mag-aaral na makipaghalubilo sa kanilang kapwa mag-


aaral at lalong-lalo na sa kanilang mga guro. Mahalagang maunawaan ng bawat guro ang
pagkatao ng kanilang mga mag-aaral. Isang malaking responsibilad para sa isang guro ang

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 38


kilalanin ng lubos ang mga batang tinuturuan niya, upang hindi mahadlangan ang kanilang
pagkatuto. Kailangang maunawaan ng guro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na
koneksyon o relasyon nila sa kanilang mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng
ideya ang guro kung anong paraan ang kanyang gagawin upang mapaligaya at mapanatili ang
positibong pananaw ng mga mag-aaral. Sa ganoong paraan ay magiging masaya ang mga mag-
aaral habang sila ay natututo sapagkat lahat ng mga bata ay may karapatang maging masaya sa
kabila ng mga negatibong pangyayari sa kanilang buhay.

Narito ang isang video na nagpapatunay na dapat araw-araw kinakailangang purihin,


kausapin ng masinsinan at pahalagahan ang bawat mag-aaral na may pangarap sa buhay, upang
hindi mawala sa kanilang mga isipan
na sa paaralan ay mayroong
nagmamahal sa kanila at iyon ay ang
kanilang guro.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=C9eGz9hXfEI&feature=youtu.be

Tunay ngang ang mga guro’y tao lamang at hindi perpekto. Minsa’y nagkakamali na
siyang nagiging dahilan upang mapagbuntungan ng galit ang kanyang mga estudyante. Isa rin ito
sa mga katotohanang hindi maitatago ng lipunan. Sa akda ay kapansin-pansin ang nagawang
pagbulyaw ng guro sa bata, “Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko
dapat gawin ay aking ginagawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita
ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit.” Patunay lamang ito na hindi
maiiwasang dahil sa kainitan ng ulo ng guro ay nakagagawa siya ng mga bagay na hindi dapat
niya gagawin sa kanyang mga mag-aaral. Isa pang patunay ang mga linyang “Ang nagugunita ko
lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 39


niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang
mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.”

Kung minsan, ang mga damdamin ay hindi natin mapigilan kaya’t ito ay nakapagdudulot
ng masama gaya ng pagkasira ng isang relasyong kay tagal na at kapag kumupas na ang
damdaming ito saka pa natin mapupunang mali at hindi nararapat. Ganoon talaga ang buhay,
minsa’y nagagawa natin ang mga bagay na hindi natin aakalaing magagawa natin. Mayroong
mga pagkakataon na tayo ay nasa kondisyong mainit ang ulo’t madaling nagagalit at nasa
kondisyong mahinahon. Hindi maiiwasan lalong-lalo na sa ating mga gurong maraming
ginagawa kaya kung minsa’y napapansing nakakapagsalita na pala sila ng masasakit sa kanilang
mga mag-aaral. Nakakalimutan ng mga guro ang kondisyon at sitwasyon ng kanilang mga
estudyante bugso ng damdaming hindi napigilan. Ito minsan ang nagiging sanhi ng pag-iisa ulit
ng mga batang napag-iwanan.

Sa pelikulang
https://www.youtube.com/watch?v=V07ps1GMKgk “Lean on Me” may makikitang eksena roon
na pinagalitan ng guro ang isa sa kanyang estudyante dahil sumusobra na ito sa katigasan ng ulo.
Magkaiba man ang estorya ng akdang sinuri at ng pelikulang iniugnay ay hindi naman
maikakaila ang pagkakaroon ng pagkakatulad ng dalawa. Kung papansining mabuti nagagalit
ang mga guro sa kadahilang ang mga mag-aaral din ang nagdudulot nito para sila ay magalit.
Kahit galit man ang guro ay napananatili ng mga bata ang maging kalmado dahil alam nila na
hindi makatutulong kung magagalit din sila sa kanilang guro. Ang galit ay hindi napipigilan,
kung kailangang ilabas ay dapat na mailabas pero dapat ay ilagay sa maayos na lugar at huwag
ibuntong sa mga mag-aaral. Sa pagiging mainitin ng ulo ng guro sa pelikula ay hindi na niya
naiisip ang saloobin ng kanyang mga mag-aaral na kanyang pinagalitan. Ang mga bata ay hindi
ipinakita ang pagkatakot sa guro dahil marahil ay may pinagdadaanan lang ang kanilang guro. Sa

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 40


kabilang dako, mas nangingibabaw pa rin ang pagrespeto nila dito dahil alam nilang mas mataas
pa rin ang katayuan ng kanilang guro kaysa sa kanila. Maiiugnay ang akdang sinuri at ang
pelikula dahil pareho itong nagpapakita ng katotohanang ang mga guro ay nagagalit din
paminsan-minsan. Dahil dito, hindi nila naiisip ang maaring maramdaman ng kanilang mga mag-
aaral at ang resulta ng kanilang naging aksyon.

Ang pagtuturo ay isang panghabangbuhay na responsibilidad. Responsibilidad na


humahamon sa mga guro na gawing mahusay ang kanilang pagtuturo. Sa kasalukuyan, hindi
maiiwasan lalo na sa ating lipunan na ang mga guro ay naiinis at nagagalit sa kanilang mga mag-
aaral na nagiging dahilan na sila’y makapanakit at minsan hindi nila inakalang magagawa nila
iyon. Kagaya nalang ng bidyong ito https://www.youtube.com/watch?v=V7KaQz2ikF8.
Ipinapakita na ang isang mag-aaral dito ay palaging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan na
nagiging dahilan upang saktan siya ng kanyang guro.

Ito ang kasalukuyang


nangyayari sa ating lipunan, isang pangyayaring nagaganap sa paaralan na kahit sa maliit na
kamalian ng isang mag-aaral ay napapagalitan, sinasaktan at napagsisigawan siya ng isang guro.
Isang paalala sa mga guro na nararapat lamang na huwag dalhin ang mga problema sa silid-
aralan upang di makapanakit sa damdamin ng mga mag-aaral. Kailangan pag-isipang mabuti ang
mga bagay at desisyong gagawin upang sa huli ay hindi magsisi at makasakit sa damdamin ng
bata, dahil unang-una hindi natin alam ang dahilan kung bakit nila iyon nagagawa.

Ang mga katagang, “Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin
nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 41


iisa’t kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na
siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso,” ay nagpapakita ng maling nagawa ng guro.

May mga pangyayari talaga sa loob ng paaralan na natatakot na ang mga mag-aaral na
pumasok dahil takot o ayaw nila ang kanilang guro. Ang iba’y lumiliban na lamang dahil
natatakot na baka mapagalitang muli ng kanilang guro. Isa rin ito sa mga katotohanang hindi
maiiwasan lalo na sa relasyon ng guro’t mga mag-aaral. Saka na lamang mapagtutuunan ng
pansin ng mga guro kapag nagbibigay na ng motibo o dahilan ang mag-aaral lalo na kapag nakita
ng mga guro na kakaiba na ang kilos ng isang estudyante. Sa kasamaang palad, ang ganitong
mga pangyayari ang minsa’y nagiging dahilan kung bakit hihinto na lamang ang estudyante o
lilipat ng ibang paaralan upang maiwasan lamang ang kanilang takot sa guro.

Gayunpaman, nangibabaw pa rin ang kabutihang loob ng bata sapagkat siya mismo ang
nagpakumbabang loob kahit na nasaktan siya sa ginawa ng kanyang guro. Ang mga linyang
“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata
niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang
sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin,” ay
nagpapakita ng respeto ng bata sa kanyang guro.

Ang pangyayaring ito ay nagpapahiwatig ng kababaang loob at ang tunay na pag-ibig ay


nakapagdudulot ng mabuti at kasiyahan. Ang ating buhay ay puno ng mga tanong, mga tanong
na minsa’y walang kasagutan. Kung ating huhukayin ang kahulugan ng buhay, sa ating lipuna’y
makikita natin na gaano man kasakit ang naramdaman ng mga Pilipino’y nananatili parin sa puso
ang mga masasayang sandaling idinulot ng mga taong naging bahagi nito.

Ang ginawa ng bata ang siyang naging dahilan ng pagsisisi ng guro sa kanyang maling
nagawa bugso ng kanyang damdamin. Napatda siya sa kabutihang ginawa ng kanyang mag-aaral
na higit na nangibabaw ang pagpapakumbaba ng bata kahit na ito’y walang kasalanang ginawa.
Patunay lamang ang mga sinabi ng guro na “Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba
ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.” Dahil dito, ang batang maliit ang
karunungan, maitim, pangit, at pipis ang ilong ang siyang nagturo ng isang aral na hindi

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 42


kailanman malilimutan ng kanyang guro. Naging mapagkumbaba at nagpakatotoo siya sa
kanyang sarili dahilan upang hindi siya makalimutan sa gunita ng kanyang guro.

Sa pelikulang https://www.youtube.com/watch?v=_DS77-VQ9eE “3 Idiots” makikita


doon ang pagkakatulad ng akdang sinuri at ng palabas. Sa pelikula ang guro ay mapagmataas
dahil para sa kanya ay siya lang ang matalino at siya
lang ang may alam ng lahat. Hindi siya nakikinig sa
mga hinanaing ng kanyang mag-aaral at hindi niya rin
binibigyan ng pagkakataon ang ibang estudyante na
magpasa ng kanilang proyekto. Isa sa mga karakter sa
pelikula ay hindi nawalan ng pag-asa na ipakita ang
kanyang kakayahan na kaya niyang patunayan na hindi
sa lahat ng pagkakataon ay mali siya.

Ang akdang sinuri at ang pelikula ay mayroon pagkakapareho dahil sa huli ay nagbago ang
mga paniniwala ng mga guro. Sa akdang sinuri, ang guro roon ay natuto sa ginawa ng kanyang
mag-aaral. Natutunan niyang magpakumbaba dahil napagtanto niyang hindi sa lahat ng
pagkakataon ay ang matanda ang nagtuturo sa bata. Sa pelikula naman ay makikita ang
pagkamangha ng guro sa ginawa ng kanyang estudyante. Unti-unti niyang natatanggap ang
katotohanang may kakayahan rin pala ang kanyang mag-aaral. Napatunayan iyon ng estudyante
sa pamamagitan ng pagligtas sa anak ng guro at sa buhay ng kanyang apo. Sa paglabas ng bata
ay hindi ito humihinga pero sa tulong ng estudyante at dahil na rin sa kanyang kakayahan at
pananalig sa panginoon ay nailigtas niya ang bata. Hindi nagdalawang isip ang guro na purihin
ang ginawang kabayanihan ng estudyante sa palabas. Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan
ng kanyang pagtanggap na hindi lang siya ang may matalas na isip at may kakaibang natatanging
galing. Natuto siyang magpakukumba dahil para sa kanya ang lahat ng tao ay may kakaibang
talento. Ang dalawang akda ay magkakapareho dahil sa huli ay nagsisi at natuto ang mga guro sa
mga pagkakamaling nagawa nila sa kanilang mga mag-aaral.

Sa larangan ng edukasyon, responsibilidad ng mga guro na turuan ang kanilang mga mag-
aaral. Gayunpaman, ang pagkatuto ay hindi lamang para sa mga mag-aaral ngunit para na rin sa
mga guro. Isa itong patunay na hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang nagbibigay ng karunungan,

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 43


kailangan mo ring tumanggap ng aral o matuto sa tulong ng ibang tao kagaya na lamang ng mga
nangyayari sa ating lipunan. Hindi man aminin ng ibang mga guro ngunit minsan na rin silang
binago at nagbago dahil sa kanilang mga mag-aaral. Ang mga may matigas na puso ay
lumambot, ang mga gurong mapagmataas ay kalauna’y natutong maging mapagpakumbaba.
Higit sa lahat natuto ang mga guro na maging totoo sa kanilang mga sarili at napagtantong hindi
lahat ng bagay ay alam nila at kailangan din nilang matuto mula sa ibang tao.

III. Pagbubuod/Konklusyon

Ang mga akdang sinuri ay kakikitaan ng mahahalagang aral na magsisilbing gabay sa


ating buhay. Ang mga pangyayari na ito ay likas na makikita at mararanasan sa tunay na buhay.

Masasabi naming ang ginawa naming pagsusuri sa mga akdang kontemporaryo ay hindi
madaling gawain sapagkat nangangailangan ito ng malalimang pag-unawa sa mga akda. Ang
mga akdang sinuri ay may mga nakatagong kahulugan o mensahe na kahit na sa isang basa nito
ay hindi agad dali-daling maintindihan ng mga mambabasa kung kaya’t kinakailangan na
unawain ang akda ng mabuti at kinakailangan nito ng proseso para sa malalimang pagsusuri.
Hindi ito madaling gawain ngunit malaki naman ang naitutulong nito sa amin bilang mga
estudyante na nag-aaral tungkol sa panitikan. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito ay may mga
bagong kaalaman kaming nalaman tungkol sa panitikan at kasama na rito ang paggamit at
paglapat ng iba’t ibang dulog. Ang mga pangyayari sa dalawang akdang sinuri ay napapanahon
sapagka’t ang mga pangyayaring naganap sa kwento ay nangyayari rin sa ating kasalukuyan na
kung saan ay nasaksihan o masasaksihan pa natin.

Batay sa mga karanasan ng may-akda ay inilahad niya ang mga pangyayari na


nararanasan o nakikita sa lipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng akda. Kung saan ang mga
paksa ay tungkol sa kahirapan, pang-aapi, karahasan, krimen at marami pang iba na
matutunghayan sa tunay na mundo. Sa pamamagitan ng mga akdang sinuri ay mas naliliwanagan
pa ang ating isipan tungkol sa mga isyu sa lipunang ating ginagalawan.

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 44


IV. Batis/Sors

https://meviasy.wordpress.com/

http://nielbertmalimit.blogspot.com/2014/03/bangkang-papel-ni-genoveva-edroza-matute.html

https://meviasy.wordpress.com/

https://pinoycollection.com/maikling-kwento/

http://aprilmbagonfaeldan.blogspot.com/2012/03/mga-teoryang-pampanitiikan-pat-v.html
http://biography.yourdictionary.com/articles/genoveva-edroza-matute-biography.html

https://dakilapinoy.wordpress.com/2009/03/26/genoveva-edroza-matute-1915-2009/

http://genovevamatute.wikia.com/wiki/Buod_ng_%22Paglalayag..._Sa_Puso_ng_Isang_Bata
%22, http://208500232771798456.weebly.com/mga-elemento.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento

http://kwentistablog.blogspot.com/2013/05/inukit-na-pag-ibig-at-kabayanihan-ni.html

http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ako-poy-pitong-taong-gulang.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 45


http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003

https://youtu.be/s6z1FZfBuE

https://www.youtube.com/watch?v=gEoyn-Tn9Eo

https://www.youtube.com/watch?v=vVEdtVpJgEY

http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com

https://www.youtube.com/watch?v=CODJGDkd_nI.

https://www.youtube.com/watch?v=LKKugXFfRE8&feature=youtu.be

LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman 46

You might also like