Professional Documents
Culture Documents
Tata Selo Pagsusuri
Tata Selo Pagsusuri
Lahat ng mga tanong na ito ay may kinalaman sa ating maikling kwentong isinulat ni
Rogelio Sikat na may pamagat ng “Tata Selo”. Ito ay isang kwento na tumatalakay sa isang
magsasaka nagngangalang Tata Selo, na pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi
nyang pag-aari niya noon. Nagpaliwanag siya sa Kabesang Tano para hindi siya paalisin sa
sakahang iyon ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi na nakuha ng magsasaka ang lupang ito kaya
ginusto na lamang niya itong siya ang magsaka nito kahit na hindi niya ito pag-aari ngunit wala
pa ring nangyari sa pakiusap niya kay Kabesang Tano kaya tinaga niya ang Kabesa.
TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Rogelio Sikat
"Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sikat na isinadula sa isang pelikula, ay
ilan lamang sa mga ginawa ni Sikat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-
Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses".
Marami nang mga parangal ang kaniyang natanggap ngunit mas nakilala siya sa kaniyang
akdang “Impeng Negro”, na nanalo sa kategoryang maikling kwento sa Gawad Carlos Palanca
noong 1962. Marmain sa kaniyang pinakamagagandang kwento ay unang lumabas sa Liwayway.
Si Lilia Quindoza-Santiago, na isang primyadong manunulat, ay humanga sa mga akda ni Sikat.
BUOD
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata
Selo. Ito ay sa kadahilanang napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang
sinasakahan ni niya. Madaming tao ang halos nagsisiksikan, nagtutulakan at naggigitgitan para
lamang makita si Tata Selo ngunit hindi sila pinapapasok ng mga pulis sa tanggapan. Halos lahat
ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata Selo kay Kabesang Tano.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang
lupang sinasakahan subalit tumanggi ito. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa
niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa, paliwanag ni Tata Selo sa
binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na pawang
mga kakilala ng Kabesa. Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa paliwanag ni Tata Selo. Hindi daw
sapat na dahilan iyon para tagain ni Tata Selo ang Kabesa pro patuloy pa rin ang matanda sa
pagpapaliwanag na kanila ang lupang iyon at sinasabi pa niya na malakas pa siya kaya hindi siya
dapat paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan siya nh hepe ng pulis.
Sinapok at sinukmuraan niya ang kaawa-awang matanda. Sa pagkakasuntok ng hepe sa sikmura
nito ay kitang-kita na ang nkakaawang kalagayan nito.
Kinabukasan, sinabi ng alkalde kay Tata Selo na siya ay dadalhin sa kabisera at doon siya
ikukulong. Dagdag pa nito ay habambuhay na pagkakulong ang ibibigay na parusa sa kanya.
Ngunit sagot ni Tata Selo ay patayin na lamang daw agad siya. Sa araw ding ito ay dumalaw ang
anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag si Tata Selo nang
maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa. Ngunit
pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig
sa ama nito. Dumating din noong araw na iyon ang bata, anak ng magsasaka na dumalaw sa
kanya kahapon at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain umiwi si Saling.
Subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang
nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
BANGHAY
Kasukdulan - Dumating ang alkalde kasama ang hepe at pinasiya nito na mag-usap sila ni Tata Selo sa
tanggapang ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng kabesa si Tata Selo habang nagmamakaawa kaya biglang
nataga ng matanda ang si Kabesang Tano. Sinabi pa ng matanda na malakas pa siya at kaya pa niyan magsaka
kaya hindi siya dapat paalisin sa bukid. Ngunit hindi pinansin ng alkalde ang paliwanag ni Tata Selo. Nang
makaalis ang alkalde, naiwan si Tata Selo sa hepe. Muli ay nagpaliwanag ang matanda ngunit bigla na lamang
sinuntok, sinikmuraan at binatukan ng hepe ang matanda. Hindi man lang ito nahabag sa kaawa-awang
kalagayan ng matanda.
Kakalasan
SIMULA
Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang
kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik.
Ipinakita lamang ni Rogelio Sikat ang katuyuan ng matanda sa buhay. Kitang
kita ang hirap na pamumuhay ng matanda sa kwento bilang magsasaka. Kaya
nga nang siya ay pinapaalis na ni Kabesang Tano sa sakahan nito ay
nagmakaawa ito dahil ito lamang ang kanyang ikinabubuhay. Sinabi din sa
kwento na ang lupang iyon ay pagmamay-ari dati nina Tata Selo ngunit
naisangla lamang ito at hindi na nabawi. Sa panganagtwiran ni Tata Selo na
paalisin siya sa bukid, nakikita ko ang pagpupursigi ng matanda na sakahin ang
lupang dating pagmamay-ari nila. Labis na pinapahalagahan ni Tata Selo ang
lupang iyon kaya naman gusto niya na siya na lamang ang magsaka doon.
b. Kabesang Tano
Siya ang may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo. Pero isang araw ay
sinabihan na lang niya ang matanda na umalis na ito sapagkat may iba nang
magsasaka dito. Hindi nya inisip ang mararamdaman ng isang masipag na
magsasaka sa ginawa niyang desisyon. Nagawa pa nitong pagpapaluin ng
tungkod ang matanda nang ito ay nagmamakaawa na huwag paalisin sa bukid.
Ngunit dahil sa pagiging gahaman at malupit ng kabesa, nataga at napatay siya
ni Tata Selo.
c. Alkakde
Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay Tata
Selo tungkol sa pagtaga ng matanda kay Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng
alkalde habang tinatanong si Tata Selo, napansin ko ang pagiging arogante at ang
pagiging mapagmataas nito. Kahit na siya ang mayor sa bayang iyon, nakalimutan
niya na mas matanda sa kanya ang kausap niya. Nawawalan siya ng paggalang sa
matanda. Ngunit, bilang isang opisyal ng pamahalaan, hindi siya nawawalan ng
oras para sa mga kaso at krimen na nangyayari sa kanyang nasasakupan.
d. Hepe
Siya ang kasama ng alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa
kaso nitong pagtaga kay Kabesanmg Tano. Sa aking pagsusuri, mayabang at
mapagmataas siya. Kinakawawa niya si Tata Selo. Wala din siyang galang sa
matanda. Alam na naman niyang matanda at mahina na si Tata Selo ay nagawa pa
din niya itong suntukin at sikmuraan. Kitang kita sa pagkakalad ng kwento na
ginagamit ng hepe ang kanyang kapangyarihan sa maling paraan.
e. Isang Bata
f. Saling
B. Tagpuan
Sa simula pa lamang ng kwento ay nakakulong na agad si Tata Selo dahil
sa nagawang kasalanan. Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok habang
sinasaraduhan ng mga rehas na bakal. Ang tagpuang ito ay kakikitaan ng lugar na
kalalagyan ng taong nagkakasala. Sa istaked namamayani ang labis na
pagkalugmok ng pangunahing tauhan sa kasalanang ginawa. Matindi ang init ng
araw sa kwento, nagpapakita lamang ito ng palabang pagkatao ni Tata Selo sa
kwento.
C. Tunggalian
TAO LABAN SA KAPWA
D. Uri ng Kwento
PANGKATAUHAN
E. Kakintalan
a. Bisa sa Isip -
Ang kwentong ito ang nagmulat at nagpa-isip sa akin kung gaano kahirap
para sa isang magsasaka ang mawalan ng trabaho lalo’t pagsasaka lamang ang
kanyang ikinabubuhay. Kaya nga’t ang trabaho ay isang bagay na hindi talaga
dapat ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang magpapasya
sa kung anong uri ng buhay ang ating mararanasan.
b. Bisa sa Damdamin -
Sa pagbabasa ng kwentong ito, naghalo-halo ang kalungkutan, galit, at
paghihirap ng tauhan sa kanyang kalagayan. Nakaramdam ako nga awa para kay
Tata Selo dahil sa siya na nga ang nagpapakahirap magtrabaho sa kabila ng
katandaan niya, ay siya pa din ang pagkakaitan ng trabaho at basta na lamang
papaalisin nga kabesa sa bukid. Naramdaman ko din yaong galit na naramdaman
para sa kabesa dahil sa hindi makatarungang desisyon nitong paalisin ang isang
masipag na magsasaka sa kanyang bukid.
c. Bisa sa Moral –
May iba’t-ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa
lipuan ngunit mali ang paggamit sa kanilang kapangyarihan. May mga tao din
namang mahihina na siyang inaapi-api lamang ng may mga maykapangyarihan.
Ang mga mahihina, mahihirap at mga hikahos ay babawian hanggang sa maging
“walang-wala”.
F. Sanggunian
http://jhenpitz.multiply.com/
http://en.wikipedia.org/wiki/Rogelio_R._Sikat
http://panitikan.com.ph/authors/s/rsicat.htm
http://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/09/tata-selo-ni-rogelio-sikat.html
http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html